Hiyawan. Sayawan. Walang tigil na hampas ng musika sa buong club.
Mula sa nakataas na VIP room ng Heathman, tanaw nina Clay at Lexus ang naglalakihang alon ng mga nagsasayaw sa dancefloor. Kumukutitap ang mga ilaw, parang mga bituin sa kalangitan ng lungsod. Sa kabila ng ingay sa ibaba, tila ibang mundo ang kinalalagyan nila—isang tahimik pero tensyonadong espasyo sa likod ng tinted na salamin.
Kumislap ang mga mata ni Lexus habang sinusundan ng tingin ang kaguluhan sa ibaba. Pagkatapos, bumaling siya kay Clay, may bahid ng inis sa tinig.
"Ano bang problema mo?" tanong niya, sabay kagat sa labi, waring pinipigilang mapikon. "Hindi ka naman ganyan dati."
Hindi agad sumagot si Clay. Imbes, sinipat niya ang basong hawak, pagod na pagod ang kilos habang pinaiikot ang baso na matagal nang walang laman. Sa tabi niya, nagbuntong-hininga si Lexus at muling sumilip sa dancefloor, para bang doon niya hahanapin ang sagot.
Sa wakas, dinampot ni Clay ang sigarilyo sa gilid ng mesa. Isinandal niya ang katawan sa upuan at dahan-dahang humithit bago matamlay na nagbitaw ng salita.
"What makes you think that I have a problem?" aniya, malamig ang boses, waring sinusubukang itago ang bigat sa dibdib.
Napailing si Lexus at natatawang mapait na bumuntong-hininga. Kinuha nito ang bote ng alak at nagsalin sa baso, walang pakialam kung mapuno man iyon.
"It’s because of her, isn't it?" bulalas niya, sinabayan ng pagtaas ng kilay. "Parang kahapon lang, halos isumpa mo ang pangalan niya. Tapos ngayon..." Umiling siya, pinuntirya ng tingin si Clay. "Look at you. Drowning yourself in alcohol dahil lang sa babaeng 'yon."
Isang malamig na sulyap ang isinukli ni Clay—matalim, mapanganib.
Natahimik si Lexus. Hindi na niya kinailangan ng huling paalala. Maingat niyang itinabi ang baso, saka sumandal sa sofa, pinili ang katahimikan kaysa lalong pag-initin ang ulo ng kaibigan.
Sa labas ng kanilang silid, sumasabog pa rin ang musika—mabilis, mabangis, sinasalamin ang kabog ng mga pusong nagtatagong sugatan. Ngunit sa pagitan nina Clay at Lexus, namuo ang isang katahimikang mas mabigat pa kaysa sa usok ng sigarilyong lumulutang sa ere.
Palihim na napakagat sa labi si Lexus, pinipigilan ang sarili na magsalita pa. Alam niyang sumobra siya. Hindi niya intensyong ipakita ang laman ng kanyang dibdib—ang pagnanasang matagal na niyang itinatago.
Ang babaeng gusto niyang agawin mula sa lalaking kasama niya ngayon.
Tahimik siyang huminga bago tuluyang binasag ang katahimikan.
"Do you love her?" tanong ni Lexus, pilit pinapakalma ang tono ng boses kahit pa bumibilis ang pintig ng kanyang dibdib.
Hindi agad umimik si Clay. Nakatingin lamang siya sa baso, pinagmamasdan ang mga patak ng alak na kumikislap sa ilalim ng mahinang ilaw. Pagkalipas ng ilang segundo, ikinibit niya ang balikat, waring nag-aalinlangan.
"Honestly... I don't know yet," sagot niya, mariing idinugtong ang isang tungga sa baso. "But I don't want to lose her."
Napa-iling si Lexus. Sa loob-loob niya, gusto niyang kalugin ang kaibigan. Hindi pwedeng ganito—hindi pwedeng hawakan ni Clay si Isla habang nagdadalawang-isip.
"Hindi naman puwede 'yang ganyan, Carson," madiin niyang sabi, gamit ang apelyido nito na karaniwang ginagamit lang nila kapag seryoso ang usapan. "She loves you... pero kung hindi mo naman kayang suklian, bitawan mo na siya. Let her go."
Umangat ang mga mata ni Clay. Malamig. Seryoso.
Dahan-dahan siyang umayos ng upo, saka dumiretso ng tingin kay Lexus, ang titig niya parang pumapasok sa mismong kaluluwa nito.
"Tell me..." nagsimula si Clay, mababa ang boses, mapanganib. "Why are you so eager to tell me to let her go?"
Napakuyom si Lexus ng palad.
"I'm curious," bulong ni Clay, bahagyang ngumiti—isang ngiting hindi umabot sa mata. "Curious ako sa babae na matagal mo nang pinagnanasaan. And I wonder if it’s her." Kumunot ang noo niya, waring sinusuri ang mukha ng kaibigan. "Magkaibigan tayo, kaya pinipilit kong hindi mag-isip ng kung ano-ano. Pero you keep pushing me. Kaya ngayon, sasabihin ko na. Tell me, Lexus... do you like my wife?"
Parang sinuntok si Lexus sa dibdib.
Hindi siya nakasagot. Hindi niya alam kung paano.
Tumayo siya, pilit pinanlalambutan ang tensyon ng gabing iyon.
"You're drunk," ani Lexus, pilit nagpapatawa. "I'll get you home."
Patalikod na sana siya nang marinig niya muli ang malamig na boses ni Clay.
"I know what I'm saying," anito, tumayo at mahinang umiling. "I can drive."
Hindi na siya pinansin ni Clay. Dire-diretso itong naglakad palabas ng silid, hindi na nilingon si Lexus.
Naiwan siyang nakatayo roon, parang estatwang hindi alam kung ano ang susunod na gagawin.
Buhos ng malamig na tubig ang naramdaman niya.
Alam na ba ni Clay?
Sa parking lot, mabilis na pinaharurot ni Clay ang sasakyan, ang makina ay umuungol sa ilalim ng kanyang kontrol.
Kahit pa may alkohol sa dugo niya, matalas pa rin ang kanyang mga mata. Hindi siya madaling matinag, hindi basta-basta nalalasing.
Pero hindi niya kayang lasingin ang katotohanan.
Bakit hindi niya nasagot kanina ang tanong ni Lexus? Mahal ba niya si Isla?
Hindi niya masabi.
Isang duwag. Iyon ang tingin niya sa sarili.
At higit pa sa lahat, mas mabigat ang natuklasan niya ngayong gabi. Hindi na siya nagdududa.
Isla.
Si Isla ang matagal nang itinatagong babae ni Lexus.
Naaalala pa niya noon kung paano ikwento ng kaibigan ang tungkol sa isang "babaeng hindi niya maabot." Wala itong ipinakitang larawan, walang binanggit na pangalan—pero sa paraan ng pagkukuwento nito, ramdam niya ang pagnanasa, ang paghanga, ang pananabik.
At ngayon... malinaw na sa kanya ang lahat.
Napahigpit ang pagkahahawak niya sa manubela. Walang gaanong sasakyan kaya malaya siyang magpabilis ng takbo. Nakaramdam siya ng selos at galit. Akala niya ay iisa lang ang problema niya ngunit mayroon pang isa na nasa kanyang harapan lamang.
Tanaw na niya ang bahay at agad niyang ipinarada sa loob ang sasakyan. Sinalubong naman siya ni Faroda ngunit nilagpasan lamang niya ito at nagpatuloy sa paglalakad. Sinulyapan niya ang kanyang relo at mag-a alas dyes na pala ng gabi. Iniisip niyang baka tulog na si Isla at hindi na niya maistorbo.
Maingat na pinihit ni Clay ang seradura ng pinto, pinipigilang gumawa ng anumang ingay. At gaya ng inaasahan niya—
Nakatulog na si Isla.
Tahimik siyang lumapit, hinayaang lamunin siya ng malamlam na liwanag ng buwan na pumapasok sa nakabukas na bintana. Dumaan ang malamig na simoy ng hangin, bahagyang inuga ang manipis na kurtina, habang siya naman ay tila nakalutang habang pinagmamasdan ang natutulog na dalaga.
Ang puting bedsheet ay lalong nagpatingkad sa makinis at malamlam na kutis ni Isla. Ang mahabang buhok nito ay nakalatag sa unan, parang alon ng kadiliman sa ilalim ng pilak na liwanag.
Dahan-dahan, para bang baka siya magising sa isang panaginip, iniabot ni Clay ang kamay at sinuklay ng mga daliri ang malalambot na hibla ng buhok ni Isla. Umupo siya sa gilid ng kama, nanatiling tahimik habang ang puso niya ay tila nananabik at natatakot sa parehong sandali.
Pinagmasdan niya ito—ang payapang paghinga, ang bahagyang paggalaw ng pilik-mata sa bawat hinga, ang banayad na kulay-rosas ng mga labi.
Napakuyom siya ng palad.
"Do I love you?" bulong niya, mahina, pilit nilalabanan ang bigat ng emosyon na nagsisimulang bumalot sa kanya.
Pumikit siya, pilit nilulunod ang damdaming ayaw pa niyang pangalanan.
Ngunit isang mahinang ungol ang nagbukas ng kanyang mga mata.
"Clay...?"
Ang tinig ni Isla—basag, paungol, halos pabulong—ay tila musika sa kanyang mga tenga.
Namungay ang mga mata nito, pilit hinahanap ang presensya niya sa dilim.
Agad siyang napatayo, biglang nahiya sa sarili.
"Get back to sleep," mahinahon niyang sabi. "I'll just wash."
Akma na sana siyang lalayo nang maramdaman niyang hinablot siya ni Isla, mahigpit na niyakap, waring ayaw siyang paalisin.
Nanigas si Clay, hindi alam kung ano ang gagawin.
"Isla..." aniya, halos isang bulong.
"Stay..."
Isang salitang halos hindi marinig, ngunit sapat para itulak si Clay na bumalik sa kama.
Isang ngiti, banayad at puno ng pag-aalaga, ang gumuhit sa mga labi niya. Tahimik siyang umupo muli at inakay si Isla pabalik sa pagkakahiga, saka maingat na tumabi rito.
"Get back to sleep now, Isla," bulong niya habang hinahaplos ang likod nito.
Tumango si Isla, bahagyang ngumiti, bago isinubsob ang mukha sa dibdib niya, para bang naroon ang tanging katahimikan ng mundo.
Hinapit ni Clay ang baywang nito, pinisil ng banayad, at ipinikit ang kanyang mga mata. Marahan niyang hinalikan ang ulo ni Isla, ninanamnam ang bango ng buhok nito na nagbigay sa kanya ng kakaibang kapayapaan.
"Tomorrow..." bulong niya, halos isang panata sa hangin. "Tomorrow we will talk."
At sa gitna ng katahimikan ng gabi, habang patuloy na sinasalubong ng buwan ang kanilang mga lihim, sa wakas ay nakahanap ng kanlungan ang kanyang puso.