Payapa at maganda ang tanawin sa labas ng kanilang bahay. Puro bukid ang makikita at walang ingay ng mga sasakyan at tanging ingay lamang ng kalikasan ang maririnig. Malakas ang ulan kagabi at medyo bumaha ngunit agad din namang humupa kinabukasan. Umuusok at mainit pa ang kape na siyang itinimpla niya. Tulog na tulog pa si Cerius at hindi na muna niya ito ginising dahil magdamag din silang nag-aral kagabi dahil nalalapit na rin ang exam nito. Wala itong pasok ngayon kaya mas maiging makapagpahinga nang mabuti si Cerius. Naging mahirap para sa kanya ang pagpapalaki ng bata dahil wala siyang karanasan at dapat ay katuwang niya ang kanyang ina. Ngunit ginabayan naman siya ni Faroda hanggang sa kaya na niya. Nakauwi na rin ito sa kanilang probinsya dahil mas kailangan siya ng pamilya nito.

