Makalipas ang limang taon . . . Sa limang taon na lumipas ay tila ba isang ihip ng hangin lamang ang lahat. Buong akala ni Isla na magiging maayos na ang lahat at magsisimula silang muli ni Clay ay salungat sa kanyang mga naisip. Para bang naulit ng kahapon at hindi na nadala. Hindi naman siya minamaltrato ni Clay ngunit mas malamig na ito sa yelo kaysa noon. Tumatayo na rin ito bilang ama ni Cerius at alam na rin ng publiko na siya ay kasal na. Malimit na rin siya kung lumabas ng bahay dahil hanggang ngayon ay gustong makuha ng press ang kanyang opinyon bilang maybahay ni Clay. Mas lalong tumanyag nang husto ang pangalan ni Clay sa industriya. Mabait na ama si Clay at halos spoiled na spoiled nito si Cerius ngunit simula nang bumalik sila sa poder nito ay bihira lamang sila kung makapa

