Chapter 1
Her POV
"Congratulations, Nym! You deserve the promotion!" Bati sa akin ng officemate at best friend kong si Elle.
"Sabi sayo e, makukuha mo rin yan kahit wala ang tulong ko" dagdag niya. Siya kasi ang anak ng may-ari ng kumpanyang pinapasukan ko.
Noong mga panahong nawalan ako ng confidence, gana sa buhay at malapit ng sumuko, nagbaka sakali akong magpatulong sa kanya. Kapit lang ba? Kaya niyang gawin 'yon pero mas maganda pa rin sa pakiramdam kapag you achieved something step-by-step through your own efforts.
Isa na akong chief marketing manager sa isang wine company.
"Thank you sa 101% support mo" sabay yakap ko sa kanya. "Saan mo gusto mag-dinner?"... tanong ko sa kanya... "treat ko" dagdag ko pa. Nagtitigan lang kami ng tatlong segundo at sabay na ngumiti hanggang pareho kaming matawa. Alam kong pareho kami ng iniisip kung saan kami kakain.
"Let's gooooooo!" sambit niya. Kinuha niya ang kanyang leather shoulder bag at naunang naglakad palabas ng opisina. Halatang excited 'to sa pupuntahan naming restaurant.
"Ma'am Nym" tawag sa' kin ng security guard sa lobby. "May nag-iwan po uli ng mga flowers at chocolate sa inyo kanina." dagdag niya. "Dating gawi na lang po, kuya. Sa inyo na po yung chocolate, yung bulaklak pakitapon lang po. Salamat." pangiting sagot ko sa manong guard at sumunod kay Elle sa sasakyan.
Ayokong tumatanggap ng mga regalo sa kahit sino maliban kung sa mga kaibigan ko nanggaling pero sa mga espesyal na okasyon lang.Madalas pinapabalik ko sa mga security guard lahat ng binibigay sa aking mga bulaklak at mga tsokolate at minsan pinapamigay ko na lang sa kanila.
I don't want to entertain any suitors. Nawalan na rin ako ng gana sa mga relasyon relasyon na 'yan.
Happy Restaurant
Dito kami mag-didinner. Actually, pagmamay-ari' to ng college friend at best friend din namin-si Cedericc.
Dito kami tumatambay pagkatapos ng hectic na schedule sa trabaho, kapag gusto namin mag-unwind at kung ano-ano pa.
Hindi lang to basta restaurant, may kasama rin 'tong coffee shop at korean Street foods. Talagang bagay ang pangalan ng restaurant na' to dahil paglabas mo tiyak na masaya ka inside and outside.
Parang naging energizer na namin dito sa bawat panahon na drain kami ni Ellie sa office works.
Pagpasok namin, umupo kami sa favorite spot namin, sa balcony area.
"Hi!" bati ni Elle sa waitress na lumapit. "Treat mo tonight kaya walang limit ah? " saad niya sakin at ngumiti ito na parang may binabalak na umorder ng mahal. "Oo, kung saan ka masaya" sagot ko sa kanya. Nag-order naman siya ng premium steak garlic butter, pasta at isang bote ng yellow tail chardonnay wine.
Habang naghihintay kami ng order, may isang tao sa restaurant ang nakapukaw ng atensyon ko.
Nakatalikod siya pero parang familiar sakin ang tindig niya- that haircut, broad shoulders, and that style. He's like someone I know but no it can't be.
Memories from 5 years ago, suddenly rushed back in to my mind. The pain of being left alone woke up inside me. Never again.
I just ignored what I saw. At lumipat ng upuan para matalikuran ang lalake na nakita ko. Nilipat ko ang atensyon sa ibang bagay sa restaurant. Napansin din ata ni Elle na malalim ang iniisip ko kanina.
"Nym, u okay?" tanong sa akin ni Ellie. "bigla kang natutulala jan?" dagdag niya. I just smiled at her. She pat my hands and smiled back. She knows I'm in deep thoughts, that's why she's my best friend.
Saktong dumating ang pagkain namin. "Okay, let's eat!" sabi ko habang winala ang mga naalala ko.
Habang kumakain ay nagkuwentuhan lang kami ni Elle tungkol sa nakilala niya noong isang gabi sa bar. Hindi ako sumasama sa kanya sa mga ganyan lugar, I just hate crowded places full of boys. Ugh.
Sumimsim ako ng wine habang nakikinig sa kwento ni Elle.
"I'll take you h--"
Napatigil ako sa pag-inom ng wine ng marinig ko ang isang pamilyar na baritonong boses mula sa kabilang table. Kung kanina tindig lang pamilyar, ngayon pati boses na. Stop hallucinating, Nym. It's not him.
"Ingat kayo..."
Narinig ko ulit siyang nagsalita. Lumingon ako sa likod na table at nakita ang binatang nakaupo mag-isa. Naka-side na ito mula sa anggulo namin. Kanina nakatalikod lang ngayon nakikita ko na ang mga mata nito, matangos na ilong, at labi. "Fier?" buong ko sarili ko. My ex, my first love, my first heart break. Para akong sinabuyan ng isang baldeng tubig na puno ng ice. Nanigas ako mula sa kinauupuan ko. Nabuhay ang galit, hinagpis, at puot sa puso ko. Napahigpit ang hawak ko sa wine glass.
"Nym? Look at me. What's the problem?" tanong sa akin ni Ellie. "N-nothing. CR muna ako." sambit ko kay Ellie. Kita ang pag-alala sa mukha niya ngunit tumango na lang ito sa akin at tinuloy ang pagkain.
Dali dali akong pumunta sa CR. If it's him, I want to slap his face hard. He's a jerk. Kinalma ko ang sarili ko. He's not even worth to think of. Inayos ko na rin sarili ko at bumalik na sa table namin ni Elle.
"What just happened? Is there something bothering you? Or someone?" bungad niya sa'kin pagkaupo ko.
"Later, I'll tell you." sagot ko sa kanya at tumango na lang siya. "let's cheers then?" sagot niya pabalik sakin at nilagyan ang glass ko ng wine.
"Congratulations, Nym! Woooo!" pasigaw na sabi nito. Sabay kaming nag cheers at uminom ng wine.
Namumula na ang mga pisngi nito at mukhang natamaan na sa wine dahil siya halos ang umubos ng isang boteng inorder namin kanina. Natawa na lang ako sa expression niya tuwing tipsy siya at sa pisngi niyang pulang pula.
"Joiseah"
Napatigil ako sa pamilyar na boses na bumanggit ng pangalan ko. Iisa lang taong tumatawag sa akin sa unang pangalan ko. Hindi ako lumingon, nagbingi-bingihan na lang ako at tumuloy sa pag-inom ng wine.
"Joiseah Nym"
Muling banggit ng pamilyar na boses sa pangalan ko. Tinuloy ko lang ang pag-inom ng wine, maglalagay pa sana ako ng sa baso ko pero ubos na pala.
"Joiseah Nym Andrade!"
Pasigaw na ito at halatang naalimpungatan si Elle dito.
"Who's that?" iritang sabi ni Elle sabay lingon sa likod ko.
"Fier? Wtf you doing here, you jerk!" sambit ni Elle.
His POV
Umalis na mga kaibigan ko at naiwan na akong mag-isa sa restaurant. Nagbabakasakaling makita ang babaeng pinakamamahal ko 5 years ago.
I just got home from London.
I missed her so much. Our situation were complicated back then. We have different priorities in life. But now I know what's my first priority, her. That's why I want to win her back.
"Congratulations Nym! Woo!" sigaw ng isang babae sa kabilang table. Nym? Nym Andrade?
Lumingon ako sa table sa table 'yon, nakita ko ang bestfriend niyang si Elle na nakaharap sa direksyon ko. Nakatalikod sakin si Nym pero kabisado ko ang likod niya, kulay ng buhok niya, at ang morena niyang kutis.
Tumayo ako at humarap sa likod niya.
"Joiseah" tawag ko sa kanya. Napatigil siya sa ginagawa niya pero hindi niya ako nilingon.
"Joiseah Nym" tawag ko ulit sa kanya pero ganun pa rin. Hindi pa rin niya ako nililingon. Nakadalawang beses na akong tawag sa kanya pero hindi niya ako pinapansin. I missed her so much. I want to hug her.
"Joiseah Nym Andrade!" pasigaw kong tawag sa kanya. Nagulat ang kaibigan niyang si Elle sa sigaw ko.
"Who's that?" tanong nito sa kanya at lumingon sa direksyon ko.
"Fier? Wtf you doing here, you jerk!" galit na sabi sa akin ng best friend ni Joiseah.
Alam kong malaki galit sa akin ng bestfriend niyang si Elle dahil sa pag-iwan ko kay Joiseah. It was not my intention though. That's why I came back for her. I want her back.
Alam kong dito ang tambayan nilang dalawa, kaya nagbaka sakali ako. And I'm right. This is my chance to get her back maybe. I will do everything just to get her back into my life. My Joiseah.