GINA JANE's POV
Pinasadahan ko ng tingin ang itsura ko sa malaking salamin. Masyadong daring ang itsura ko sa suot ngayon.
[Wear a sexy outfit. Alam kong yan ang weakness ni Dennis. Kung kinakailangan na iluwa mo yang kaluluwa mo, gawin mo. Then, talk to him in a very sexy voice. It'll help.] Naalala kong sabi ni Madam M. Nakakailang pumasok ng ganito ang suot.
I am wearing a fitted pink dress na kalahati na ng tuhod ko, V-neckline na halos kita na ang dibdib ko.
I took a deep breath and umalis na sa apartment. First time kong lumabas na ganito ang suot.
As expected, lahat ng co-workers ko ay nakatingin sa akin.
"Wow! Ang sexy pala ni Gina." I heard Yuno said, my co-worker.
"Yeah. Swerte ang makakascore sa kanya, pre!" Justin said.
"Wow! Kainggit naman. Sobrang alaga ni Gina ang katawan nya." Steff said.
"Oo nga. Siguro kung ganyan ang katawan ko, talagang ipangangalandakan ko sa buong mundo kung gaano ako ka-sexy." Karen said.
Naloloka na ako sa mga sinasabi nila. Kung alam lang nila kung gaano ako naaasiwa sa suot ko at sa tingin nila.
"Oy, girl. You look so damn gorgeous today! Lahat ng boys dito sa HBE, naglalaway sa ka-sexy-han mo. How did you came up in that sexy, gorgeous body, huh?" Usisa ni Nicole. Sa Finance department sya naka-assign.
"So, panget pala ako dati? Wala naman akong secret sa katawan eh. Another thing is..... Wala na akong ibang masuot kaya ganito ang itsura ko." Nahihiya kong sabi.
Anong klaseng alibi yon? Wala ng maisuot? Tsk! Ang dami ko kayang damit pero noong binuksan ko ang cabinet ko, puro sexy dress na. Kinuha siguro ni Madam M yong mga damit ko. Hindi nya kasi nagustuhan ang suot ko noong isang araw.
"So... Kailangan pala wala ka ng maisuot para ganyan ang itsura mo? Pero okay lang yan. Ganda mo kaya."
"Gina, coffee please." Leeteuk said over the intercom.
"Okay sir."
Okay. This is it! I can do this!
Inayos ko muna ang sarili ko bago kumatok at pumasok. Nakita kong nakatutok sya laptop nya. Para sa meeting yan for sure.
"Sir, here's your coffee." Nilapag ko ang coffee nya sa table at bahagyang yumuko.
Umangat sya ng tingin at saktong sa dibdib ko sya napatingin na ikinalaki ng mata nya. Napalunok sya ng sobra at umiwas ng tingin sa dibdib ko.
"T-thanks." Utal nyang sabi.
I stand up straight and wear my sweetest smile.
"May kailangan pa po ba kayo sir?" I asked in a sexy voice.
"W-wala na. I-i'll call you nalang k-kung may ipapagawa ako." Nauutal nyang sabi.
"Okay po." Umalis na ako sa office nya.
Simple lang pero mahirap. Sana ay naapektuhan sya sa suot at sa ginawa ko.
DENNIS PARK's POV
What the?! Bakit ganoon sya?! Bakit ganoon ang suot nya?! Pero she's... damn sexy! I need some distractions.
After an hour. s**t! Nadidistract pa rin ako sa nangyari kanina. Feeling ko sobrang init ng pahanon na pati aircon ay hindi na nakakatulong. s**t! Gina, bakit ganyan ka? Anong ginagawa mo sa akin? Hindi pa rin mawala sa isip ko ang nakita ko at ang kilos nya kanina.
"Ah! Damn it!" Sinasabunutan ko na ang sarili ko sa sobrang frustration.
Bimalik ako sa report na ginagawa. At last, nagawa ko ulit ng maayos ang presentation ko for my meetings. I'm not done yet.
I looked at my wristwatch. It's already seven in the evening. Sa sobrang busy ko, nakalimutan ko mag-lunch. Tinawagan ko si Gina na bumili ng dinner for us.
After thirty minutes, she's here. Oh no! Wrong move. Here I go again.
"Ito na po sir." Nilapag nya ang pagkain sa mesa. Umiwas ako ng tingin sa kanya. As far as I can, di muna ako titingin sa kanya.
"Sir, is it okay if I join you here? Umuwi na kasi yung mga co-workers ko. Hindi po kasi ako sanay kumain na mag-isa."
What?! Dito sya kakain sa office ko?! Dennis, wag kang pumayag kung ayaw mong magkasala ang mga mata mo. Sabi ng good conscience ko.
Dennis, pumayag kang dito sya kumain. Mas masarap sya kesa sa pagkain mo. Sabi ng bad conscience ko.
Ano ba tong conscience ko?! Hindi nakakatulong! Ano pa bang magagawa ko? Alangan naman hayaan ko syang mag-isa. Kakain lang naman sya kasama ko eh. Basta iiwasan ko nalang ang pagtingin sa kanya.
"It's okay. Dyan ka nalang kumain sa center table."
Naupo naman sya malapit sa center table at nagsimula ng kumain. Kumain na rin ako pero ang likot talaga ng mata ko. Di ko maiwasang tignan sya!
Tila sarap na sarap sya sa kinakain nya samantalang ako sarap na sarap din kakatitig sa kanya. Wait! Wait! Wait! Ako? Sarap na sarap sa kakatitig sa kanya?
Yeah. I admit it. There's something in me na gumugulo sa buong sistema ko. It's weird pero parang nag-eenjoy ako.
"Sir? May problema po ba kayo? Ayaw nyo po ba ng food na binili ko? Bibili po ako ng bago kung ayaw nyo." Inosenteng tanong nya.
"H-ha? A-ahh. W-wala. Masarap naman yong food." Saka sumubo ng pagkain.
After naming kumain, pinaayos ko muna sa kanya ang mga papel na nagkalat sa sahig. Mga script ko yon for the drama.
When I was typing my business proposal to my laptop, may narinig akong lagabog. Nakita kong hawak ni Gina ang tuhod nya at may dugo ito. Tumayo ako to help her. Di gaanong malalim ang sugat pero may dugo.
"What happened?" I asked in a very concern voice.
"Natuhod ako sa center table. Di ko namalayan na matulis pala yong dulo. Lalagyan ko nalang to ng bandaid." Sabi nya habang hawak ang tuhod.
Inalalayan ko syang tumayo pero ng matipalok sya, natumba kami. Nasa ibabaw ko sya at parehong nanlaki ang mga mata namin. An inch nalang kasi ang pagitan ng mga mukha namin! Amoy na amoy namin ang kanya kanyang hininga.
"I-i think h-hindi mo kayang pumunta sa mini kitchen para kunin yung first aid kit. A-ako nalang kukuha." Nahihirapan kong sabi ng makabawi sa nangyari.
Umalis na sya sa ibabaw ko at umupo sa couch.
"I-i think so. Sorry, sir. Naabala pa kita." Nakayuko nyang sabi.
"Okay lang. I'll just get the first aid kit para magamot natin yang sugat mo. Stay there." Sabi ko at pumunta na sa mini kitchen.
Napasandal ako sa pinto ng kitchen ng maisara ko. s**t! Ang lakas ng t***k ng puso ko. Feeling ko kakapusin ako ng hininga or maybe hingal lang ako.
Dala ko na ang first aid kit when I came back. I saw her blowing her wound. Napangiti ako. Para syang bata na kapag inihipan ang sugat ay mawawala na.
Nilapitan ko sya at nilinis ang sugat nya bago lagyan ng bandaid.
"Thanks." She said and smiled.
"Y-your welcome." Bat ganon? Feeling ko namumula ako sa pasasalamat nya? Nababakla na ba ako? No! I'm not a gay!
"Sige po. Aayusin ko na po ulit yung mga papers."
"I'll help you."
After namin maayos ang mga kalat, bumalik ulit kami sa ginagawa namin. Pero sya, dito na sa office ko tinuloy ang trabaho nya.
Past two in the morning na ng humikab ako. Tinignan ko ang sitwasyon ni Gina. Tulog na pala. Napagod siguro.
I walked towards her direction. Inayos ko ang paghiga nya at nilagyan ko sya ng kumot.
Tinignan ko sya at hinawi ang buhok sa kanyang mukha. She's still beautiful, kind and... sexy.
Wait. Sexy?! Napalunok ako dahil bigla syang tumagilid paharap sa akin at nakikita ko ang gitnang linya sa bandang dibdib nya.
Umiwas ako ng tingin. Nahawaan na yata ako nila Spencer at Marcus sa kamanyakan. Kainis! Lagot sa akin ang dalawang yon!
GINA JANE CHOI's POV
Paggising ko, may kumot na sa katawan ko. Napangiti ako ng lihim. Kahit di na sabihin, alam ko na kung sino ang may gawa. Alangan namang multo di ba?
"Oh! Gising ka na pala. Here. Have some coffee."
Inabot nya sa akin ang coffee na nabili nya sa isang sikat na coffeeshop.
"Thanks. Sorry po kung nakatulog ako dito."
"Okay lang yon. Normal lang naman na makatulog ka sa sobrang pagod. Alangan namang pilitin mo pang magtrabaho kung ang mismo katawan at mata mo ay di na kaya." Nakangiti nyang sabi.
"Ah... Sir. Sorry po sa itatanong ko. Curious lang po kasi ako. Bakit po ang konti ng gamit nyo dito sa office? Puro papers lang po. Aside from the center table and a couch, eh yun lang ang laman sa office nyo. Your office looks huge to put some stuffs." I asked.
Syempre, sa tanong kong yon, pumasok na ang pag-uusisa ko kung narito ba sa office nya ang hinahanap ko.
"Yun ba? The truth is I can't work properly if there's so much stuffs around me. Feeling ko kasi pag masikip ang place ko, limited lang ang pumapasok sa utak ko. Kaya every month, mini-maintain ko na mukhang malaki pa rin ang lugar na to."
"So... Hindi po kayo naglalagay ng important things dito sa office."
"Nope."
"Okay." So that means, hindi ko dito makikita ang bagay na hinahanap ko.
JEROME KIM's POV
Nakikipagtitigan ako sa pagong ko ng may kumuha sa kanya. Napatayo ako at hinabol ang kumuha. "Hoy Marcus! Give me back my turtle! Patay ka sa akin kapag sinaktan mo sya!"
Tatawa tawang tumatakbo ang loko.Naghahabulan kami sa buong bahay. Hindi ko sya mahabol. Paliko na sana sya ng makabunggo nya si Jordan. Nalaglag ang pagong ko sa sahig. Oh no! My turtle!
"Ano ba yan Marcus?! Ang likot likot mo talaga!" Pagalit na sabi ni Kangin.
Dali-dali kong kinuha ang pagong ko sa sahig at binalik sa bahay nya. Humanda talaga sa akin ang batang yon kapag may nangyaring masama sa pet ko. Hinanap ko si Marcus and saw him with our other brothers.
"You know what guys? May bagong secretary sa Hallyu Brothers Empire!" Masiglang balita ni Marcus.
Tumabi ako kay Andrew. Kinalabit ko sya.
"Nandito ka na pala." Sabi ko.
"Yeah. Umuwi muna ako to take some rest. Katatapos lang namin mag-shoot." He looks worn out.
All of us are actors pero iilan lang sa amin ang may passion sa pag-arte. May kanya kanya na kasi kaming kompanya na mina-manage. But I admire Andrew for pursuing his acting skill. His job made him grown up. Kaso nga lang, nari-risk ang pagtulog nya.
"So what kung may new secretary sa HBE?" Casey said while posing to his mirror.
"Naku Kuya Casey! Kapag nakita mo sya, gugustuhin mo nalang mag-stay sa office with her. She's pretty and more importantly... She's so damn sexy!" Marcus said.
"Really?! I wanna go there! Let's go! I wanna meet her right now!" Excited na sabi ni Spencer.
Umaandar na naman ang pagiging maniac nito. Wala na talagang pag-asa.
"Wait guys. Are you sure na nandoon pa sya? 11:30 pm na kaya. Baka wala na yon doon. Some other time nalang." Jordan suggested.
"Oo nga no? Tsk! Sige. Next time nalang." Sang-ayon ni Spencer.
Basta talaga babae, sugod agad. Nandadamay pa. Bakit di nalang nila tantanan ang secretary ni Kuya Dennis?
MADAM M's POV
"Ano na ang nangyayari dyan? Nakita mo na ba ang pinapakuha ko sayo?" Tinawagan ko si Gina para makamusta kung may nangyayari na ba sa mga plano namin.
"Madam M, hindi ko pa po nakukuha."
"What?! Ano ba yan Gina?! You have to find it as soon as possible! Simpleng paghahanap lang, hindi mo magawa ng maayos! I trusted you for this! Wag mo akong biguin." Napasigaw ako sa kaalaman na walang progress sa paghahanap nya.
"I'm really sorry Madam M. I'll do my best."
I hanged up. Bwisit! Hindi nya pa rin nahahanap?! Once na hindi nya nakita ang pinapakuha ko sa kanya, makikita nya, isusunod ko sya sa nanay nya. Damnit!