CHAPTER 40

929 Words

Madilim na nang buksan ni Isla ang kanyang mga mata. Nakatulog pala siya at kasalukuyan pa rin silang umaandar. Sa paningin niya ay malayo na sila dahil hindi pamilyar ang lugar sa kanya. Sinilip niya si Cerius na ngayon ay himbing na himbing pa rin sa pagtulog. Mistulang naging kama kasi ang upuan sa likod at marahil ay kinumutan ito ni Matthias kanina habang tulog siya. "Kumusta ang pakiramdam mo? Medyo malapit na tayo pero dadaan tayo sa isang kainan dito para pagdating doon ay makapagpahinga na rin kayo kaagad. Nakatawag na rin ako roon kanina pa para ayusin ang magiging kwarto ninyong dalawa," wika ni Matthias at tumango naman siya. Pangalawang beses na naman nito siyang tinutulungan. Hindi niya alam kung papaano makapagpasasalamat sa binata ngunit hindi ito ang gusto niya. Hindi ni

Free reading for new users
Scan code to download app
Facebookexpand_more
  • author-avatar
    Writer
  • chap_listContents
  • likeADD