bc

Tropa (Barkada Series)

book_age12+
2
FOLLOW
1K
READ
adventure
others
love-triangle
badboy
drama
comedy
sweet
serious
kicking
school
like
intro-logo
Blurb

Barkada'ng sasamahan ka mula ngayon hanggang dulo. Sila ang kasama mo sa hirap o ginhawa. Sila yung tipo na mag-away man kayo pero hindi nila ilalabas ang sikreto mo. Sila ang sandalan mo sa twing walang-wala ka. At sila rin ang pinaka-malaking regalo na dumating sa buhay mo.

chap-preview
Free preview
CHAPTER 1: THE BEGINING
Rystine POV Hi guys!! start muna tayo. Ako si Rystine Joyce Harington at nakatira ako sa bahay na kulay violet ang gate. Isa akong simpleng babae na cute! Magunthe! At higit sa lahat ay mabait! Okay.. First ipapakilala ko ang aking mga kaibigan na sina. Feregrina Valdez- Siya ang pinakamabait kong kaibigan! Sa sobrang bait niya ay sobrang tahimik din niya! Siya ang tipo ng tao na tahimik lang at mapagmasid at kapag nagsalita siya ay totoo at mapapatahimik ka nalang sa kawalang masabi, kaya mahal na mahal namin yan! Next! Rein Nathalie Heavenly- Siya naman ang aking serious friend, tahimik nakakatakot tumingin na parang binabasa pati ang kaluluwa mo pero mabait siya sa taong mabait sa kanya, sobrang palaban at wagas kung magmura kapag nagagalit siya madalas siyang sarcastic sa mga hindi niya gustong tao. Next! Sophia Athena Smith- Siya naman ang palaban kong kaibigan, palaban talaga siya! Binabara niya lahat ng kaaway niya kaya lalong naiinis sa kanya, lagi niya kaming chini-cheer up kapag down kami. siya rin ang pinakanagagalit kapag may nagpapaiyak sa amin siya ang nagsisilbing Ate namin kahit mas matanda ako sa kanya ng ilang buwan. Apat silang mga kaibigan ko. Sobrang babait nila at kung magtampo man sila ay naaayos rin kaagad. Tapos--- "Rystine!!! May nandito na ang mga kaibigan mo! Bumaba ka na riyan!!" Dali-dali kong kinuha ang mga mahahalagang gamit ko saka bumaba ng hagdanan ng bahay namin. "Nandito na ang mga kaibigan mo. Aalis na kayo." Sabi ng supportive kong Mama. "Papadalhan namin kayo ng pera para sa tuition niyo, tawagan nyo kami kapag nagkaproblema, naiintindihan mom?" Tumango naman ako. "Bhe bilisan mo naman! Mata-traffic tayo oh?!" Inis na sabi ni Sophia habang nakaturo sa relos. Nakahanda na ang van na sasakyan namin, yung mga gamit ay dinala ng mga bodyguards ni Rein habang ang van ay provide ni Rina at si Sophia naman ay sa Gas at ako? May dalang dalawang yaya na tutulong sa amin sa lilipatan naming bahay sa Maynila. Apat na oras ang byahe papunta roon at alas nuebe na ng umaga, sumakay na ako sa van at binati ang dalawang pipe kong kaibigan. "Good morning!!" Masiglang bati ko. "Wag kang maingay nagbabasa ako." Sabi ni Rina. "Im listening to music, wag kang istorbo mamaya ka na mangbulabog." Ay wow! Super wow! Super duper wow! Sila na nga ang binati ko ako pa sinungitan! "Grabe nakaka-touch kayong batiin nakakaiyak." Sarcastic kong sabi. "Pabayaan mo sila, naghahanap si Rina ng magandang puntahan sa Maynila." Sabay nguso ni Sophia kay Rina na Magazine ang binabasa ng hindi libro. "Si Rein naman nakikinig ng magandang kanta saka dina-download. Kaya mamaya ka na mangulit, matulog ka nalang kung naiinis ka." Naiinis talaga ako! Pero pabayaan na nga! Mag-ku-kwento nalang ako. Yung tutuluyan namin ay isang bahay.. Mansyon nga ata yun eh.. Malaki yung bahay tapos sa likod ng bahay ay may garahe kung saan nakapark na ang sasakyan naming apat pero sa van kami sumasakay para tipid o kaya naman ay nag-co-commute kami. Tapos ilang lakad lang sa garahe ay merong parang condo. Apat ang pinto na pinasadya sa aming apat, magkakatabi yon kwarto yung apat na pinto na yun ang sa kanan ay kay Sophia which is nasa dulo sa akin naman ay nasa unahan at sa kaliwa ang katabi kong kwarto ay ang kay Rein, tapos kay Rina. Rina ang tawag namin dahil ang haba kapag Feregrina. Tapos yung malaking bahay ay doon kami pupunta kapag nagugutom, walang magawa, magbabasa. Marami rin kasing Libro doon. Tapos kung ano-ano pa. Ambagan yun ng mga parents namin, ang parents naming apat ay matalik na magkakaibigan, sa sobrang pagmamahal nila bilang magkakaibigan ay tabi-tabi rin ang bahay namin. Pare-parehas silang business at ang daming branch, liban sa kay Tita Fatima which is Mommy ni Feregrina. Si Tita Pham kasi ay Business-woman s***h Doctor. Ang galing diba? Pero kahit busy ang mga parents namin ay hindi nila hinahayaan na magtampo kami, tuwing may events sa school ay lagi silang gumagawa ng paraan para maka-attend. "Ryst.. Gising na nandito na tayo." Minulat ko ang mata ko at nakita ko si Sophie na ginising ako. "Andito na tayo? Ang bilis ah?" Nagkwento lang ako tapos nandito na agad kami sa Maynila? "Yes.. Tinanong ng driver kung hihinto tayo para kumain pero sabi ni Rein ay diretso lang. Wala ring traffic dahil umuulan." Sabi niya tiningnan ko naman ang bintana ng sasakyan at tama nga umuulan malakas pa ah. "Walang ulan sa probinsya pero bakit dito meron?" Tanong ko. Mahinang tumawa si Sophia. "Kasi malayo ang probinsya sa Maynila." Saka niya binuksan ang  ng Van. "We lied to you." Seryoso niyang sabi. Huh? Biglang tumunog ang tyan ko senyales na gutom na ako. "Ano ba yun?" Tanong ko. "Limang oras ang byahe mula probinsya hanggang maynila. Tingnan mo ang oras, alas dos na." Tinuro niya ang relos niya. Bakit?? Potek! Kaya pala nagugutom na ako! "Sorry Ryst." Paumanhin ni Sophia. "May pagkain na ba?" Tanong ko. "Oo.. Meron na. Nag-take out kami. Ang hirap mong gisingin kaya nauna na kaming kumain." Kamot batok niyang sabi. "Hahh??!!!" Bakit! Hala! Ubos na yun! Dali-dali akong bumaba at dumeretso sa malaking bahay at binuksan ang pinto. Naabutan ko sila Rina na may hawak na libro at takang nakatingin sa akin, nasa sala sila. "NASAAN ANG PAGKAIN KOOO??!!!" Sigaw ko, kita kong napakurap-kurap ang dalawa saka nagkatinginan na para bang sinasabi nila na baliw na ako. Totoo yun! Nababaliw na ako sa gutom! Tinuro ni Rina ang kusina kung saan nagliligpit na ang mga maid na dinala ko. Mabilis akong pumunta roon saka tiningnan ang ref, may Fried chicken! Sunod kong hinanap ay ang rice cooker at tinignan kung may laman at meron nga! Mah kanin pa! Mabilis akong kumuha ng plato at nagsandok ininit ko muna ang Fried chicken sa microwave at nag-antay tapos kinuha ko yung nung tumunog yung microwave, kahit mainit pa ang ulam kumain na ako. Sa kalagitnaan ng pagkain ko ay tinanong ko ang mga maid. "Aalis kaagad kayo?" Parehas silang tumingin sa akin saka tumango. "Opo Ma'am, yun po ang utos ni Madam Ryzelle." Tumango naman ako saka bumuntong hininga. Kagaya ng gusto namin ng mga kaibigan ko. Gusto namin makalaya sa pagbabantay nila kaya lumipat kami ng malayo sa kanila at subukang maging In-dependent. Pumayag sila lalo na ang Mommies namin na pinagmayabang sa mga kumare nila na nagdadalaga na kami. Nakakahiya syempre pero hindi nalang namin pinansin. Sabay-sabay silang nag-bow at umalis sa kusina tumango lang ako. Mabilis kong tinapos ang pagkain saka pumuntang sala kung saan nandoon na sila'ng tatlo. "Yow. Ano? Tuloy tayo sa gig?" Tanong ko. May banda kaming apat at tumutugtog sa isang bar na pagmamay-ari ng mamshie naming apat at ng kapatid nitong lalaki. "Oo, tuloy.." Si Rein saka nilipat ang pahina ng libro. Si Sophia ang sa Piano, ako sa Drums, si Rein ang guitar, at si Rina ang vocalist. Nung una wala kaming interest pero nag-try kami, at dikalaunan ay doon na kamin nag-part-time. Tumutugtog kami kung kelan namin gusto at pinapayagan naman kami dahil dumadami daw ang cotumers nila hanggang sa lagyan nila kami ng schedule pero nag-stop kami nung umuwi kaming probinsya nung panahong yun ay nandito kami sa maynila dahil sa business ng magulang namin hanggang sa makita namin yung bar na yun. Puro highschool at college lang ang pwede don kaya safe kami dahil hindi lang kami ang minor. "Ikaw Rin? Okay lang sayo? Mukhang busy ka." Si Rein. Kung hindi Rina ah Rin ang tawag namin sa kanya. "Tambay nalang ako dun. Kakanta ako kapag hindi na ako tinatamad." Sagot ni Rina. "Sige. So.. Sino ang magiging vocalist?" Tanong ni Sophia nakataas pa ang kanang kamay. Nakatingin lang kaming tatlo sa kanya. "Siguro.." Nagsalita ulit si Rina. "Tatlo kayo para fair." Nandidiri kaming tumingin sa kanya. "Ayoko nga!!!" Sabay-sabay naming sabi. Napabuntong hininga naman siya. "Paano ngayon yan?" Takhang tanong nya. "Ganito!" Nagsalita si Rein kaya napatingin kami sa kanya. "Aantayin nalang namin na hindi ka tamadin. Tapos sabay-sabay tayong pupuntang stage." Napangiti kami ni Sophia. "Oo nga! Wala dapat maiiwan!" Sabi ko. Napabuntong-hininga ang bruha saka tumango. "Yes!!!" ...

editor-pick
Dreame-Editor's pick

bc

MY STRICT TEACHER IS MY HUSBAND

read
1.9M
bc

Rewrite The Stars

read
101.4K
bc

One Night Stand (R18-Tagalog)

read
2.0M
bc

The Runaway Bride (Womanizer Series 3)

read
124.1K
bc

MAGDALENA (SPG)

read
30.4K
bc

MAYOR DUX: My Brother Is My Lover

read
164.3K
bc

The Ballerina's Downfall

read
81.6K

Scan code to download app

download_iosApp Store
google icon
Google Play
Facebook