Napapikit naman sa sakit sa pagkababangga si Isla at dahan-dahang nilingon kung sino ang humila sa kanya. Amoy na amoy niya ang mamahaling pabango nito at pamilyar sa kanya ang amoy na 'to. Higit sa lahat ay pamilyar sa kanya ang boses at hindi siya maaaring magkamali kung kanino ito galling. Napatingala siya dahil sa katangkaran nito. "C-clay," tigalgal niyang sambit habang titig na titig sa mukha nito. Walang kawangis at sobrang kinis ng mukha nito. Madali rin siyang mapapansin ng mga tao dahil nga sa artista ito. At kahit naman siguro kahit sino ay mapapalingon at mapapalingon ang mga tao rito. Niluwagan naman nito ang pagkahahawak sa kanya dahilan upang umatras siya nang kaunti. Mariin niyang hinawakan ang kanyang mga kamay dahil sa nanginginig ito. Hindi niya mawari ang kanyang dap

