"Adham let’s stop this thing. Ayoko na, suko na ako. Pagod na akong maghintay kung kailan mo rin ako bibigyan ng oras. Pagod na akong makipagkumpetensya sa lecheng baseball na ‘yan. Sobrang hirap ba akong bigyan ng oras? Pero punyeta kapag ang mga kateam mo ang tumawag sa’yo hindi ka nagdadalawang isip na puntahan sila. Pagod na akong umintindi.” umiiyak na paliwanag ko.
"Rich, please pag-usapan natin ‘to. Let me explain." halata sa mga mata niya ‘yung takot. Takot na mawala ako? Psh.
"Explain? What Adham? Papaikutin mo na naman ako sa mga matatamis mong salita. Ilang beses mo na bang sinabing babawi ka? Leche! halos maubos mo na ang isang yellow pad paper sa kakapangako mo e. Tama na please, masakit na." kung sana inalagaan niya ako ng mabuti, hindi sana hahatong sa ganito.
"It's no like that Rich. I---"
"Stop it Adham. I know na masakit pero please tanggapin mo na hindi na natin maayos pa. We're done." Sabi ko sabay walk out.
Iniwan ko siyang nakatanga dun sa quadrangle kasama ang mga ka-teammate niyang pare-parehong pawisan.
*clap clap*
"Grabe Khy. Bilib talaga ako sa’yo. Best actress ang dating. ‘Yung feeling na maiiyak na rin ako sa sobrang sakit ng mga sinasabi mo." OA na reaction ni Summer.
Nandito kami ngayon sa Comfort Room nagre-retouch ako. Hello! nasira kaya make up ko, may iyak effect pa kasi akong ginawa dun para magmukha talagang makatotohanang nasaktan ako. Para tigilan na talaga ako ni Adham 'The Pawisang Baseball Player'.
"Sum, 'di ka pa ba sanay? Hahaha. He deserves that, halos wala nga siyang time sa akin e. You know me, gusto ko ako dapat ang priority. E hindi niya ako magawang idate." paliwanag ko.
"You're so mean talaga Khy."
" I know that Sum. Grabe natatawa talaga ako sa reaction niya para siyang pinagsakluban ng langit at lupa. Ang pangit."
Hahahaha. Akala mo talaga takot na takot siyang mawala ako, sabagay mawawalan kasi siya ng magandang girlfriend e.
"Pero sayang siya. Ang hot niya." Sabi ni Summer
"Hot ba yun. Pawisan lang siya. Atsaka, hello! marami pang iba." Paliwanag ko.
"Oo nga noh. Wait. Ilan nga ba silang boyfriend mo 10 or 9?" Tanong niya.
"10"
"Grabe besh ang landi mo talaga." Komento ni Sum
"Nagsalita ang hindi noh" sarcastic na sabi ko.
Ganito ang routine ko sa buhay. May nakashedule kung sino ang loser of the day, ang lalaking hihiwalayan ko at may nakashedule na lucky guy of the day, ang manliligaw kong sasagutin. Pero hindi ako loyal girlfriend material a! Marami kasi akong boyfriend. And no need to worry kasi hindi naman sila aware. Kaya ko naman lusutan sa tuwing nagtatanong sila about sa panlalandi ko.
_____________
"O! Bakit babe?." gulat na tanong ni Joshua. Bigla kasi ako sumugod dito sa room niya. Duh! Malalang acting-an na naman to.
"HAYS" Malalim na hugot na hininga ko.
"What's bothering on you? Tell me babe." Tanong niya. May balak sana siyang yakapin ako pero umiwas na agad ako palayo sa kanya.
"Josh. Ayaw ko na." Malumanay kong sabi.
"Huh? What did you say?" Naguguluhang sabi niya.
" Break na tayo." Deretso na sabi ko.
"HUH? Why?.. Teka..." Natatarantang sabi niya.
"Hindi na kailangan ng dahilan Josh. Tapos na tayo eh." sabi ko.
"NO. Ayusin natin to." Giit niya.
"WALA NA TAYONG AAYUSIN PA JOSHUA KASI WALA NA TAYO. BREAK. NA. TAYO." 'Di ko na napigilang sumigaw, wala eh short tempered ako eh.
"Bakit? Bakit?" nanlulumo niyang tanong.
"Tinatanong mo kung bakit? Sige sasabihin ko na. Una sa lahat ayaw ko na sayo. Pangalawa sawa na ako sayo. Pero higit sa lahat, 'di naman talaga kita gusto."
"What? All these time hindi mo ako gusto?" halatang-halata sa mukha niya ang galit.
"Oo." plain na sagot ko.
"Pero bakit? Bakit hinayaan mo akong ligawan ka? At bakit mo ako sinagot?" sunod-sunod niyang tanong.
"Simple lang naman. NA A WA lang naman kasi ako sa'yo e." madiing sabi ko sabay smirk.
"Arghh. Magbabayad ka." bulong nasabi niya bago niya ako iniwan dito sa classroom niya.
As if naman masisindak niya ako. The hell isang Amaguin pagbabantaan mo? Baka mamaya nagpaplano ka palang sabog na ang bahay niyo.
"O Khy kumusta ang pakikipag-break mo kay Josh?." tanong ni Summer.
"Well medyo matigas siya." walang ganang sagot ko.
"WTF KHY?" Oa na sigaw ni Sum. Buti nalang ay nandito kami sa comfort room tapos kami lang dalawa ang nandito. Minsan talaga nakakahiyang kasama tong si Summer e, OA laging magreact eh.
"What?" Inis na tanong.
Sino ba naman ang hindi maiinis OA na nga mareact, sa mukha ko pa siyang sumigaw. Lahat ng laway niya, nasalo lahat ng beautiful face ko.
"Khy Tell me. Nahawakan mo na ba ang p*********i niya? para masabi mong matigas siya" sabi ni Sum
"What the hell Sum. 'Wag mo akong itulad sayo na malibog huh" fudgee, kalibugan talaga nang babaeng 'to eh.
"Oh bakit nasabi mong matigas siya?" Tanong ulit niya.
"Kasi ayaw niya pa sanang makipagbreak. You know me, pagbreak break na talaga. Ayun napahiya ko siya nang malala sa mga kaklase niya." Paliwanag ko.
"I thought nahawakan mo na yung ano niya. Wahahaha." Tsk. Tsk. Kailan ko nga ba naging kaibigan 'tong babaeng malibog? Wala akong natatandaang kaibigan ko talaga psh.
"Tch. Kalibugan mo kasi."
Oh my! Hindi pa pala ako nakakapagpakilala.
I'm Richtel Khy Amaguin. You can call me Rich. Don't you dare na tawagin akong Khy kasi hindi tayo close. I'm the Queen bee of Forever University. Hindi naman sa nagbubuhat ako ng sariling bangko pero ang totoo n'yan maganda talaga ako. Kaya nga ako nabansagang ULTIMATE CRUSH NG BAYAN. Yeah, kaya nga andami kong reserba 'di ba?.
Okay na yan, pangit na kung marami na kayong nalalaman sa akin.
*ring ring ring*
"Yes Mom?" salubong na sabi ko kay mommy.
"Nasaan ka Khy?" tanong niya.
"Malamang Mom nasa school. Class hour pa hindi ba?" pambabara ko.
"Richtel Khy Amaguin, 'wag na 'wag mo akong babarahin kapag kinakausap kita kung ayaw mong mawalan ng allowance. " Hell! Talagang dinamay pa ang allowance ko.
"Fine. Ba't ka nga PO napatawag Mom?." may diin 'yung word na po para dama niya.
"Umuwi ka ng maaga kasi may dinner tayo nila tito Ken at tita Lucy mo, kailangan mong umattend." sagot niya.
"Yes Mom." Bagot na sabi ko.
"Khy. Wag mong subukan----"
"Don't worry Mom. Pupunta ako baka mamaya mawalan pa ako ng allowance eh." putol ko sa sasabihin niya.
" Good! mabuti nang nagkakaliwanagan tayo. Sige na. Ibaba ko na to. Bye." Paalam niya.
"Bye" and I ended the call
"Khy bakit daw?" Pag-uusisa ng tsismosa kong kaibigan.
"Ahhh. Basta. Lika na may lunch date pa kami ni Oliver." Yaya ko.
"Pwedeng sumabay na ako sa inyo mag-lunch?" Tanong ni Summer
"Duh! 'Di pwede. Lunch date namin yun baka sirain mo. Tch. " Sabi ko.
"Grabe Khy. Ang mean mo talaga."
"Mana lang sayo.”