Maingay, mausok, wild ang mga tao. Natural na set-up ng isang Bar. Hindi pa rin ako sanay kahit na madalas talagang dito ako rumaraket. Ano naman kaseng matino sa ganitong lugar, kung hindi lag ako dumidilihensya rito hindi ako papasok sa lugar na ito.
“Hello pretty lady.” Napatinign ako sa kaliwa ko kung saan may bumati sa akin.
“Hello there handsome.” I gave him my most victorious smile. At last may nabingwit din.
I came here not to party, I came here for money. Well I'm not p****i, or what. I just visit to execute our plan. With my black fitted dress pair with six inches stiletto, and night make-up, I know hindi mapupunta sa wala ang aking plano.
Inaliw ko lang ang lalaki habang palihim na nilalasing. Marami siyang kuwento, at wala akong pakialam doon. Sinasabayan ko lang siya habang kunwaring natatawa. Kaunting tiis lang Jo. Abala pa rin ito sa pagkukuwento, habang ao ay sinimulan nang abutin ang wallet niya sa bulsa ng kanyang coat. Nang magtagumpay tumingin ako sa paligid. Nang masigurong busy ang lahat ay binuksan ko ito, ngunit laking dismaya ko nang puro cards lang ang laman.
“Buwisit! Bakit wala kang cash?” Gigil ko at kinapkapan pa siya, ngunit wala akong napala. Ibinalik ko na ang pitaka at basta na lang iniwan ito.
Kaiinis ang tagal Kong tiniis makipag chikahan sa kanya wala rin akong napala. Nagtungo ako sa likod bar kung saan ko iniwan ang mga gamit ko. Sinuot ko ang hoodie at jogging pants. Pinalitan ko rin ang stiletto ko ng tsinelas. Napaltos pa ang paa ko dahil sa lintek na heels na yan. Hindi na ako babalik sa lugar na ito!
Madaling araw na nang makarating ako sa lugar namin. Tulog na ang mga nag-iinuman. Ngunit may mag-asawang pang nag-aaway kasabay ng tahol ng mga aso.
“Jo! Madaling araw na bakit ngayon ka lang?” Tanong ni Aling Nena, may Ari ng pinakamalaking sari-sari store dito sa amin. Kasalukuyan siyang nagliligpit ng mga kalat na bote ng alak sa tapat ng kanyang tindahan.
“Dumilihensya lang Aling Nena, kaso 'di pinalad eh! Marami bang nag-inuman?” Pasigaw kong sagot. Mahina kase ang pandinig niya, dahil na rin siguro sa katandaan.
“Oo, birthday ni Kanor. Nanlibre ng inuman!” Balik sagot niya.
“Ay sanang hindi ko inabutan, siguradong masarap ang pulutan nila.” Biro ko rito na ikinatawa niya.
“Haha ikaw talaga. Oo nga pala nagluto ako ng pansit kanina dahil bumisita ang anak kong si Lorna at pamilya niya, ipinagtabi kita.” Madali itong pumasok sa bahay niya at nang lumabas ay may dala na itong baunan.
“Salamat po. Alam mo talaga ang daloy ng bituka ko Aling Nena.”
“Naku kang bata ka! Hala sige na! Umuwi ka na at magpahinga.”
Muli akong nagpaalam at nagtungo na ng bahay. Malalim na ang tulog ni Mama nang makarating ako. May nakahanda ring pagkain sa mesa. Itinabi ko roon ang bigay ni Aling Nena. Nagtungo ako sa kuwarto ko at maingat nahiga. Ano na naman kayang gagawin ko bukas para magkapera?
Kinabukasan, sinuot ko ang uniform na hiningi ko pa sa kaibigan kong nag-aral sa Montealto University. Hiningi ko ito sa kanya dahil gusto kong mag-aral doon noon, kaya naman nang pumunta na siyang Amerika ay ibinigay na niya sa akin. Pati nga rin sapatos at isang mgandang bag binigyan niya ako. Hay! Miss ko na ang gaga na iyon.
“Sorry Ameerah ha, hindi ko gagamitin ito para mag-aral. Ang bagay na iyon ay napakaimposibleng mangyari sa isang tulad ko.” Malungkot kong kausap sa kanya kahit na alam kong hindi niya naman ako maririnig. Nagsuot ako ng hoodie tulad ng nakasanayan.
“Ma, aalis na po ako!” Sigaw ko habang palabas ng bahay.
Hindi ko na hinintay ang sagot niya at umalis na. Nadaanan ko na naman ang kapitbahay naming lasenggo, walang pake kahit binubungangaan ng misis.
“Aga natin Jo, saan tayo?” Tanong ng isa sa kanila.
“Bagong raket lang po, kailangan na kaseng bumili ng pang maintenance ni Mama eh.” Wika ko sa kanila. Nang bungangaan naman ito ng Misis kaya pasimple na akong umalis.
“Bayad, sa Montealto University po.” Pinaabot ko ang bayad ko nang malapit na ako.
Nang makarating ay agad akong nagtungo sa likod kung saan ako maaring makapasok. Inihagis ko sa bagod ang dala Kong bag. Bago inakyat ang punong malapit sa bakod. Planado ko na ito, kaya alam ko. I always come with a plan. Sabi ko nga, No plan, No money Gumagling yata akong mag-english.
“Tang na mangga naman oh.” Inis kong wika nang namali ako ng tapak at nauna ang puwet ko sa pagbagsak.
Sigurado may pasa ito. Ang taas ng bagod eh! Pinulot ko ang ang bag ko, at naglakad habang hinihimas ang puwetan. Kainis talaga! Inikot ko ang paningin ko, napakalaki talaga ng eskwelahang ito. Ang itsura palang, siguradong tiba-tiba ang mga nag-aaral.
“Target spotted!” Ngiting bulong ko nang makakita ng lalaking tila nasa ibang planeta ang utak.
Madali kong nilabas ang libro at silang notebook na dala ko. Napangisi na lang ako, wala talaga sa hulog ang isang ito. Pogi sana kaso nasa ibang dimension ang utak. Maingat akong naglakad, nang malapit na ako sa kanya ay sinadya ko itong banggain.
“Aray!” Reklamo ko, which is half-true naman. Napaupo kase akong muli at tumama na naman ang puwet ko. Namumuro na talaga!
“Are you okay Miss?” Tanong nito na mukhang natuhan na.
Pinulot niya ang mga gamit ko, habang pasimple ko na ang inabot ang pitaka niya sa kanyang bag.
“Here, sorry I wasn't looking on the way.” Malambing nitong paumanhin. Aww, he's cute.
“Ah okay lang ako rin naman eh.” Mahinhin kong sagot sa kanya.
“Anyway I'm Nazzer Natividad, you are?” Inilahad niya ang kamay.
“Jo...lina, oo... Jolina Magdangal.” At ngiting tinanggap ang kamay niya.
“Your name sounds familiar... Never mind nice meeting you Molina, see you around!” Naglakad na ito paalis at patalikod pang kumaway.
Shunga rin eh, hindi niya kilala si Jolina. Pero ayus rin yun haha. Agad kung binuksan ang pitaka nito. Ayus tiba-tiba! Nang makuha ko na ang kanyang tumataginting na kulay asul na mga pera ay patakbo akong lumapit sa kanya.
“Nazzer!” Pagtawag ko sa kanya, lumingon naman ito.
“Oh, why?” Takang tanong niya, kaya naman winagayway ko ang pitaka niya.
“Nasama sa mga gamit ko.” Pagrarason ko.
“Thank you, Jolina!” Aniya ngunit nginisihan ko lang siya.
“No, thank you.” Huling wika ko bago siya tinakbuhan.
Ayos na ito, sabi ko na nga ba't tiba-tiba estudyante rito. Babalik na ako sa normal kong raket. Madami ring mabibili ito. Lumibot muna ako sa eskwelahan bago ako umalis. Sa gate na ako dumaan ngayon, hindi naman na nag-che-check ang guard ng ID's kapag labasan.
Wala akong mahintay na jeep, may iilan lang rin ang bus at iba pa ang rota. Inis na napapadyak na lang ako at tumawid pabalik nang magred light. Iilan rin naman ang tumatawid kaya, naghanap na lang ako ng biktima.
Nang makakita ng prospect victim ko ay agad kong isinagawa ang modus. Binunggo ko ito, kasabay nang pagkuha ng pitakang nasa bulsa niya. Kinuha ko agad ang lamang pera, at pabalik na tumakbo sa lalaki. Tinawag ko ang pansin nito, masungit itong tumingin sa akin.
“Ah, ano ako iyong nakabangga sa'yo I saw so I assume na sa'yo ito?” Alanganin kong sabi. Pinakita ko ang pitaka niya. Medyo nakakailang siya haha parang nangangain ba? Baka magkaproblema pa ako rito.
“Ah ganun ba?” Inabot naman niya.
“Thank you.” Umamo ang mukha niya, lalo siyang pumogi hikhik. Pero sorry na lang isa siya sa malas kkong biktima.
Natawa na lang rin ako. “Haha No, thank you.” Tinapik ko ang balikat niya, at madaling sumakay sa bus na papaalis. Bahala na kung saan ako bababa.