THREE

1507 Words
"Lola, sige na po." Tinignan lang ako ni lola na para bang nababaliw na ako kakapilit sa kanya. "Sino ka ba—" Na stress na talaga ako kay lola. "Lola naman eh! Ako po si Lhorain—" "Oo! Naalala ko! Ikaw 'yung kabit ni Berto." Oh,my god! Patagal ng patagal mas lalong lumala ang mga sinasabi ni Lola. "Lola, ilipat mo po ako sa floor ng CEO! Sige na po! Masipag po ako!" Tinaasan ako ng kilay ni lola. Cross finger. Sana ilipat ako ni lola sa floor ng CEO, gusto ko na sa kanya ako maglilinis hindi dito sa 14th floor na mga isip batang empleyado. Kanina kasi mas lumala pa ang mga dumi sa banyo hindi lang sa banyo, pati sa canteen dinumihan din nila. Like, hindi ba sila nandidiri na madumi ang canteen na pinagkainan nila? "Bakit mo ba gusto kay Mr. Lardizabal maglinis,ha?" Sumingkit ang mata ni lola at mariin akong tinitigan. Ngumuso ako at umiwas ng tingin, "gusto ko lang po..." Nagtagal ang titig ni lola sa akin, parang tenatansya ang sinabi ko. Ngumiti ako kay lola at hinintay ang pasya niya. "Hala siya! Doon na kita i assign! Litseng bata!" Napasigaw ako, "YES!!" Oh, my gosh!! Makikita ko na araw araw si Sir Hugo!! "Maglilinis ka parin dito sa 14th floor Lordes, bibigyan na lang kita ng schedule mo sa paglilinis sa opisina ni Sir." Kinamot ko ang ulo ko, "lola, Lhorain po ako hindi Lordes. Ngayon niyo na po ba ibigay ang schedule ko?" May kinuha si Lola sa ilalim ng mesa niya, binigay niya sa akin ang isang papel. Binsa ko ito. Ito ata ang magiging schedule ko sa paglilinis doon sa opisina ni Sir Hugo. MON-FRI: 12:00 noon / 10:00 pm SAT-SUN: 5 am / 9:00 pm Napanganga ako sa nabasa. Alas diyes ang sched sa paglilinis kapag weekdays?!! Baka nilock na ni aling Tarsing ang bahay niyan! Sabi pa naman niya na alas diyes nasa bahay na kami. Jusko! Mahihirapan ako sa schedule na to. Hindi ba pwedeng agahan? "Ganyan ang schedule mo dahil busy si Sir Hugo at ayaw niyang may mang-iistorbo sa kanya." Ay! Ang sipag naman pala ng future husband ko! Mas lalo tuloy akong giganahan. "Wag na wag ka ring papasok na wala ang pahintulot niya." Tumango ako sa mga dinagdag na impormasyon ni lola. "Kailangan ko po bang dumaan sa secretary niya bago pumasok—" pinutol ni lola ang sasabihin ko. "Wala siyang secretary kaya gamitin mo lang ang intercom sa labas ng opisina niya." Nagulat ako, "ha?!! Anong walang secretary? Pwede po ba 'yun—" pinutol ulit ni lola ang sasabihin ko. Naiinis na ako kay lola ha, kanina pa niya pinuputol ang mga sinasabi ko. "Ang mga secretarya niya kasi ay nilalandi siya, hindi na ginagawa ang trabaho dahil inuuna ang paglalandi sa kanya. Na kay Sir na 'yun kong kukuha ba siya ng secretary, pero ngayon hindi pa siya naghanap ng secretary." Napanganga ako at namula bahagya ang mukha ko. Tama na tama ako sa sinabi ni lola kanina ah. Baka mapasama ako sa mga na sesante ni Sir Hugo dahil nilalandi siya. May plano pa naman sana akong landiin siya pero parang nagbago ang isip ko. Nakakatakot na masesante. Tss. Buo na talaga ang desisyon ko! Panindigan ko ito! Lalandiin ko si Sir Hugo! Operation landiin ang CEO!! "Oh? Ano,kumusta? Pinayagan ka ba ng head?" Tanong ni Jaime sa akin ng lumabas ako sa opisina ng head. "YES!!" Nanlaki ang mata niya at nalaglag ang panga. "'Wag mong sasabihin na tuloy ang paglalandi mo?" Sumingkit ang mata niya na parang si lola lang. "Malamang! Hindi tayo yayaman niyan sa pabalik balik na pagmop sa banyo! Dumiskarte ka! Humanap ng mayaman para agaran ang pag-angat!" Napailing si Jaime sa sinabi ko, tumawa siya at tinapik ang balikat ko. "Sana okay ka pa lang." Para bang hindi siya naniniwala na malandi ko si Sir. Bakit mahirap bang landiin si Sir Hugo? Pwes, dapat husayan ko pa para mapansin niya ako! "Okay na okay pa ako, Jaime. Don't worry kapag ikasal kami kukunin kita at gawin kitang tagalinis ng bahay." "Hay, ang tayog ng pangarap mo, Lhorain kasing tayog ng building na to." Umiling siya at tinalikuran ako at kumuha na ng mop para maglinis ulit. Sinundan ko siya, "Gagawin ko ang lahat mapansin niya lang ako! Maniwala ka! Pustahan pa na kapag pinansin niya ako bigay ka ng 1k sa akin!" "Ewan ko sayo. Maglinis ka na. Ang landi mong babae ka." Inirapan ko si Jaime. "Luh, kala ko naman na walang crush kay James ikaw binabaye ka!" Nilagpasan ko siya, Nakita ko ang paglaglag ng panga ni Jaime at natigil sa paglinis. "Kala mo matatago mo 'yan sa akin ah! Alam ko! Nakikita kong nagseselos ka kapag kinakausap ako ni James!" Ngumuso siya at nagpapadyak. Hindi naman lantad si Jaime kaya hindi mo iisiping lalaki rin ang gusto. Kung hindi mo lang siyang pagmasdan at panoorin ang mga galaw niya hindi mo iisiping gwapo rin ang gusto. Kabado akong sumakay sa elevator at pinindot ang last floor kung saan ang opisina ni Sir Hugo. Kinakabahan ako at the same time excited rin. Hindi pa naman alas diyes ng gabi pero tumulak na ako papunta sa opisina niya, aagahan ko na lang sa paglilinis para maaga ako makauwi para hindi ako malock sa labas. Tumunog ang elevator hudyat na nasa tamag palapag na ako. Ma isang mesa akong nakita at swivel chair, subrang linis ng mesa sa labas wala man lang mga papel na nagkalat. So, totoo ang sinabi ni lola na walang secretary si Sir Hugo dahil hindi na ito nakapagtrabaho dahil panay ang landi. Baka masesante din ako nito. Tumikhim ako at pumunta sa mesa at pinagmasdan ito. Well, hindi naman siguro ako masesante no? Baka hindi lang talaga sila marunong lumandi kaya nasesante ni Sir? Malawak ang espasyo sa labas may mga sofa at mesa para sa mga bisitang maghihintay kay Sir. May mga halaman din si mga kanto ng opisina. Parang ang buong floor na to ay opisina lang ng CEO. Wow! Baka meron siyang kwarto dito kaya malaki ang opisina. May nakita akong intercom na sinasabi ni lola, lumapit ako doon at tumikhim. Huminga ako ng malalim. Kaya mo 'yan Lhorain! Fighting! Pinindot ko ang intercom. "Uh, good morning—ay este good evening Sir!" Yati! Pagbati lang nagkamali pa?!! "Uh, S-sir ako p-po 'yung naka assign dito para maglinis ng opisina mo...uh, inagahan ko lang po kasi baka malock ako sa bedspace na tinitirhan ko. Hanggang alas nueve lang po ako." Hinintay kong sasagot si Sir sa kabila pero dumaan ang ilang segundo walang salita. "Sir? Yoohoo! Are you there?! Are you there over the bakod?!! Sir maglilinis na po ako! Sir!" Sumigaw na ako sa intercom. Pinindot ko ito ng paulit ulit dahil baka nagkamali ako. Pero isa lang naman ang botton eh, imposibleng mali napindot ko. "Hello, Sir?!! Bungi ka ba?!!" Dinikit ko ang tenga ko sa intercom, baka naka silent to kaya hindi ko narinig. Tinapik tapik ko ang intercom. "Sir?!! Yoohoo! Sir?!! Bingi ata tong intercom niyo Sir! Hindi ako naririnig ng intercom mo!" "What are you doing, Miss?" "Ay! Bilat sa kabaw!" Napatalon ako sa gulat. Sapo ko ang dibdib ko at lumingon sa likod. Doble ang pagbilis ng pagtibok ng puso ko ng makita si Sir Hugo na naka upo sa swivel chair para sa secretarya niya, nakataas ang kilay nito. "Sir!!" Humarap ako sa kanya at tinaas ang gamit na panglinis. "Maglilinis po sana ako ng opisina niyo, sabi po kasi ng head namin na humingi daw muna ng permesyo sayo sa intercom lang daw magsasalita. Pero kanina pa ako dito sa intercom mo Sir, bingi ata eh palitan mo na." Napatakip ako sa bibig ko dahil sa sunod sunod kong sinabi. Walang preno. Umiwas ako ng tingin ng tumayo si Sir at dahan dahang humakbang palapit sa akin. Hindi ako makagalaw sa kinatatayuan ko, kinakabahan dahil sa paglapit ni Sir. Sheyt! Ito na ba 'yun?!! Nag start na ba ang operation landiin ang CEO?! Gosh! I'm not ready! Ako dapat ang lalapit hindi si Sir!! "S-sir..." Mahina kong tawag nang palapit na siya. "Sir, napaka speed niyo naman po. Hindi pa po ako ready, pero kung gusto mo ngayon na, why not 'di ba? Pero Sir dahan dahan lang ha? Virgin—" "Unahin mong linisan dito, hindi makalat ang loob ng opisina ko. Pagkatapos mong maglinis dito pwede ka ng umuwi." Binuksan niya ang pintuan at walang lingon lingon na pumasok sa opisina niya. Nalaglag ang panga ko at napatitig sa pintuan na malapit lang sa intercom. Matagal bago ako naka recover, kusang bumagsak ang katawan ko sa sahig at nagpaggulong gulog ako doon hindi alintana na madumi ang tiles, pero gusto ko lang gumulong dahil sa mga kahihiyan na sinabi ko!! Arghhhh!!! Sinabi ko pa talaga na virgin ako!!! Ahhhh!! Mama!! Nakakahiya! Ano ba 'yang iniisip ko?!! Sheyt!! Parang gusto ko maging tubol at maflush sa anidoro dahil sa kahihiyan!
Free reading for new users
Scan code to download app
Facebookexpand_more
  • author-avatar
    Writer
  • chap_listContents
  • likeADD