CHAPTER19

1107 Words
Basang-basa siya ng ulan habang binabaybay ang daan, halos hindi na niya makita ang kalsada sa harap dahil sa paghahalo ng ulan at luha. Walang tigil ang pag-agos ng kanyang mga mata—tulad ng ulan, hindi rin niya mapigil ang sakit. Akala niya, magsisimula na sila muli ni Clay. Akala niya, totoo na ang lahat. Ngunit palabas lang pala—isang magandang eksenang tinapos agad ng isang masakit na twist. Kaya pala ang bilis ng lahat. Kaya pala biglang nagbago ang ihip ng hangin. Napahigpit ang kanyang hawak sa manibela habang patuloy ang malakas na pagbuhos ng ulan. Hindi niya alam kung saan siya tutungo, pero sigurado siya sa isang bagay: hindi siya babalik sa bahay. "Para akong tanga," bulong niya sa sarili, boses niya'y garalgal sa luha. Pinahid niya ang mga mata gamit ang likod ng kamay, saka muling kumapit sa manibela. Hindi rin siya pwedeng umuwi sa bahay ng kanyang mga magulang—mas lalo lang siyang mahihirapan sa mga tanong na alam niyang hindi niya masasagot. Kaya't ipinarada niya ang sasakyan sa gilid ng kalsada at kinapa ang bag upang hanapin ang kanyang cellphone. Napasinghot siya, sabay ayos ng kanyang gusot at basang buhok. “Ganito talaga ang napapala ng mga kagaya ko,” bulong niya habang hawak na ang kanyang selpon, pilit pinapakalma ang sarili sa gitna ng unos—sa loob at labas ng kanyang mundo. Agad naman tumambad sa kanya ang ilang missed calls galing kay Clay. "Kailangan ko rin pa lang palitan ang numero ko," wika niya saka tinipa-tipa ang screen ng kanyang selpon. Hindi na niya binasa pa ang mga mensaheng ipinadala sa kanya ni Clay. Nagpadala siya ng limang mensahe at twenty missed calls. Hinapil niya ang numero ni Matthias, lihim na nagdarasal na sana’y hindi pa ito nakauwi ng Batanes. Sa ilang ring lang, agad niyang narinig ang malalim na tinig ng binata sa kabilang linya, puno ng pag-aalala. "Isla?" tanong ni Matthias, ang boses niya nag-aatubili, halatang naguguluhan at nag-aalala. Humugot si Isla ng isang malalim na paghinga, sinubukang kalmahin ang sarili bago sumagot. Ayaw niyang marinig ng binata ang panginginig ng kanyang boses, ngunit alam niyang hindi na niya kayang itago ang sakit. Kung ano man ang nais ni Clay para sa kanilang relasyon—kung ipapasawalang bisa niya ito—tanggapin na lang niya. Hindi na niya kayang magpatuloy sa ganitong kalagayan. At kung magtatagal pa ito, siya rin ang magiging pinakamasaktan sa huli. "Matthias," sagot niya, at hindi niya nakayanan—pumiyok ang boses niya, puno ng lungkot at pagsisisi. "Where are you?" tanong ni Matthias, ang tono ng boses niya puno ng matinding alalahanin, para bang hindi kayang maghintay pa. "Isla, where are you? Are you okay?" Napalinga-linga si Isla sa paligid, kahit siya'y hindi alam kung saan siya tumigil. "Nasa harapan ako ng CM Mall. Nasa sasakyan lang ako, nakaparada sa isang motorparts shop," sagot niya, binigyang-linaw ang lokasyon, ngunit ramdam niya ang init ng luha sa mga mata. "Please, don’t worry about me..." Tila naramdaman ni Matthias ang bigat ng kanyang mga saloobin, at bago siya makapagsalita ulit, narinig na niya ang malalim na paghinga nito sa kabilang linya. Hindi na ito nagtanong pa, ngunit ang nararamdaman niyang pagkabahala ay malinaw sa bawat sagot ng binata. "I'll be there. Don't go anywhere," wika nito at agad na pinatay ang tawag. Para namang nabunutan ng isang tinik ang kanyang puso dahil kay Matthias. Pinagmasdan niya ang kanyang sarili at naalala ang mga narinig niya kanina. Para siyang isang laruan at ngayon ay para siyang kaawa-awang nilalang na walang kaalam-alam. Awang-awa siya sa kanyang sarili. Nanatili siyang nakaupo at habang tumatagal ay nauubo na rin siya sa lamig. Pinatay na rin niya ang aircon ngunit dahil sa basang-basa siya at malakas din ang pagbuhos ng ulan at ng hangin ay lamig na lamig siya na para bang tagos hanggang buto ang lamig. "May bagyo ba?" mahinang wika niya na parang titiklop na ang kanyang mga mata ngunit kailangan niyang maging gising dahil kay Matthias. Para na ring nag-iinit ang kanyang paghinga ngunit wala naman siyang nararamdaman na masakit sa kanyang katawan. Nanginginig na rin ang kanyang mga tuhod ngunit wala siyang magawa upang pigilan ito. Awang-awa siya sa kanyang sitwasyon. Hindi na niya kaya at tila nilalamon na siya ng antok hanggang sa isang may malakas na katok mula sa bintana ng kanyang sasakyan ang pumukaw sa kanyang pansin. "Matthias," mahinang tawag niya nang makita niya ang mukha nito. Dahan-dahan niyang binuksan ang pinto at lumantad sa kanya ang nag-aalalang mga mata ng binata. "s**t! What happened?" Natatarantang tanong ng binata habang sinusuyod ng tingin si Isla. Bago pa man siya makasagot ay ramdam na niya ang tila humahalukay sa kanyang sikmura at pagkaputla ng kanyang mga labi. Nag-init ang kanyang mga tainga at bago niya pa man mahawakan si Matthias at bumaba na ang talukap ng kanyang mga mata at tuluyan nang nilamon ng kadiliman. HABANG nasa byahe ay iniwan na lamang ni Matthias ang kanyang sasakyan at ginamit ang sasakyan ni Isla. Tinawag na rin niya ang kanyang dalawang driver na kunin ang kanyang sasakyan. Ipinuwesto niya nang maigi si Isla sa upuan at mabuti na lang din ay nakasuot siya ng makapal na dyaket kaya agad niya itong isinuot kay Isla. Nag-aapoy ito sa lagnat at tila nagsasalita ngunit hindi niya ito gaanong maintindihan. Hindi niya alam kung saan ito iuuwi dahil may pakiramdam siyang ayaw nitong iuwi sa kanilang bahay at mas lalong sa mga magulang nito. Dahil kung gusto nitong umuwi ay hindi na siya nito dapat tinawagan sa halip na si Clay dapat ang nasa kanyang pwesto ngunit hindi. "Don't worry, you're safe with me," wika niya habang sumusulyap-sulyap kay Isla. Kinapa naman niya ang kanyang selpon sa bulsa ng kanyang suot na pantalon. Agad niyang tinawagan ang doktor ng kanyang ama at ibinigay ang address kung saan sila papunta. Sinabi niya na rin kung ano ang kalagayan ni Isla upang may madalang gamot ang doktor. Pagkatapos niya itong tawagin ay sinunod niyang tinawagan ay ang caretaker ng bahay upang maayos ang isang kwarto kung saan matutulog si Isla at para na rin makapagluto ito ng mainit na sabaw o sopas para rito. Hihintayin na lamang niya itong magising at hayaang magdesisyon kung ipapaalam niya ba ang sitwasyon nito sa kanyang mga magulang. Nang marinig niya ang boses nang tumawag ito ay alam na niyang may nangyari rito. Hindi niya ito pipilitin na magkwento kung ano ang nangyari bagkus hihintayin niya lamang ito. "Kung bakit ba kasi sa kanya ka napunta at hindi sa akin," wika niya habang ang kanyang buong atensyon ay nasa daan.
Free reading for new users
Scan code to download app
Facebookexpand_more
  • author-avatar
    Writer
  • chap_listContents
  • likeADD