CHAPTER 43

908 Words

"Tulala ka na naman," puna ni Lexus habang inaayos ang mga tools papunta sa kanyang sasakyan. Limang taon na rin ang nakalipas simula nang gabing hinayaan niya ang babaeng bumalik mismo sa taong tingin niya ay mahal pa rin ito. Alam niya sa kanyang sarili na tama ang kanyang naging desisyon. Ngunit sa limang taon na iyon ay hindi ni minsan nawala sa kanyang isipan si Isla. Pilit niyang ibinabaling ang kanyang atensyon sa iba ngunit lagi naman siyang nabibigo. Marahil ay hahayaan na muna niya ang kanyang sarili na malunod sa kalungkutan hanggang sa kaya na niyang iahon ang kanyang sarili. Umiling naman siya at napabuntong-hininga. Kauuwi niya lang din kasi galing ng Quebec. Akala niya kahit papaano ay makalilimutan niya si Isla ngunit mas lalo lang yata siyang nangulila. Hindi rin kailanm

Free reading for new users
Scan code to download app
Facebookexpand_more
  • author-avatar
    Writer
  • chap_listContents
  • likeADD