FOUR

2544 Words
"Ma, ayus lang po ako dito." Kausap ko ang mama ko, tumawag kasi siya para kamustahin ako. "Sigurado ka ba d'yan? Kumakain ka ba ng maayos d'yan?" May bahid na pag-alala ang boses ni Mama. "Opo! Sure na sure!" Nag-ayus na ako para sa trabaho, dalawang floor ang lilinisan ko kaya mas maaga akong aalis ngayon para makapag linis na. "Tawagan mo naman kami,anak! Nag-alala kami ng papa mo sayo." "Opo!" Binaba ko na ang tawag at bumba na, nagpaalam ako kay aling Tarsing bago lumabas ng bahay at pumara ng taxi. Nagbayad kaagad ako sa driver pagbaba ko sa taxi, pinakita ko na kay guard ang id ko. Pumasok na ako sa elevator at pinindot ang 14th floor, magsasara na sana ito pero may kamay na humarang. Pumasok ang isang lalaki,gwapo at naka suit din siya. Nagkatinginan kami at ngumiti siya sa akin, nginitian ko siya pabalik at diretsong tumingin sa harap. Gwapo rin siya katulad ni Sir Hugo, mas matangkad lang tong lalaking to. Saka hindi nakakatakot tignan ang lalaking to kesa kay Sir Hugo na snober tapos hindi pa ngumingiti, kahit kailan hindi ko pa nakikitang may emosyon ang mukha ni Sir Hugo. Nakakahiya lang talaga ang nangyari kahapon! Sariwang sariwa talaga sa aking utak ang kahihiyang 'yun! What the pakkk?!! Bakit ko 'yun ginawa?! Napapatanong na lang ako sa sarili ko na "anong pumasok sa kukute mo, Lhorain? Bakit mo ginawa 'yun?" Ewan ko nga kong may mukha pa ba akong maihaharap kay Sir Hugo. Pakiradam ko kapag makikita ko siya babalik lang ang alang alang 'yun! Hindi ako makapagtrabaho nito! Nakakahiya na ring bumalik sa opisina ni Sir Hugo! Nakakahiya! Pero kailangan kong maglinis doon, wala akong magagawa dahil pinilit ko si Lola na doon ako maglilinis! Kainis naman oh! Tumunog ang elevator hudyat na nasa 14th floor na ako. Napasulyap ako sa lalaking nakasabay ko. Ngumiti ako sa kanya ng makita siyang nakatingin sa akin. Ngumit siya pabalik. "Jaime!!" Sigaw ko at tumakbo palapit sa kasama. Ilang araw pa lang ako dito sa Lardizabal E&A pero naging malapit na kami ni Jaime sa isa't isa. "Anong nangyari sayo?" Tanong niya sa akin, umupo ako sa tabi niya at sinandal ang ulo ko sa balikat niya. Matangkad kasi si Jaime at may maisasabi naman sa kanyang katawan, hindi katulad ni James na pulos taba na lang pero hindi naman ganun ka taba si James 'yung tamang tama lang. Hindi ko nga alam kong anong nakita ni Jaime kay James eh, ewan ko kung gwapo ba si James. Iba talaga ang type ni Jaime, gusto niya 'yung toxic. "Wala, may naalala lang akong kahihiyan habang nasa elevator ako kanina." Ngumuso ako dahil naalala ko na naman ang mga ginagawa ko at ang mga pinagsasabi ko kahapon. Hindi na ata ako lulubayan nito. Juskoo! Tukso, layuan mo ako! "Pumunta pala dito 'yung tita mo," bumaling ako kay Jaime. "Tita? Sino?" Tanong ko habang sumusulyap sa mga empleyado na dumadaan at tinitignan kami na nakataas ang kanilang mga kilay. Bahala sila kung ano ang iniisip nila. "Si Tita Cynthia mo." "Ano raw sabi? Ba't hindi niya ako tinawagan?" Binalik ko ang pagsandal sa kanyang balikat. "Pupunta daw kayo sa malapit na club, igagala ka niya daw dito. Syempre kasama ako." Ngumiwi ako at umayos ng upo, "wala akong pera pang gala, hindi pa tayo binibigyan ng sweldo!" Tinaasan niya lang ako ng kilay, "walang pera? Hindi ako naniniwala sayo!" Inirapan ko siya, dahil totoo naman na wala talaga akong pera sa sabado pa ang sweldo ko. "You know, I'm poor," "Poor you? Yiee." Banat niya pa na ikinangiwi ko. Sinapak ko siya, "'Wag ako! Alam ko ang mga type mo!" Siya naman ngayon ang nagtaas ng kilay, "ano?" Talagang sinusubukan ako nito ah, "dugong ang gusto mo! Ikaw ha, gusto mo pala 'yung mga water type!" Napanganga siya sa sinabi ko, hindi alam kong matatawa ba o hindi. "Hoy—" "Good morning, Lhorain!" Dumating si James "Oh, nandito na pala ang dugong—este si James!" Siniko ko si Jaime na umiwas ng tingin. Nagtaas ako ng kilay sa kanya at nginitian siya ng napakalaki. "Oh, James! Gwapo mo ngayon ah?" Namula si James sa sinabi ko, hay, biro ko lang naman talaga 'yun. "Talaga?" Sinuklay niya ang buhok niya at tumingin sa salamin na nasa harap namin. "Gwapo ba ako, Jaime?" Bumaling si James kay Jaime na nataranta na ngayon dahil sa biglaang pagtanong ni James sa kanya. Oh, gosh! Namula ang bakla! "H-ha? O-oo naman, p-palagi ka namang g-gwapo." Namula si Jaime at nag-iwas ng tingin. Ako naman, hindi mapakali. Ang laki ng ngiti ko. Mapupunit na ata ang labi ko kakangiti. Litseng bayot! Humihirit pa talaga! "Naks! Ikaw din, Jaime ang gwapo mo rin!" Muntik na akong mapairap sa sinabi ni James, hay nako. "Siya nga pala, kumain ka na ba, Lhorain?" Bumaling sa akin si James na hindi pa rin tumitigil sa paghawi sa buhok niya. Kala mo naman may lilitaw na liwanag sa tuwing hinahawi niya ang buhok niya. "Kumain na ako, bakit?" Napakamot siya sa kanyang ulo at bahagyang namula, "a-ah kasi yayain sana kita na kumain." "Si Jaime hindi pa kumakain. Tanongin mo rin daw siya." Namula pa lalo si Jaime at tumalikod na sa amin para itago ang kanyang namumulang pisnge. "Kumain ka na ba, Jaime?" Tinanong nga talaga siya ni James, mas lalong hindi makaharap sa amin si Jaime. Sus, kinilig ang bakla. "H-ha? T-tapos na akong k-kumain." Sagot ni Jaime. "Ah, sige. Kung ganun maiwan ko na kayo kasi may naghihintay pang trabaho sa akin." Tinanguan ko si James at kinawayan siya. Pagka alis ni James binatukan ko si Jaime, "Ang bugo mo! Napaka boploks! Bakit ka tumanggi? Sana sinabi mo na hindi ka pa kumakain para makasabay mo siyang kumain! Mindset ba mindset!" Sermon ko sa kanya, mas lalo pang namula ang pisnge niya at napakamot siya sa kanyang ulo. "Anong bugo at boploks?" Hay,kunti na lang. Ibibitay ko na talaga to si James patiwarik. "Bobo!" Sagot ko. "Tinanong nga kita kong ano ang ibig sabihin ng bugo at boploks! Ako pa ngayon ang bobo?" Ay! Bwisit! "Bobo ka! Bobo kasi ang ibig sabihin ng Bugo at boploks!" Muntik ko ng kutusan buti nakapagpigil pa ako. "Sorry naman, oo na bobo na ako." Inirapan niya ako, hindi ako nagpatalo sa kanya. Inirapan ko rin siya at hinawi ko ang mataas kong buhok at talagang sinadya ko na matamaan siya ng buhok ko. "Pwe! Ano ba 'yan, Lhorain! Lasang Sunsilk ang buhok mo! Sunsilk shampoo mo no?" Reklamo niya ng makain ang iba kong buhok. "Hindi! Hindi sunsilk shampoo ko! Head and shoulder ang shampoo ko na lasang sunsilk!" Nag-irapan kaming dalawa, walang nagpapatalo. "At bakit mo nalaman ang lasa ng sunsilk? Kinakain mo 'yun no? Grabe ka! Bagay talaga kayo ni James!" Hindi na niya napigilan ang tawa. "Hay nako! Mag linis na nga tayo, pangit ka!" Tumayo siya at kumuha na ng gamit panglinis. "Ewan ko rin sayo, baklang hilig ay dugong!" Matapos naming maglinis sa 14th floor, pumunta kaagad kami sa canteen para kumain dahil pagod na pagod na kami sa trabaho. "Kita mo naman sinong pumasok." Rinig kong bulungan nila, inignora ko na lang 'yun at naupo na kami ni Jaime sa bakanteng mesa. "Ako na ang mag order para sa atin." Tinanguan ko na lang si Jaime at hinayaan siyang mag-order para sa aming dalawa. Nag-angat ako ng tingin sa dalawang babaeng lumapit sa akin, nakataas ang mga kilay nila. "Ano? Nalandi mo ba si Sir Hugo?" Mataray nitong tanong, hindi ko sila sinagot. Tinignan ko lang sila, hindi ko alam na pati pala sa opisina nangyayari ito. Akala ko sa mga eskwelahan lang. "Anong akala mo? Papatulan ka ni Sir? Hindi mo ba tinignan ang sarili ko bago landiin ang CEO ng Lardizabal Engineering & Architect." Tinignan ko naman ang sarili ko gaya ng sinabi nila. Wala namang mali sa akin ah, hindi rin ako bungi. "Back off, girl. Janitress ka lang! Hindi ka nababagay sa isang CEO ng napakalaking kompanya! Dapat sa basurahan ka lang! Doon ka naman nababagay eh!" Nagtawanan silang dalawa. Ang mga nanonood naman sa amin ay natatawa na rin. Ngayon ko pa lang napansin na halos lahat ng nandito sa loob ng canteen ay nakatingin sa amin, pinapanood kami na para bang isa kaming movie. "Hoy! Tigilan niyo na nga 'yan!" Dumating si Jaime dala ang order namin, napatingin sa kanya ang dalawa. "Ohh...nandito pala ang kasama mo," bumaling ulit siya sa akin at tinuro kaming dalawa ni Jaime. "Alam mo, bagay kayo. Pareho kayong nababagay sa basurahan!" Nagtawanan sila ulit, para bang 'yun ang pinakanatatawang narinig nila. Nagkibit balikat lang ako at nagsimula ng kumain. Ayaw ko silang patulan, para silang mga estudaynte na pa. Mga isip bata. Bakit nakikialam sila sa gagawin ko? Bakit sila nakiki alam na gusto kong landiin si Sir Hugo? Hello! 2022 na! Pwede na ngang babae ang manligaw ngayon eh! "Ewan ko sa mga babaeng 'yun, mga isip bata." Lumabas na kami ni Jaime sa canteen pagkatapos naming kamain. "Hayaan mo na 'yun, Jaime. Inggit lang sila dahil maganda ako." Hinawi ko ulit ang buhok ko at umupo sa tambayan namin dito sa 14th floor. Wala masyadong dumadaan dito kaya dito namin napiling magtambay, kaharap din kasi namin ang busy na mundo sa ibaba. "Ay? Saan banda?" Tinignan niya pa ang mukha ko, sinusuri kong totoo ba ang sinabi ko. Tinabig ko ang mukha niya, "malamang sa mukha! Alangan namang sa pwet?" Inirapan ko siya at sumandal sa sofa saka pinanood ang mga sasakyan sa baba. "'Di ba maglilinis ka pa ngayon sa opisina ni Sir Hugo?" Tumango ako, "oo maglilinis ako, pero mamaya pa. Hindi pa kasi ang oras ngayon para maglinis ako doon." "Anong nangyari kahapon? Nagkita ba kayo ni Sir? Nagkausap ba kayo? Ano?" Hinarap ko si Jaime, chismosa din ang isang to eh. "Nagkita kami...pero may nangyari—" Oh, my gosh! Here we go again! Naalala ko na naman ang katangahan s***h kahihiyan na ginawa ko! "Hala ka! Jusko! Ginapang mo kaagad, susmaryosep! Ang speed mo naman! Kayo lang ang nandoon sa opisina pinagsinamalantahan mo kaagad si Sir—" Ang daldal ng baklang to! Tinakpan ko ang bibig niya at pinanlakihan siya ng mata. "Anong tingin mo sa akin? Manyak? Hoy! Babae pa rin ako lumalandi lang pero hindi kaagad ako bibigay no! Mas lalong hindi ako nanamalanta! Tangina nito." Sinigawan ko na siya "Ay, hehe. Ano ba kasing nangyari?" Kinamot niya ang ulo niya, inirapan ko naman siya. "Wala, basta ang hirap sabihin." Hindi naman namilit si Jaime na sabihin ko sa kanya ang nangyari kahapon, bago ako pumunta sa opisina ni Sir nagkita pa kami ni Tita Cynthia para paaalahanan ako sa lakad namin mamaya. Kailangan ko pa palang kausapin si Aling Tarsing tungkol dito. "Sa bahay ka na lang muna matutulog mamaya. Basta gusto kitang ipasyal mamaya sa malapit na club." 'Yun lang ang sinabi ni tita bago bumaba kung saan siya naka assign. Ako naman ay pumanhik na papunta sa opisina ni Sir Hugo. Habang nasa Elevator ako ay panay ang paghinga ko ng malalim para pakalmahin ko ang puso ko. Sana lang wala na si Sir sa opisina niya o kaya naman nasa meeting ito para hindi ko na siya makita ngayon dahil hindi ko talaga kayang makita siya na hindi maalala ang kahihiyan kagabi. Pag-apak ko sa panghuling palapag ay luminga ako para hanapin kong nasa labas ba si Sir. Pero nang wala akong makitang bakas ni Sir sa labas ng opisina niya ay taas noo akong pumasok. Nilapag ko ang mga gamit sa sahig at pinindot ang intercom. Paggaling na rin sa boss ng mga masungit, sana lang hindi siya lumabas no? Pero bago ko pa mapindot ang intercom ay may nagsalita na sa likod ko. Paglingon ko ay akala ko si Sir Hugo pero hindi pala, 'yung lalaking nakasabay ko sa elevator kaninag umaga ang nasa likod ko at gaya rin ng kanina suot pa rin nito ang ngiti niya. "Hmm, anong sadya mo?" Tanong niya at nanatili ang ngiti sa labi, nahawa na tuloy ako. Nakangiti na rin ako ngayon, "ah, sasabihan ko sana si Sir. Hugo na maglilinis na ako dito." Tumango siya at tinuro ang pintuan ng opisina si Sir Hugo, "come in. Sa loob mo na siya kausapin. Baka kasi ipalilinis niya ang opisina niya dahil madumi doon kesa dito sa waiting area na malinis na." Napanganga na lang ako sa mahaba niyang sinabi. Pati rin ang pagsasalita niya ay napakagaan. Binuksan niya ang pintuan at nauna nang pumasok, tinawag niya ako at binuksan pa lalo ang pintuan para makapasok ako. Nakita ko kaagad si Sir Hugo na tutok sa kanyang laptop at may binabasa doon. Nakataas ang kilay niya at dikit ang kanyang manipis na labi. Ano ba 'yan! Bakit kahit wala siyang ginagawa guwapo pa rin siya? Na-a-attract pa rin ako sa kanya? Sa simple lang niyang mga galaw napapahanga at napapanganga na lang ako. Tumikhim ako, kumurap siya at nagtaas ng tingin sa akin. Hindi man lang siya nagulat na nakita ko sa opisina niya. "By the way, brother. Maglilinis na raw si...what's your name again, miss?" Namula bahagya ang pisnge ko ng bumaling sa akin ang lalaki, "Lhorain po..." pero nagulat ako sa sinabi niya. Brother? Kapatid? Tinawag niya bang kapatid si Sir Hugo? Ibig sabihin nito...magkapatid sila?!! "Oh, nice name. Maglilinis na raw si, Lhorain. Naisipan kong papasukin siya dahil madumi ang opisina mo." Tumingin si Sir Hugo sa kapatid niya, "hindi madumi—" "Anong hindi? Tignan mo nga oh! Ang dami mong kalat!" Napatingin ako sa sahig, tama nga ang kapatid ni Sir Hugo. Marumi ang sahig, madaming nagkalat na papel. "Kaya ko 'yang linisin—" pinutol na naman ng kapatid niya ang sasabihin ni Sir. "Kaya nga ma janitress para sila na 'yung maglinis. Pagod ka kaya ipagkatiwala mo na kay, Lhorain ang paglilinis. I'm sure na magaling siya sa paglilinis." Ngumiti ako ng pagkalaki ng bumaling ang kapatid ni Sir sa akin at ngumiti. "By the way, I'm Hector, kapatid ako ni Hugo. Ako ang kuya niya." Tinanggap ko ang kamay niyang nakalahad sa harap ko. "Nice to meet you po, Sir Hector." Tumawa siya at napakamot ng kanyang ulo, "ah, drop the Sir. You can call me by my name." Namula ata ako doon. Umiwas ako ng tingin at kinamot ang batok. Nahagip ng mga mata ko ang maririin at ang matatalim na titig ni Sir Hugo sa amin. Umigting ang panga niya, sumandal siya sa swivel chair niya. "Magchismisan ka lang ba d'yan, Lhorain?" Mabilis akong nag-angat ng tingin ka Sir Hugo. "Po?" Nanginginig ako sa lamig ng kanyang boses. "Pumunta ka rito para maglinis para hindi makipaglandian sa kuya ko." Diretsahan niyang sabi, walang preno. "Hindi ko gusto ang malalandi kaya ngayon pa lang baguhin mo na 'yang ugali mo." Napayuko ako, kauna unahang pagkakataon na nasaktan ako. Kahit sino hindi ako nasaktan kapag tinatawag nila ako ng malandi, wala lang sa akin 'yun pero ngayon iba, naninikip ang dibdib ko at parangm may nakadagan dahil bumigat ang pakiramdam ko. Pati rin ang paghinga ko ay nagbago rin, mabibigat rin. "Opo..." Mahina kong sambit at nagsimula nang maglinis na wala sa sarili.
Free reading for new users
Scan code to download app
Facebookexpand_more
  • author-avatar
    Writer
  • chap_listContents
  • likeADD