Kalvin's POV
It's already 8 p.m na pero nandito ako sa bahay nakatengga. Azar. Tigang na ako. Siguro kung nasa condo ako nakailang round na kami ng babaeng naiuwi ko. Nakakaasar tuloy. Sino ba kasi yung importanteng tao na kailangan dapat kasama ako sa dinner nila. Tch! Si Mom naman kanina ko pa tinatanong pero seen lang ako. Tama ba ‘yun?.
"Kal, aalis na raw kayo nila Mom" sabi ng good boy kong kapatid.
"Bakit may raw pa? 'Wag mong sabihin na kami lang nila Mom?" naguguluhang tanong ko.
"Hindi pa ata sa'yo nasabi ni Mom. Kawawa ka naman. Hahaha. Kayong tatlo lang nila Dad, dito lang ako sa bahay since aalagan ko si Spender." cool na sabi ni Lucke pero mas cool pa rin ako.
"Huh? At sino naman si Spender?"
"Hahaha. Hindi mo ba alam na may alaga na akong igwana?." pailing-iling niyang tanong.
"What?! Kailan ka pa nahilig sa hayop lalong lalo na sa igwana?" f**k! Anong nakain ng mokong na ‘to?
"Kahapon lang? Hahahaha and beside hindi naman ako need sa dinner na ‘yun eh." sabi niya habang hinahaplos ang katawan ng igwana. Teka! Kailan pa nakarating 'yang igwana sa kwarto ko?. Nababaliw na naman po ang kapatid ko.
"Pero bakit------"
"Tama na ang satsat! Sige na. Baba na. Kanina ka pa hinihintay ni Mom. Any time ready na siyang bumuga ng apoy. Hahaha" biro niya. Mabuti na lamang kahit may pagkabaliw ang kapatid ko ay may sense of humor naman ito kahit papa'no kung wala, malamang sa malamang ay napaka-boring ng buhay niya.
Bumaba na ako sa takot na bugahan pa ako ni Mom ng apoy. Sayang ang gwapo at karisma ko kung susunugin lang ako. Marami ang magiging sawi at magluluksa n'yan dahil sa 'di na nila ako matitikman.
"Bakit ngayon ka lang? Kanina pa kita pinatawag kay Lucke a!" bungad agad sa akin ni Mom pagkababa na pagkababa ko with matching ang kamay ay nasa bewang.
"Mom, nag-usap pa kami e!" Plain na sagot ko. Kahit kailan talaga 'tong si Mom usasera talaga. Pero kahit ganyan yan mahal na mahal namin yan.
"Let's go na baby ko. Jonathan sa kotse ka na sumabay." aya ni Dad. Mukhang wala talaga akong takas a.
After 22 minutes na biyahe narating na namin ang Secret Restaurant, isang five star restuarant.
"Lets go na Kal. Magpaka goodboy ka muna. Imi-meet natin ang tito Richard mo at tita Khat mo, bestfriend namin sila ng Dad mo since elementary pa kaso lumipat sila ng lugar dahil sa business matters so be a good boy son" paliwanag ni Mom.
"Do I have a choice?" Walang gana kong tanong. Mukhang reunion nila ito, e bakit kailangan kasama pa ako?
"Wala" sagot ni Mom sabay hatak sa akin.
Pagkapasok namin ng restaurant.
Namangha ako sa ganda, kanina kasi sa labas nagtataka ako kung bakit naging five star restaurant siya e ang luma nang building kung titingnan sa labas pero nakakagulat dahil ibang iba ang panlabas na anyo ng restaurant sa loob. Astig! Nakaragdag pa ng kaastigan ang kulay na black and white nilang tema.
Kinawayan kami ni Dad. Nauna na pala siya, si Mom kasi kung anu-ano pa ang ibinilin sa akin.
Nakita kong may kasamang lalaki si Dad sa table, siguro 'yun si tito Richard.
"Chard! grabe ibang iba ka na a" sabi ni Mom kay tito.
"Ikaw talaga Lucy walang pinagbago, maganda ka pa rin" puri ni tito kay mommy na ikina pula naman ng pisnge ni Mom. May bolahan pang nalalaman.
"Hoy tama yan! Nandito lang ako o." Singit ni Dad. Ayan na ang seloso.
Sabay silang tatlong natawa.
"By the way, Chard si Jonathan" pakilala sa 'kin ni Dad. The f**k! Pwede namang Kalvin ang sabihin a, bakit second name pa ang ginamit ni daddy? Kaasar a.
"Oh! Let's have a seat. Mukhang may pagka bad boy siya Ken. Malayo kasi ang aura na nakikita ko sa aura ni Lucke e." Ano daw? Ibig sabihin na nakilala na nila si Lucke.
"Well! Mukhang siya ang nakamana ng kalokohan no'ng kabataan e." Pagmamalaki ni Dad
"Chard, nasaan na si Khat at si Khy?" Sabi ni Mom.
"On the way na ata. Galing kasi ako sa company. Since sabay sila Baby ko at si Khy, pinauna na nila ako." Paliwanag ni tito.
Nagkwentuhan sila ng kung anu- ano. Wala ako maintindihan. Sabagay wala naman akong pake sa pinag-uusapan nila. Pero para akong multo rito. Wala akong nakakausap, kanina ko pa pinaglalaruan 'yung pagkaibg nakahain sa harapan ko.
"Oh my Bhest?" sabi ng babae na bigla na lang sumulpot, siya siguro si tita Khat.
Nagbeso-beso sila.
"Gosh! siya na ba si Jonathan?" Sa wakas may nakapansin din sakin. Pero s**t lang, bet na bet nila yung second name ko.
"Oo bhest." Masiglang sabi ni Mom.
"I see, naku bagay na bagay talaga sila ni Khy ko." Ano daw? Bagay kami ni Khy? Sino yun?
"Baby ko nasaan si Khy?" singit na tanong ni tito.
"E bear 'di ko na pinapunta kasi biglang sumama 'yung pakiramdam niya eh. Nandun siya sa bahay kasama si Summer, nagpapahinga." Paliwanag ni tita
"Sayang gusto na namin siyang ma-meet para maipakilala na namin ang magiging Fiance niya." sabi ni Mom . Teka! Ano raw?
"Anong sabi mo Mom?" biglang sabat ko sa usapan nila.
"Okay son. Listen. Ikaw at si Khy na anak nila tito Chard mo at tita Khat mo ay ini-arrange namin sa isang marriage." kalmadong paliwanag ni Mom.
"WHAT?" malakas na sabi ko.
"Jonathan lower your voice" sabi ni Dad
"WHAT? DAD NAMAN INARRANGE MARRIAGE MO AKO NG 'DI KO ALAM?"
*PAAAAK*