DENNIS PARK’s POV
I am having a breakfast with my twelve brothers. Mga mukha silang weird ngayon. Nasa palawan sila Mom and Dad for a vacation.
"What's your problem guys? Bakit ganyan kayo makatingin?" I asked in an irritated voice. Bwisit! Nakakaasiwa kaya kumain ng may mga weird makatingin.
"Kuya, pwede ba kaming pumunta sa HBE ngayon?" Joshua said.
"Why?" Aba! Bihira magpunta sa HBE ang mga ito! Yung office ko kasi ang main building ng Hallyu Brothers Empire. Pupunta lang sila sa office kapag may kailangan o problema sa mga branches na hawak nila.
"Ano kasi ---" Naputol ang sasabihin ni Joshua ng may magsalita.
"Matagal na kasi noong huling punta namin na magkakasama sa main branch. Gusto lang namin na sabay sabay pumunta ngayon." Nakangiti na sabi ni Aiden.
"Really? Hmm... Okay. No problem." Madali akong kausap. Himala at ngayon nila naisipang pumunta sa HBE.
After our breakfast, sabay sabay kaming pumunta sa HBE. Pagdating namin sa katapat na office ko, which is the room for the secretary, ang daming employees na lalaki ang nakasilip sa glass wall.
"Hey! What's happening here?" Untag ni Vincent sa mga employees na halos maging giraffe na ang mga leeg sa pagkahaba.
"A-a-ahhh... W-wala po." At sabay-sabay silang nagsibalikan sa kani-kanilang department.
Tinabig ko si Spencer na nakaharang sa pinto and I knocked the door twice. She looked up. What the?! Kaya pala ang daming lalaki dito kanina. Tumayo sya at binuksan ang pinto.
"Good morning sir." Nakangiti nyang sabi. She's wearing a simple white dress that she looks like an angel. Simple yet attractive.
Tumikhim ako. "Ahm... I'll introduce you to my brothers. Guys, this is Gina Jane Choi, our new secretary in Hallyu Brothers Empire." Pagpapakilala ko sa kanya sa mga kapatid ko.
"Hello. Nice to meet you." Nag-bow sya kaya napatitig ang mga maniac kong kapatid. Nagpakilala na rin sila isa-isa. I hope na ma-memorize ni Gina ang names nila.
"By the way guys, iwan ko muna kayo. Marami pa akong gagawin. Miss Choi, ikaw na bahala sa kanila." Paalam ko.
"Sige po."
GINA JANE CHOI’s POV
Nandito kami sa office ko. Grabe! Ang dami pala nilang magkakapatid! Kaloka! Hindi kasi nasabi sa akin ni Dennis kung ilan silang magkakapatid.
"Hey Gina! What's your favorite color?" Tawag pansin sa akin ni Vincent.
"Ahm... White." Pilit akong ngumiti. Feeling ko kasi nasa interrogation room ako.
"Oh. I see." Napapatango na sabi nya.
"Natatandaan mo ba ang mga pangalan namin?" Bryan Trevor said.
"Slight? Sorry to say pero... Ang dami nyo kasi kaya iilan lang ang natatandaan kong pangalan sa inyo." Nahihiya kong sabi.
"Pero nakita mo na ba kami sa tv?" I remembered his name because of his body. He’s Matthew.
"No." Hindi naman kasi ako mahilig manood kaya wala akong kilala sa showbiz.
"What?! Kaya pala iba yong tingin mo sa amin. Parang ngayon mo palang kami nakita.” Parang nadismaya sya sa sagot ko.
I nodded.
"Guys, I think we have to leave right now. May mga kanya-kanya pa tayong trabaho and Miss Choi too. I hope hindi ka namin naistorbo." Sabi ni Andrew.
Nagulat ako ng makitang may dimples sya. Wow! Sya din?! May dimples?! Oh my! I gave him my sweetest smile. "Okay lang. Nice meeting you." At umalis na sila.
Sa kalagitnaan ng trabaho ko, may tumatawag sa cellphone ko. I answered it.
"Gi, Ano na?" Si Madam M pala.
"Madam, sorry po. Hindi ko pa rin po nakikita." Naku! Ko-quota na talaga ako sa inis ni Madam M.
"Argh! I don’t need your sorry! I need that thing! Alam mo naman Gina na ayaw kung pinaghihintay ako ng matagal! Gawin mo ang trabaho mo ng maayos!" Sigaw nya at bahagyang nilayo ang cellphone sa tenga ko.
"Yes, Madam. But don't worry, Dennis gave me an idea kung saan po iyon nakatago. Nasabi nya po kasi sa akin na hindi sya nagtatago ng important things dito sa office. And I guess nasa bahay po nila. Pinag-iisipan ko na po ngayon kung papaano po ako makakapunta sa bahay nila." Pagpapakalma ko sa kanya. Ang bilis nya talagang magalit.
"Good! Alam ko na ang dapat mong gawin." Sabi nya na parang may naalala.
"Ano po iyon?" Kunot noong tanong ko kahit hindi nya nakikita.
"Umarte ka na pinalayas ka sa apartment mo at wala ka ng matitirahan. By that, mapapasok mo na ang bahay nila. The rest, ikaw na ang bahala. Kuha mo?"
"Opo." Then she hanged up. Napabuntong hininga nalang ako.
DENNIS PARK's POV
It's eight o'clock in the evening. I decided to go home. I'm tired at masakit na rin ang mga mata ko. I packed my things and locked the door when I noticed the secretary's office. She's still here?
Mukha syang upset. Is there bothering her? Lumapit ako sa office nya. I don’t wanna leave her in that situation.
"What's the problem? Bakit nandito ka pa?" I asked. Mukha kasing wala syang balak umalis sa situation nya.
She sighed. "The owner of the apartment where I was staying just called up. Pinapalayas na po ako. Ilang months na rin po kasi akong hindi nakakabayad. If ever man po na bayaran ko yung months na hindi ko nabayaran, hindi na pwede. Kasi may titira na daw po doon. I don’t know where to go. So I think, I should stay here for a while." Malungkot nyang sabi.
Tiningnan ko sya ng maigi. Hindi ko sya pwedeng iwan dito. Nakakaawa kung iiwan ko sya. Baka may masamang mangyari sa kanya kapag dito sa nag-stay. May naisip akong idea. Tama! Yon nalang. Kesa naman wala syang matuluyan.
"Come with me." I smiled.
"Po?" Naguguluhan nyang tanong.
"Sumama ka sa akin. Doon ka muna sa condo ko mag-stay. Bihira lang kasi ako pumunta doon kaya naisip ko, doon ka muna." Suggest ko.
"Naku sir! Wag na po! Nakakahiya naman." Tanggi nya.
"Nahiya ka pa. Alin ang mas nakakahiya? Yung patirahin kita sa condo ko o yung nakita mo yung brief ko noong elementary tayo?" Kahit ako nahiya sa sinabi ko. s**t!
Nanlaki ang mga mata nya sa sinabi ko at namula. Ang cute nya talaga.
"Ahm. Sige po. Sasama na ako." Nakayuko nyang sabi.
"'kay. Lets go get your things!”
Nang makuha na namin ang gamit nya sa apartment, dumiretso na kami sa condo ko.
"Dito ka muna. Since minsan lang ako mapadpad dito, you can stay here kung kailan mo gusto. Atleast may umuuwi pa rin sa unit na to." I said. Kesa naman multo ang tumira dito.
Nang mai-tour ko sya sa buong unit, pumunta kami sa terrace para magpahangin.
"Sir, bakit po hindi ka natutulog dito sa condo mo?" Curious nyang tanong.
I sighed heavily. "Dahil sa lugar na ito, nangyari ang bangungot ko."
Flashback (four years ago)
Niyakap ko si Jenny mula sa likod. Pinatong ko ang baba ko sa balikat nya. It feels so good kapag kasama mo ang taong pinakamamahal mo. Lalo na sa ganitong situation.
"Ready, Babe?" I whispered. She nodded.
Today is our first anniversary. I'm going to surprise her. Hinihintay nalang ni Jordan ang go signal ko para simulan na ang fireworks. Nasa kabilang building sila.
I raised my left hand. In just a second, ang kalangitan ay nabalot ng magagandang kulay. Halos hindi ko ma-explain kung gaano ako kasaya na tumagal kami ng ganito. Tinignan ko sya. Ang saya nya.
Si Jenny lang ang babaeng minahal ko ng sobra sa buong buhay ko. Hindi ko siguro kakayanin ang mawala sya buhay ko. Sinubok kami ng tadhana na talagang nagpahirap sa amin. Pero sa kabila noon, nakaya naming harapin. At ngayon, mas kakayanin pa naming harapin ang future dahil gusto ko na syang makasama habang buhay. Gusto ko, na sa paggising ko, sya lang ang makikita ko at gaganahan akong gumising araw-araw para lang makita ang biyayang binigay sa akin ng Diyos. The most precious gift ever!
Nang matapos ang fireworks, tinignan ko sya. Bigla nya akong niyakap.
"Babe, that was amazing! Na-overwhelmed ako sa surprise mo! I love fireworks! I'm so happy! Your the best man that I ever had! I love you, Babe." Hinawakan nya ang pisngi ko and kissed me.
"I love you too, Babe. Alam mo naman kung gaano kita kamahal. Thank God at tumagal tayo sa kabila ng mga pagsubok na dumating sa relationship natin. And I think this is the right time to say this to you." Lumuhod ako at kinuha sa pocket ko ang maliit na box. It's a ring.
Nilabas ko ang laman non. "Babe, will you marry me?"
Tinignan ko sya. Ngumiti sya. Pero nawala ang ngiting yon ng may marinig kaming putok ng baril at nakita ko syang napaigtad at napaluhod. Kinandong ko sya pero ng tignan ko ang kamay ko, may dugo na.
"Jenny! Babe!" Natataranta kong sabi.
God! May tama sya ng baril! I hugged her. "Babe!" Sigaw ko.
Tinamaan sya sa puso at tumagos hanggang likod. Nagsisimula ng dumami ang dugong nawawala sa kanya. Nakapikit sya. Pinipilit ko syang gisingin.
"Babe, don’t do this to me! Wake up! s**t! Please, Babe! Wake up!" Hysterical kong sabi.
Nang di pa rin sya dumidilat, binuhat ko na sya at lumabas ng unit. Dadalhin ko sya sa ospital!
Please God. Save her. I don’t know what will happen to me if she'll leave me. Please God. Please save my Jenny.
end of flashback
GINA JANE CHOI's POV
Tinignan ko sya. Nakatingala sya sa langit na halatang pinipigil nyang umiyak. Masakit talagang tanggapin na ang taong mahal mo, nawala sa piling mo ng ganun ganun nalang. Naaawa ako para sa kanya. Lumapit ako at inalo ko sya sa likod. Nalulungkot ako sa nangyari sa kanya.
"Nagunaw ang mundo ko ng sabihin ng doctor na dead on arrival si Jenny. Hindi ko noon matanggap kung bakit ganoon ang nangyari sa amin, sa kanya. Halos pilitin ko ang doctor na buhayin si Jenny pero wala na talagang magagawa ang doctor. Mahal na mahal ko si Jenny. Ang pangarap ko na makasama sya habang buhay, ngayon ay wala na."
"Sir, masakit man po na tanggapin, pero.... There's no permanent in this world lalo na sa buhay ng tao. I know, may purpose si God sa mga nangyayari sa buhay natin ngayon. Lahat ng taong dumadaan sa buhay natin, special man sya sa buhay natin o hindi, may dahilan pa rin kung bakit natin sila nakilala at nawawala."
"Yeah, right. Pero hindi ko pa rin maintindihan kung bakit ganoon ang nangyari kay Jenny. Mabait syang tao. Wala akong alam na may kaaway sya. Until now, hindi pa rin kasi nahuhuli ang bumaril kay Jenny."
"P-po? Hindi pa rin nahuhuli ang suspect?" Surprised kong tanong.
He nodded. "Hindi pa rin matukoy ng mga pulis kung sino ang pumatay dahil sobrang dilim noon. Humingi ako ng CCTV footage sa nangyari. Paulit ulit kong pinanood yon pero hindi ko marecognize kung sino ang suspect. Pero may isang bagay akong nakita."
Tumingin sya sa akin na parang sigurado sya. Tumingin lang ako sa kanya.
"Noong naglalakad ako papunta dito sa condo, I saw a bracelet malapit sa unit. Tinago ko yon at hinala ko, galing yon sa pumatay kay Jenny."
What?! Y-yung bracelet? Yun na kaya ang bracelet na pinapanakaw sa akin ni Madam M? Pero bakit yon ipapanakaw sa akin ni Madam M? Hindi nya kasi sinasabi sa akin kung bakit. Baka nagkataon lang.
"Ah, sir. Anong itsura po ba ng bracelet na yon?" Curious kong tanong.
"Hmm... Silver bracelet sya na may nakalagay na letter M sa gitna."
Napasinghap ako sa narinig. Yun nga! Yun ang pinapanakaw sa akin ni Madam M!
"Why? Anong problema?" Nagtataka nyang tanong nang makitang napasinghap ako.
"Nothing, sir." Pilit akong ngumiti para hindi sya mag-alala.
Yung bracelet! Malapit ko na syang matunton pero bakit parang nag-aalangan akong gawin ang pinag-uutos ni Madam M? O masyado lang akong nag-iisip na yung bracelet na hinahanap ko at ang bracelet na nakita ni Dennis ay iisa? Naguguluhan na talaga ako.
Another thing is... Bakit pinapanakaw sa akin ni Madam M ang bracelet kung pwede namang sya na mismo ang kumuha?