Isang gabi Guminhawa ang buhay ko nang umalis si Ella. Pero hindi porket gano’n nga, bati na kami ni Harry. Hangga’t hindi niya napatunayan na hindi siya ang Ama o hindi buntis si Ella ay hindi ko muna siya papansinin. Kahit hindi man halata sa kinilos ko, nasaktan pa rin ako. Nasaktan na ako noon, lumayo pa nga upang magbagong buhay. Kung gagawin ko ulit iyan ngayon, walang pagbabago sa buhay ko. Kung tatakbuhan ko na lang ang lahat, isa pa rin akong talunan. Suspicious din sa akin ang mga kinikilos ni Ella kapag babanggitin ko ang kapatid ni Harry. Hindi ako nakatulog kakaisip no’n kaya nagdududa ako. Pilit kong iwala sa isip ko ngunit bumabalik pa rin. Ang ending, hindi ako nakatulog nang maayos. ** “Bea, hija,” si Tita Fely. “Pagpasensyahan mo na ang anak ko, ha? Pero maniwala

