Pinayagan ako ni Harry. Mabuti na lang at pumayag din ang anak ko. Hindi ko kasi siya puwedeng dalhin doon dahil baka hindi ko maasikaso. Sa pagkakaalam ko ay gabi ang party sa mismong restaurant pa kaya kung dadalhin ko si Amer ay baka makatulog lang siya roon. “Bea, mabuti at nakarating ka na!” si Tiya Elena. Dumiretso ako sa bagong tayo na bahay ni Tiya Elena. Hindi pa naman ito tapos ngunit dito na siya lumalagi. Hindi ko akalain na bibigyan ng ganito ni Harry si Tiya Elena. Napangiti na lamang ako. “Pinayagan po kasi ako,” ani ko sabay lagay ng tote bag ko sa lamesa. Inayos ko ang buhok ko at saka pinagmasdan ang buong kapaligiran. Malayo siya nang kaunti sa dating bahay pero maganda ang pagka-puwesto dahil na rin sa malapit lang sa dagat. Ang galing talaga nilang pumili. I wo

