TWO

2651 Words
Parang may insperasyon na akong pumasok ng trabaho dahil sa nakita ko kahapon. Para siyang anghel na bumaba sa lupa para yanigin ang buhay ko! "Unang kita ko pa lang sa kanya alam kong siya na 'yun" parang gunun! Akala ko matanda na ang CEO ng kompanya na 'yun pero isa 'yung malaking pagkakamali. Ang gwapo at maskulado ng CEO! Sinong hindi magkakandarapa sa lalaking 'yun? Awra pa lang niya mahuhulog ka na dahil para siya 'yung character sa isang mystery novel na mahirap intindihin. Isa siyang misteryoso mas lalo pa akong naging interesado. "Ang aga mo ah." Ngumiti ako kay Yssa ng nakasalubong ko siya, isa siya sa mga ka bedspace ko mas nauna lang siya sa akin. "Trabaho eh," sagot ko at dumiretso sa kusina para bumili ng pagkain kay Aling Tarsing dahil wala na akong oras na magluto para sa sarili ko. "Oh, Lhorain anong sayo?" Tanong ni Aling Tarsing ng makita ako "Bihon na lang po," umupo ako sa silya at nagsimula ng kumain kasama ang mga ka bedspace ko dito. Babae kaming lahat dito, bawal ang mga lalaki dito kahit pa boyfriend mo pa siya. Isa iyon sa pinagbabawal ni Aling Tarsing na bawal magpapasok ng lalaki. "Mauna na po ako." Paalam ko. Tumunog ang cellphone ko at agad ko itong sinagot. "tita Cynthia." "Pupuntahan kita mamaya sa floor mo ha, mamaya pa kasing hapon ang trabaho ko." "Ayus lang po." Pumara ako ng taxi at nagpahatid sa Lardizabal Building. Hanggang ngayon manghang mangha pa rin ako sa building na to. Isa ito sa pinakamalaking building sa manila. May nabasa rin ako sa google kagabi na kabilang ang Lardizabal sa mayayamang pamilya dito sa pilipinas. Imagine kapag napangasawa ko ang CEO ng kompanya na 'yun hindi na ako magtatrabaho. Hindi na maghihirap ang pamilya ko, tapos dadalhin ko ang magulang ko dito sa manila para dito na kami manirahan, para hindi na rin mapapagod ang mga magulang ko. Suot ang uniform ng kompanya pinakita ko sa guard ang id ko at pumasok na sa loob. Gaya ng kahapon pinagtitignan pa rin ako ng mga tao sa loob, may nagtataasan ng kilay at meron ding umiirap. May mga lalaking ngumingisi iba't ibang mga reaksyon. Hindi ko sila pinansin, pumasok na ako sa elevator at pinindot ang 14th floor kong saan ako na assign. Pagdating ko sa floor ay nandoon na si Jaime nakaupo lang. "Uy! Ang aga ah!" Biro ko sa kanya. "Ang dami kasi ng lilinisin natin, Lhorain." Umiiling siya parang dismayado. Kumunot ang noo ko, " 'Diba bago tayo umalis kahapon ay sinigurado nating malinis ang lahat? Dapat ngayon ay hindi ganoon ka dumi ang lilinisin natin!" Reklamo ko ng pumunta kami sa banyo, ang lalaki pa naman ng banyo dito tapos ganito ka dumi. Mga putik lang naman ang nagkalat sa banyo, pati sa dingding meron din, nagkalat ang mga basura sa tiles. "Sinadya talaga to eh, kasi noon hindi naman ganito ka dumi." Umiling si Jaime at lumabas ng banyo para kumuha ng panlinis, sumunod ako sa kanya. "Sinadya? Bakit naman nila sasadyain na dumihan ang banyo?" Tanong ko at kumuha na rin ng panlinis. "Alam mo may narinig ako kanina," lumapit si Jaime sa akin para ibulong ang sasabihin niya. "May nagalit sayo..." Nagulat ako sa sinabi ni Jaime. "Ha?! Bakit naman sila magagalit sa akin? Wala naman akong ginawa." "Baka nagalit sila sa ginawa mo kahapon." Ngayon naagaw na ni Jaime ang atensyon ko. "Kahapon?" Inaalala ko kong ano ang ginawa ko kahapon kung bakit sila nagagalit sa akin. Kailangan pa talagang sadyain na dumihan ang banyo, para ano? Para mahirapan kami? Ang bobo lang nila! Janitress at janitor kami! Sanay na sa mga marurumi! Napakurap ako ng ilang beses at tumitig ng mariin sa lalaking nakatayo sa entrance ng canteen. Una ring nag-iwas ng tingin dahil hindi ko na kinaya ang mga titig niya parang tagos sa kaluluwa. Tahimik ang lahat ng dumaan siya sa gitna lahat nakayuko walang mapagpangahas na gumawa ng ingay. Para talaga siyang makapangyahiran sa oras na mag-ingay ka ay mamamatay ka. Gosh! Ito na ata ang sinasabi ng tadhana sa akin! Ito na ata ang sign na yayaman na rin ako! Bigla na lang gumalaw ang mga paa ko, gusto ko mang tumigil pero hindi ko magawa dahil parang may sarili itong isip. Papalapit na sa CEO ng kompanya, gusto pa sana akong hilain ni Jaime palayo pero hindi niya nagawa dahil bumaling sa akin ang CEO. May mga matang nakamasid sa akin at gulat sa inasta ko. "Good afternoon, Sir!" Maligaya kong bati sa kanya. Tinitigan niya lang ako. Nilagay ko sa likod ng tenga ko ang ibang hibla ng buhok na napunta sa mukha ko. "Uh, I'm Lhorain Mariano...uhm...bago lang po ako dito at tsaka ang gwapo mo po hehe." Naging awkward ang tawa ko ng hindi man lang siya ngumiti o gumalaw sa kinatatayuan niya. "Uh! Hehe Sir, single ako single ka rin baka pwedeng tayo?" Nagtaas baba ang kilay ko at nanunuyang ngumiti sa kanya. Tumaas ang kilay niya at kumunot ang noo. Kinabahan kaagad ako dahil parang may itim na awrang pumapalibot sa kanya. Bago pa ako makapagsalita ay hinila na ako ni Jaime doon palayo, humingi pa siya ng tawad kay Sir bago ako hinila palayo. Umiling na lang ako at nagsimula na sa paglilinis. "'Yun lang ang ikinagalit nila?" "Anong 'yun lang? Maraming nagkagusto kay Sir Hugo- "Hugo pangalan niya? May f*******: ba siya?" Pagputol ko sa sinabi ni Jaime, nasapo na lang ni Jaime ang noo niya at umiling. "Nagkagusto ka na rin kay Sir Hugo?" Tumigil ako sa paglinis para harapin si Jaime na nasa kabilang banyo. "Sinong hindi magkakagusto sa kanya Jaime? Ang gwapo niya! Tsaka gusto ko 'yung mga lalaking katulad niya na minsan lang nagpapakita ng emosyon. Gusto ko 'yung lalaking misteryoso." Humarap siya sa akin, "tama nga ako, nakita kita kahapon na titig na titig kay Sir Hugo napaisip na ako na baka gusto ko si Sir." "Basta! Gusto ko siya! Kaya kong magpapansin sa kanya kahit sabihan nila akong malandi basta mapansin lang niya ako!" Nagpatuloy ako sa paglilinis. Kahit lalaki si Jaime at kami lang dalawa dito sa banyo hindi ako nakaramdam ng takot, kasi may iba rin akong nakikita sa kanya hindi lang ako sigurado. Saan ko kaya makikita si Sir Hugo? Nasaan kaya ang opisina niya? May f*******: kaya siya? Para kasing malabo na makita ko siya dito ulit sa 14th floor. I message ko kaya siya sa f*******:? Try kong iresearch mamaya ang pangalan niya. Natapos na kami sa isang bathroom lumipat kami para sa mga lalaki na banyo. Hindi naman ganun ka dumi ang boys room, mas madumi pa ang sa babae. "Lhorain!" Napalingon ako kay James, kasalukuyan kasi kaming nagpapahinga dahil natapos na rin namin ang dalawang banyo. "Ito oh, binilhan na kita ng juice sa canteen alam kong pagod ka sa trabaho mo." Sabay bigay sa akin ng orange juice. "Ha? Wag na ayus lang ako no, hindi ko na kailangang bilhan pa ako ng juice." Ngumiti ako sa kanya pero hinawakan niya ang kamay ko at pilit na pinahawak sa akin ng juice. "Sige na tanggapin mo na. Hindi naman 'yan mahal eh." "Alam mo ayus lang talaga pero dahil mapilit ka tatanggapin ko na lang to," napangiti siya ng buksan ko ang juice at ininom ito. "Baka gusto mong araw arawin to James? Hindi na ako tatanggi next time." Natawa si Jaime sa sinabi ko at nailing na langa sa tabi. "Alam mo bang usap usapan ka sa mga katrabaho ko?" Bumaling ako kat James na nakuha ang buong atensyon ko. "Wow! Hindi ko alam na ganun pala ako kasikat dito no?" Lumapit pa lalo si James sa akin para bumulong, ayaw niya sigurong may makakarinig sa sasabihin niya. "Ang landi mo raw-" "HAHAH! Bwisit wala na ba silang ibang itawag sa akin? Sus! Sanay na ako sa bansag na 'yan!" Kahit sa Surigao tinatawag din akong ganyan. Malandi daw ako at mang-aagaw ng boyfriend. Aba! Malay ko bang mas maganda pa ako sa kanila kaya nagustuhan ako ng mga boyfriend nila. Na narealize nilang mas maganda pa ako kesa sa kanila. "Mas dudumihan pa raw nila ang banyo kapag lumandi ka pa daw kay Sir-" pinutol ko ang sasabihin ni James. "Hindi pa nga ako nagsisimulang magpapansin kay Hugo eh ganyan na sila maka asta bakit? Girlfriend ba sila?" Mabilis akong sinuway ni Jaime, luminga linga siya sa paligid. "Mag Sir ka uy! CEO 'yun ng kompanya, kapag may nakarinig sayo na tinawag mo lang siya sa pangalan niya baka kakalat kaagad 'yun at baka makararating ito kay Sir at masisante ka!" Mahabang sita sa akin ni Jaime na mas kinakabahan kesa sa akin. "May gusto ka kay Sir Hugo?" Gulantang na tanong ni James, "oo bakit?" Sinapo niya ang puso niya at umaktong nasasaktan siya. "Ouch! Bakit harapan mong sinabi sa akin? Alam mo bang nasasaktan ako dahil may iba ka palang gusto?" Pag iinarte niya, ngumiwi lang ako. "Eh kasi harap harapan mo rin akong tinanong alangan naman patalikod akong sasagod eh back stabbing 'yun." Napanganga na lang silang dalawa sa sinabi ko. Natawa ako sa reaksyon ni James. "Grabe ka, Lhorain! Crush pa naman kita tapos wala ka palang puso para sa akin!" Inilingan ko si James na patuloy pa rin sa pag-aarte "Ano ako robot walang puso?" "Baam! Shupi ka na James wala kang pag-asa kay Lhorain!" Pagtataboy ni Jaime kay James, sinamaan ni James ng tingin si Jaime "Lhorian-" "Sige na maglilinis pa kami baka masesante ka dahil daldal ka ng daldal dito tapos kay trabaho ka pang iniwan." Napakamut siya sa ulo niya at wala ng nagawa kundi ang umalis. Kumaway ako sa kanya at tumayo na para sa sunod naming lilinisin. "Sigurado ka talagang lalandiin mo si Sir Hugo?" Kuryusong tanong ni Jaime. Tumango ako, "yes! Magpapansin ako hanggang sa pansinin niya ako!" Umiling na lang siya dahil sa kabaliwan ko dahil pursigido akong landiin ang CEO ng kompanya! CEO ha! Baka mahihirapan ako nito. "So, nandito pala ang mandi." Nag-angat ako ng tingin aa dalawang babaeng huminto sa harap namin. "Sa tingin mo papansinin ka ni Sir Hugo? Isa ka lang janitress! Hindi ka papasa sa standard ni Sir! Cheap ka kasi!" Tumawa sila dalawa. Lumapit si Jaime sa akin at tinago sa likod niya. "Oh! Jaime right?" Turo ng babaeng kumausap sa akin kanina. "Bagay kayong dalawa pareho kayong cheap! HAHAHA!" Nagtawanan silang parang may nakakatawa sa sinabi niya. "Bakit ka magpapansin kay Sir Hugo? Eh, may janitor ka na pala dito eh! Sinayang mo lang ang oras mo babae, kong ako sayo wag ko ng ituloy ang binabalak mo na paglalandi kay Sir baka hindi mo magugustuhan ang mangyari sayo." Hinawi nito ang buhok niya bago naglakad palayo habang tumatawa silang dalawa ng kasama niya. "May gusto din ba ang mga 'yun kay Hugo-" "SIR HUGO, Lhorain." Pagtatama ni Jaime sa akin. "May gusto ba ang mga 'yun kay Sir Hugo?" Inemphasize ko pa ang "Sir Hugo" "Halata naman. Matagal na rin silang nagpapansin kay Sir pero wala." Sumunod ako kay Jaime at sumabay sa kanya sa paglalakad. "Anong nangyari? Tumigil ba sila?" Tanong ko, tumango si Jaime at pumasok ulit ng banyo. Napanganga ako sa nakita ko sa loob, kakalinis lang namin sa banyo pero madumi na ulit ito ngayon, kung saan saan na ang putik nakarating. "Hindi sila nagwagi na mapansin ni Sir kasi may fiancé din itong napaka maldita. Nalaman niya lang na may umaaligid kay Sir Hugo pinapatanggal niya sa trabaho." Naglinis ulit kami sa banyo, tudo brush kami ng tiles kasi dikit na dikit ang putik sa tiles. Paano kayo nila nadala ang putik dito sa 14th floor? "May fiancé siya?" "Oo, pero sa pagkaka alam ko matagal nang tinigil ang planong pagpapakasal ng dalawa." Mas lalo tuloy akong ginaganahan na makinig sa kwento ni Jaime. Matagal na siguro siya dito nagtatrabaho dahil alam na alam niya ang mga balita sa kompanyang ito. Alas otso na ng gabi peri hindi pa rin kami nakauwi ni Jaime dahil paulit ulit lang kaming naglinis ng banyo dahil sa tuwing malinis na ang banyo, nadudumihan ulit ito. Kaya napag desisyonan na lang namin ni Jaime na maghinatay kami hanggang sa umiwi na sila para doon na kami maglinis. Humikab ako na nagpatuloy sa paglinis. Inaantok na ako, gusto ko ng umiwi. "Tara na, Lhorain..." Tumango ako kay Jaime at nauna ng pumasok sa elevator. "Kapagod!" Reklamo ko at hinilot ang balikat ko tsaka ang mga braso ko na sumakit na kakamop ng tiles. "Kapag bukas ganun pa rin ang madatnan natin, sa gabi na lang tayo maglilinis." Sumang-ayon ako sa sinabi ni Jaime dahil kahit ako naiinis na sa mga pinaggagawa ng mga babaeng 'yun. Para silang mga high school student kong umasta. Ang mga gawain kasi na ganun ay mga high school student na may binubully sa school. Nauna ng nakasakay si Jaime ng taxi, iba kasi ang direksyon na pupuntahan namin. Humikab ulit ako at papara sana ng taxi pero nakita ko si Sir Hugo na palabas ng elevator. Ang lalaki ng hakbang niya ang kanyang coat ay nakasabit sa kanyang balikat habang ang kanyang itim na polo ay nakabukas ang tatlong botones at maluwag ang kanyang neck tie. Sheyt! Ang gwapo mo Sir! Sino hindi magkakagusto sa lalaking ganito? Manhid lang ang hindi magkakagusto sa isang Hugo Lardizabal. Bago pa maka layo si Sir kay tumakbo na ako para sundan siya sa basement parking ng kompanya, kailangan ko pa talagang tumakbo ng mabilis para maabotan ko siya. "Sir!" Sigaw ko, nakita kong tumagilid ang ulo niya parang tinignan niya ako mula sa gilid pero binalik ulit niya ang tingin sa harap at nagpatuloy pa rin sa paghakbang. Hakbang lang sa kanya pero takbo na sa akin. "Sir! Wait lang! Wag ka pong lumayo hindi po nangangagat! Promise!" Patuloy kong sigaw ng malapit na sa kotse niya. Mas lalo pa akong tumakbo ng mabilis para maabutan siya. "Sir!" Sa wakas nakarating na rin ako sa kanya, huminto siya sa at nilingon ako na ganun pa rin ang emosyon sa mukha. Madilim niya akong tinignan. Ang mga mata lang niya ang nakagawa sa akin ng ganito, ang panginigin ang mga tuhod sa mga titig niya. Bakit ganyan ka makatitig?! Jusko! Kailangan ko pa talagang hawakan ang panty ko baka wala sa oras na malaglag to. "S-sir," hiningal kong tawag ulit sa kanya, tinukod ko ang kamay ko sa tuhod ko at hinabol ang hininga. "Sir, hi!" Muntik na akong matawa sa sinabi ko. Sinapo ko ang noo ko at tumuwid. "Anong floor po ang opisina niyo?" 'Yun na lang ang natanong ko dahil sa kaba. "Ah! Hehe, may naglilinis po ba ng opisina niyo? Sa floor niyo? Meron po ba?" Kumurap kurap ako dahil parang walang balak na magsalita si Sir. "May f*******: ka po ba Sir?" Tanong ko ulit. "You know Miss," halos mapunit na ang labi ko dahil sa laki ng ngiti ko dahil sa wakas! Narinig ko na ang baritoni niyang boses! "Po?" Parang baliw kong tanong, pangiti ngiti parang nanalo ng lotto. What the pacck! Nagsalita siya! Hindi niya ako inisnob! Pakiramdam ko may pag-asa ako sa kanya. Hindi naman sa assuming ako pero pakiramdam ko lang talaga. "I can fired you now." Malamig niyang sabi na nagpalamig din ng buo kong katawan. "P-po? Hehe! Ito naman si Sir! Char char lang! Ano ka ba HAHA!" Awkward kong tawa. Dahil sanay na akong mananapak kapag natatawa nasapak ko sa braso si na bagay na pinagsisihan ko. Kung nakakamtay lang ang titig niya baka pinaglamayan na ako ngayon dahil sa matatalim na titig ni Sir. "Ah! HAHHA! Char lang Sir! Pwede na po kayong umalis! HAHA!" Tinalikuran niya ako at pumasok na siya ng kotse niya, tumabi ako para makadaan siya. "Keep safe po! Godbless! More blessing to come po!" Sigaw ko bago siya makalayo.
Free reading for new users
Scan code to download app
Facebookexpand_more
  • author-avatar
    Writer
  • chap_listContents
  • likeADD