Isang villa resthouse ang tumambad sa harapan ni Isla nang maiparada na ni Matthias ang sasakyan. Halos tumalon naman sa saya si Cerius nang may makita siyang pool sa labas ng bahay. Aakalain mo talagang isa itong isang resort ngunit ayon kay Matthias ay isa raw ito sa pag-aari ng kanyang ina. "Wow! Mama can I swim mamaya?" masiglang tanong ni Cerius habang inaalis naman ni Isla ang seatbelt nito. Umiling naman siya. "Bukas na lang anak at gabi na. Masyadong malamig at baka siponin ka mahirap na. Hayaan mo bukas na bukas din ay magpapaalam muna tayo kung pwedeng gamitin ang pool ha," sagot naman niya at bigla naman lumungkot ang mukha nito. "Ayos na ayos sa akin na gamitin mo ang pool, Cerius. Alam mo bang may mga cute rin kaming salbabida riyan? Bukas na bukas din ay papahanginan natin

