Parang isang estatwang nakatayo si Isla sa harapan ng pinto ng kwarto ni Clay, nanlalamig ang mga daliri habang nakasapo sa sariling dibdib. Hindi niya maintindihan kung bakit siya narito—kung anong puwersa ang nagtulak sa kanya para tahakin ang silid ng lalaking matagal nang hindi niya nakakaharap.
Sumisikip ang kanyang dibdib, parang hinihigop ng katahimikan sa pagitan nila ang buong hangin sa kanyang baga. Ang pintong nasa harapan niya ay tila isang harang na maaaring bumagsak sa isang maling hakbang.
Napabuga siya ng hangin, pilit na pinapakalma ang nanginginig niyang mga kamay. Ngunit kahit anong gawin niya, hindi niya maitatangging may pangambang gumagapang sa kanyang balat, parang may paparating na unos na hindi niya kayang iwasan. Ganoon na lang ba ang pagkatakot niya kay Clay?
Bago pa siya makapagbago ng isip, itinaas niya ang kanyang kamay at marahang kumatok. Tatlong mahihinang katok—pero sa pandinig niya, parang kumakalabog sa katahimikan ng buong mansyon.
Sa pangalawang katok pa lang ay agad siyang sinagot ni Clay.
"Come in," malamig at maawtoridad nitong tinig na nagpatindig sa kanyang balahibo.
Walang pag-aalinlangan, pinihit ni Isla ang seradura ng pinto. Pagkabukas nito, agad siyang sinalubong ng malamig na simoy ng aircon, kasabay ng pamilyar na halimuyak ng mamahaling pabango ni Clay—hindi masangsang, kundi mayaman at nakakaakit.
Ang tanging ilaw sa silid ay nagmumula sa lampshade, lumilikha ng malalalim na anino sa dingding.
Habang unti-unting nag-aadjust ang kanyang paningin sa dilim, unti-unti ring lumitaw sa kanyang paningin ang pigura ni Clay. Nakatayo ito sa di-kalayuan, tila isang nilalang na hinubog ng perpektong proporsyon. Muli siyang napahanga sa taglay nitong tindig—isang mukhang ipinanganak upang maging isang artista, isang lalaking mahirap iwasan.
"Clay..." mahina niyang tawag, hindi alam kung paano sisimulan ang kanilang pag-uusap. Para siyang naubusan ng salita sa presensya nito.
"Close the door, Isla."
Diretsong utos iyon, malamig ngunit walang bahid pag-aalinlangan. Hindi na siya nagdalawang-isip pang sumunod. Sa kabila ng kanilang sitwasyon, asawa niya si Clay, at sa isang bahagi ng kanyang isipan, alam niyang dapat niya itong sundin.
Ngunit pagharap niyang muli sa binata, muntik na siyang mapasinghap nang makitang nasa harapan na niya ito. Napakalapit. Napakatindi ng titig nito, parang leon na nakorner ang kanyang biktima.
Napalunok siya, damang-dama ang tensyon sa pagitan nilang dalawa. Dahan-dahan itong lumapit, at habang lumiliit ang espasyo sa pagitan nila, lalong tumindi ang presensya ni Clay.
"Isla, who is he?" Diretsong tanong iyon—malamig, puno ng pagpipigil, ngunit sa ilalim ng kanyang tinig ay may halong nagbabantang galit.
Kuyom ang kamao ni Clay, halatang naghahari sa kanya ang matinding emosyon. Isang buwan nawala si Isla—isang buwan na walang balita, walang koneksyon. Hindi niya maintindihan ang sariling inis, pero nang makita niyang may ibang lalaking nagpapangiti sa kanya, hindi niya napigilang mapuno ng matinding selos.
Alam niya kung sino ang lalaking iyon—si Matthias del Fuego. Kilala niya ang reputasyon nito, isang lalaking bihasa sa panliligaw, isang lalaking hindi natatanggihan. At ang ideya na maaaring naging bahagi na ito ng buhay ni Isla ay nagpaliyab sa kanyang galit.
Hindi naman makaiwas ng tingin si Isla, tila hinahatak siya ng hypnotikong tingin ni Clay. Bumuka ang kanyang bibig upang magpaliwanag, ngunit bago pa niya maituloy ang sasabihin, bigla na lang siyang hinablot ni Clay at mariing siniil ng halik.
Nagulantang siya. Sinubukan niyang kumawala, ngunit parang bakal ang bisig ni Clay na hindi nagpaubaya.
Hanggang sa bigla na lang niyang narinig ang punit ng tela.
Nanlaki ang kanyang mga mata nang maramdaman ang lamig sa kanyang balat—ang kanyang bestida, pinunit ni Clay nang walang alinlangan. Naiwan siya sa kanyang manipis na panloob, at hindi niya malaman kung paano kikilos. Gusto niyang tumakbo, gusto niyang tumutol, pero hindi siya makagalaw.
Hawak pa rin siya ni Clay, at ramdam niya ang bawat halik nito sa kanyang leeg—mainit, mariin, mapusok.
"Clay..." mahina niyang tawag, naghahabol ng hininga.
Hindi niya alam kung dahil sa malamig na temperatura ng kwarto o sa init ng katawan ng lalaki, pero parang nanlalambot ang kanyang tuhod. Muli siyang kinarga ni Clay, parang isang babasaging bagay, at dinala siya patungo sa kama.
Nakahiga siya ngayon, pinagmamasdan ang lalaking nasa ibabaw niya. Ang titig nito ay matalim, ngunit sa ilalim ng lamig ay may kung anong ningas na hindi niya maipaliwanag.
At bago pa lumampas sa kontrol ang sitwasyon, marahang hinila ni Clay ang kumot at itinakip sa kanyang katawan.
"You are my wife. Nobody else owns you but me. I'm just making things clear here."
Pagkasabi nito, niyakap siya ni Clay—mahigpit ngunit hindi marahas. Ipinaunan nito ang mukha sa kanyang buhok, para bang inaangkin ang bawat hibla ng kanyang pagkatao.
Napasinghap si Isla. Ang mga salitang iyon... parang unti-unting nagmamarka sa kanyang puso. Hindi niya maitanggi na sa loob ng maraming taon nilang pagsasama, ngayon lang nila naramdaman ang ganitong klaseng paglapit sa isa't isa.
At sa kabila ng lamig ng silid, dama niya ang init ng katawan ni Clay. Ang bigat ng bisig nito sa kanyang baywang, ang bahagyang pagkiskis ng matigas na bagay sa kanyang likuran.
Nanginginig man, hindi niya mapigilan ang sariling kiligin sa sinabi nito. Hindi ba't ito ang unang beses na kinilala siya ni Clay bilang asawa nito?
"Clay..." mahina niyang tawag.
Umungol ito—isang mababang tunog na gumapang sa kanyang pandinig, hudyat na narinig siya nito. Ramdam niya ang bahagyang paggalaw nito, at kahit hindi niya nakikita ang mukha ni Clay, alam niyang nakikinig ito.
Namula siya, kinakabahan kung dapat pa ba niyang ituloy ang nais sabihin. Ngunit tinipon niya ang lakas ng loob at bahagyang lumunok bago nagsalita.
“Tungkol doon sa—”
Hindi niya na natapos ang sasabihin.
Biglang gumalaw si Clay, bahagyang humigpit ang yakap nito sa kanya. Mainit ang hininga nitong dumampi sa kanyang tainga bago ito bumulong, malalim at puno ng emosyon.
“Don’t mention his name, and I might just add him to the list,” aniya, ngunit sa tinig nito, hindi ito isang babala—parang pagtatapat. Parang may bahid ng pagseselos na pilit nitong itinatago. Maya-maya, lumuwag ang kanyang yakap, ngunit hindi siya binitiwan. “Leave it and just be with me. Good night, Isla.”
Napabuntong-hininga siya, hindi alam kung paano sasaluhin ang bigat ng mga salitang iyon sa kanyang puso. Ramdam niya ang init ng katawan ni Clay, ang t***k ng puso nitong nakadikit sa kanyang likuran.
Marahan siyang tumango, isang maliit ngunit tahimik na pagsang-ayon sa hindi niya pa lubos na nauunawaan.
“Good night, Clay,” bulong niya, at sa saglit na iyon, hindi niya maiwasang mapangiti—dahil sa unang pagkakataon, pakiramdam niya ay hindi na siya nag-iisa.