ONE

2657 Words
Malamig na hangin ang yumakap sa akin. Tanaw ang abalang manila mula sa bed space na tiniterhan ko ngayon. Pangalawang araw ko na dito sa manila, lumuwas para magtrabaho. Kinuha ako ng kakilala ni Mama, classmate niya noon sa college. Hindi man ganoon ka ganda ang trabaho ko pero ayus na ako roon para may maibigay ako kila mama at papa. Naalala ko pa nga kung gaano ka gusto ni mama na magtrabaho na ako para makatulong ako sa kanila, pero noong umalis na ako para pumuntang manila hindi siya matigil sa pag-iyak. "Mag-ingat ka doon, Lhorain!" Pagpapaalala ni Mama sa akin pang-ilang beses na. "Opo. Tsaka ba't ka po umiiyak? 'Di ba matagal mo ng gusto akong makatrabaho para matulongan ko kayo?" Tinampal ni Papa ang balikat ko ng mahina tsaka nginusuan si Mama. "Ganyan talaga 'yang mama mo, Rain. Naalala ko panga noong panahon na tudo tanggi siya na hindi niya raw ako gusto pero siya pa itong nangligaw sa akin—" mabilis na sinapak ni mama si papa. "Manahimik ka, Tasio!" Sigaw ni mama na tinawanan lang ni papa. "Manahimik ka rin, Leticia!" Umirap si mama at mas lalo pang sinapak si papa na tawa nf tawa. "Tasio Mariano!" Pagbabanta ni mama pero hindi natinag si papa, "ano 'yun Leticia Marites Mariano?" Napangiti ako sa panunuya ni papa kay mama dahil kahit iniinis niya si mama may halo pa rin itong kasweetan. Ma mimiss ko talaga ang mga magulang ko, ngayon pa lang. Parang hindi ko na gustong umalis at dito na lang mananatili sa surigao pero kahit saan ako maghanap ng trabaho dito hindi naman 'yun sapat. "Kailan ka babalik, Lhorain?" Tanong ng kapitbahay namin. "Hindi ako babalik dito hanggat hindi ako yayaman!" Biro ko, natawa naman sila, "dapat lang! Dapat maghahanap ka ng boyprend doon na mayaman!" Umiling na lang ako at ngumiti sa kanila, hinatid ako nila mama at papa sa airport. Hindi mapigil sa pag-iyak si mama noong pasakay na ako ng eroplano. Natawa na lang si Tita Cynthia na nag-alok sa akin ng trabaho sa manila siya rin ang kaibigan s***h classmate ni mama noong college. Na miss ko na sila... Ang lungkot pala kapaf hindi mo nakasama ang magilang mo. Lalo na't nasanay ka na na nakikita mo sila araw araw. Sa paggising ko ang sermon ni mama ang bubungad sa akin tapos ang ka sweetan naman ni papa ang bubungad sa umaga ko. Nakakamiss lang, ang tahimik ng condo ko, parang gusto ko ng umuwi sa surigao at doon na lang magtrabaho kahit hindi sapat ang sahod. Pero bago pa ako makapag desisyon na umuwi ng surigao tumunog ang cellphone ko. "Lhorian!" Sigaw ni tita Cynthia "Magandang umaga po. Ano po 'yun?" Bati ko sa kanya "Guess what?" Excited niyang sabi, "Hmm?" Hinihintay ko ang sasabihin niya at sana good news ito at hindi bad news. "Pwede ka ng magsimula ngayon sa pagtatrabaho! Umalis kasi ang isa dahil nabuntis! Talandi kasi! Kaya ayun umuwi sa kanilang probinsya at dahil umalis siya sinabi ko sa head namin na ikaw ang ipalit! At pwede ka ng pumasok ngayon!" Napatayo ako sa gulat at saya, " talaga po?" "Yes! Yes! Yes! Kaya mag ayus ka na at ipapasundo kita d'yan kina aling Tarsing!" "Po?! Wag na! Kaya ko pong pumunta mag-isa d'yan..." Halos patakbo akong pumunta sa banyo para maligo. "Saan nga po 'yun?" Tanong ko dahil nakalimutan ko kong anong pangalan ng kompanyang pagtatrabahuan ko. "Hay naku! Lardizabal Engeneering & Architect inc.!" Tumango ako kahit hindi naman ako kita ni tita Cynthia. "Sige po. Pupunta na po ako." Tinapos na namin ni tita ang pag-uusap para makaligo na ako. Pagkababa ko ng hagdanan pumunta ako ng kusina kong nasaan si aling Tarsing. "Ah, aling Tarsing...may trabaho po ako ngayon kaya mamaya na po ako maka-uwi..." Humarap siya sa akin. "Kumain ka na ba? May tinda ako dito baka gusto mo?" Umiling ako "busog pa naman po ako." Sumingkit nag mata niya kalaunan ay tumango na rin. "Hanggang alas diyes ka lang sa gabi, Lhorain. I-la-lock ko na ang bahay ng mga alas diyes pasado kaya dapat alas diyes pa lang nandito ka na para hindi ka malock." Mahaba niyang sabi, tumango lang ako at nagpaalam na sa kanya. Nag-abang ako ng taxi sa labas para mabilis lang makarating sa kompanya, baka kasi malate ako unang araw ko pa naman ngayon. "Kuya sa Lardizabal building nga po—" "Alin sa mga Lardizabal hija?" Napabaling ako sa driver, "po?" "Dalawa ang building ng mga Lardizabal dito sa manila, tinatanong ko kung saan ka sa dalawa pupunta." "Uh— Sa Lardizabal Engineering & Architect inc. po" "Ah! Anong gagawin ko sa kilalang kompanya na 'yun hija?" Tanong ng driver habang nasa gitna kami ng traffic. "Uh, magtatrabaho po—" "Buti na kuha ka no? Kasi ang anak ko kasi na babae hindi nakuha noong nag apply siya doon. Matataas ang kinukuha nila eh." Ngumiwi ako sa driver, "ah, janitress po ang trabaho ko doon eh, hindi po sa opisina." Tumango lang ang driver saka niliko ang sasakyan, ilang minuto pa ay nasa harap ako sa isang matayug na building at may malaki itong logo. Nagbayad ako kay manong bago lumapit sa guard at pinakita ang id para makapasok. Hindi pa ako natapos sa pagkamangha sa labas ng building mas lalo pa akong namangha sa nakita sa loob. Ang mga busy'ng tao. Gosh! Hindi ko naisip na ganito pala ka yaman ang pagtatrabahuan ko! Siguro kahit hindi na pumuntang opisina ang may-ari kumikita pa rin ito kahit nakaupo lang. Like wah! Tangina! Ang yaman! Kung byodo ang CEO ng kompanyang ito lalandiin ko talaga para lang yumaman ako! Gagawin ko talaga siyang sugar daddy! "Lhorain! Bakit ngayon ka lang?" Bumaling ako sa tumawag sa akin. Nag mamadaling lumapit si tita Cynthia sa akin at mabilis akong hinila. "Hay naku! Ba't ang tagal mo?" Napakamut ako ng ulo, " traffic po eh." "Hala siya sige! Magbihis ka na! Tapos pumunta ka sa fifth floor nandoon ang opisina ng head natin. Kakausapin ka pa raw niya bago ka tuluyang matanggap!" "Lumiko ka sa kanan tapos sa kaliwa ulit tapos umakyat ka ng hagdan tapos kaliwa ulit tapos kanan tapos may makikita ka d'yang pintuan na malapit sa mga banyo doon na ang opisina ng head! Bilisan mo! Matanda na 'yun tapos strikta!" Sinunod ko ang sinabi ni tita sa akin sumakay akong elevator at pinindot ang fifth floor. Gaya ng sinabi niya lumiko ako sa kanan tapos kumaliwa, may napapatingin pa sa akin nahihiwagaan kong sino ako bago lang sa paningin nila. Hindi na dapat sila magugulat dahil kapag natanggap ako araw araw na nilang makikita ang kagandahan ko. Umakyat ako ng hagdan tapos kumaliwa at kumanan. Litse! Ang layo naman ng opisina ng head na to! Sino bang hindi tatanda nito ng maagad na i-stress ka na sa pag-akyat pa lang papunta dito sa opisina. Kumatok ako ng tatlong beses bago pumasok, bumunga sa akin ang isang matandang babae na may binabasa na papel may suot na itong salamin. "Ikaw ba si Lhorain Mariano?" Tumango tango ako sa kanya at lumapit. "Tanggap ka na." Ganun lang? Walang interview? Ganun ka dali?! Wow! What the packkk! Sana pala matagal na akong nag apply dito baka maaga ko ring makilala 'yung matandang CEO edi maaga ko rin sana siyang nalandi. "Maraming salamat po—" "Sino ka ba?" Natigilan ako sa tanong ng head. Nakatingin ito sa akin at sumingkit ang mga mata niya. "Ah, Lhorain Mariano po—" "Ah! Lhorain! Ikaw ba 'yung anak ni Felipe?!" Kumurap kurap ako "po? Ha-ha-ha! Nakakatawa ka lola! Matanda ka na nga! Ha ha ha! Baka gusto mong magpangha muna lola stress ka na po!" Napaka awkward ng tawa ko. Sino si Felipe? Ex ni lola? Jusko! Mario Tasio pangalan mg tatay ko! "Tama ka nga hija, dapat magpahinga na ako—" "Panghabang buhay po?" Mabilis kong sinapo ang bibig ko dahil sa pagkawala ng preno! Litsi! What the pacckk! Sheyt! Sana hindi ako kasesante nito hindi pa nga nagsisimula. "Ah, hehe lola...saan po bang floor ang lilinisan ko?" Bumalik ang tingin ni Lola sa akin. "Ah! Sa pang labing apat ka na palapag maglilinis. May kasama ka doon si Jaime kayong dalawa ang naatasang maglinis sa buong 14th floor." Tumango ako. Wala ng pagpipilian. Ang layo naman ng lilinisan ko! Pero wala akong karapatang magreklamo. "Uh, lola saan po ang opisina ng CEO?" tanong ko, sumingkit ang mata ni lola, umayos ako mula sa pagkatayo at tumikhim at umiyas ng tingin. "Sa panghuling palapag, bakit?" Balik na tanong ni lola, umiling ako at ngumiti. Nasa 14th floor ako, baka nasa 15th floor siya! O baka naman nasa 16th? Hanggang saan ba ang floor na to? Ba't ang taas ng building?! Aalis na sana ako at magpapa alam pero nagsalita na naman si Lola "Sino ka ba?" Nasapo ko na lang ang noo ko at umiling, "Lhorain po lola! Lhorain Mariano!" "Ah! Anak ka ni Edwardo no?!" Sino na naman si Edwardo na 'yan? "Lola, pahinga ka na alam kong naghihirapan ka na. Baka gusto mong panghabang buhay ka ng magpahinga—" "Ano?!" Nagulat ako sa sigaw ni lola "Ha! Ha! Ha! Sabi ko po panghabang buhay ka pong mamahalin ni Edwardo—" "Ayaw ko sa lalaking 'yun! Manloloko! Nambabae!" Bumaling ang matatalim na titig ni lola sa akin. Nagtagal ang titig niya sa akin. "Ah! Tama nga ako! Ikaw 'yung kabit ni Edwardo!" "Lola, kailangan mo na talagang magpahinga. Malala ka na po." Nginitian ko si Lola bago lumabas ng opisina niya. Himala ah, hanggang ngayon siya pa rin ang namamahala ng mga janitress at janitor ng kompanyang ito kahit bingi na siya. "Ano? Tanggap ka ba?" Lumapit si tita Cynthia sa akin. Kanina pa pala naghihintay sa akin sa labas. "Opo! Sabi ni lola sa 14th floor daw ako maglilinis." Nakahinga ng maluwag si tita Cynthia, " buti na lang. Pero gusto ko na pareho tayo ng floor na lilinisin pero 'yun na ang sabi ng head eh at wala tayong magagawa doon." Tumango at ngumiti ako kay tita Cynthia at nagpaalam sa kanya na aakyat na sa 14th floor. Ang sabi ni lola, si Jaime daw ang kasama ko sa floor na 'yun. Bago ako magsimula sa paglilinis, may binigay su Jaime sa akin na damit. Ito 'yung umiporme ng mga janitor/janitress sa Lardizabal E&A inc. Kulay abo ang t-shirt at may logo ng kompanya na malaking gintong L tapos sa baba ay ang Engineering & Architect inc. sa maliliit na titik. Tapos itim na slack ang pares. Tinali ko ang buhok ko at kumuha ng map para magsimula na. Nauan kaming maglinis ni Jaime sa banyo doon. Napangiwi ako ng makita ang loob, ang dumi. Hindi ata naturuan ng good manners at right conduct ang mga trabahante dito. "Ganito ba talaga dito, Jaime?" Ngumuwi ako ng linisin ang isang cr na may hindi na flush na tae! "Eww! Ang laki ng tae! Tinubol ang nag Cr kanina!" Reklamo ko na ikinatawa ni Jaime at umakto pa siyang naduduwal. "Masanay ka, Lhorain. Palagi akong nakakakita ng ganyan kaya nasanay na rin." Umiling ito at nagpatuloy sa paglinis. Halos pikit mata akong naglinis sa Cr na 'yun. Nakakadiri! Hindi man lang naisipang iflush ang tae na niya! "Bakit ka pala dito nagtrabaho? Sabi mo sa Surigao ka galing? Ba't ang napadpad dito?" Tanong ni Jaime ng malinis ang banyo, pumunta kami sa sunod na banyo. Buti na lang hindi ito gaanong marumi hindi katulad ng kanina. "Uh, hindi kasi sapat ang kita doon eh. Tsaka gusto kong tulungan ang pamilya ko na makaahon sa buhay." Napangiti si Jaime sa sinabi ko. "Ang ganda mo pa naman tapos janitress ka lang pala. Naging usap usapan nga ng mga lalaki kanina dito sa 14th floor ng makita ka. Ang dami kaagad nagkagusto sayo." Taas noo kong hinawi ang buhok ko, "syempre Lhorain Mariano to!" Tumawa siya at nagsimula ng maglinis, habang naglilinis kami panay naman ang kwentuhan namin kaya hindi ako nakaramdam ng pagod. Pagkatapos naming maglinis ay dumiretso kami sa canteen ng 14th floor. Ngayon ko pa lang nalaman na kada palapag ay may canteen para hindi na bababa ang mga trabahante ng Lardizabal E&A inc. "Hi!" May lumapit na isang lalaki sa amin, ngumiti siya ng malapad. "I'm James Perez and you?" Nagtaas baba ang kilay niya, kumunot ang noo ko at tinignan siya mula ulo hanggang paa. May pagkamataba si James at malaki rin ang pisnge nitong namumula. "Hi! Lhorain!" Tumikhim siya at mas lalong ngumiti, "pwede ka bang imbitahan na kumain labas?" "Pisteng igit! Ikaw tong nakalibang ug tubol no? Sig kaon!" Hindi ko na mapigilang magbisaya. Kumunot ang noo niya at bumaling ka Jaime at hindi rin ako maintindihan. "Anong sinasabi mo?" Taka niyang tanong, ngumiti ako sa kanya,"sabi ko hindi pwede kasi may trabaho ako." Parang hindi ma process sa kanyang utak ang sinabi ko kanina. Sige isipin mo pa. "Anong ibig sabihin ng pisteng igit? 'Di ba ang piste ay 'yung mga insekto na naninira ng mga palay?" Muntik na akong matawa sa sinabi niya, "ang ibig sabihin ng pisteng igit ay magandang umaga! Tapos ang tubol naman ay ang gwapo mo!" Napangiti siya sa sinabi ko na halos ikinatawa. Gagu! Uto uto! Kung hindi ko lang pinigilan ang tawa ko baka kanina pa lang ako nabuking na nagsisinungaling lang ako. "Talaga? Hindi naman ako gwapo eh," hinaplos niya ang ilong niya at kinagat ang labi. Ngumiwi ako at umiwas ng tingin, hindi kasi bagay sa kanya para kasi siyang baboy na kagat kagat ang labi pagkatapos kumain ng mga pids. "Pero...mukha ba akong tubol?" Seryoso niyang tanong, tinakpan ko ang bibig ko dahil hindi na napigilang matawa. Jusko! Tabang! "Pfft! O-oo HAHAHA pfft. Tubol ka! HAHAHA napakalaking tubol." Kumunot ang noo niya pero kalaunan ay ngumisi "Sabi ko na nga ba eh! May gusto ka rin sa akin! Natutubulan ka sa akin eh!" Hindi ko na napigilang matawa ng malakas, bwisit! HAHHA! mukha nga siyang tubol na naglalakad! Bwisit to! Pfft! HAHAHA Hindi pa rin ako matigil sa pagtawa lalo na't ang saya saya ng mukha niya habang sinasabi iyon. Sumasakit na ang tyan ko kakatawa pero hindi pa rin ako matigil, ewan ko pa pero 'yun ang pinakanakakatawang narinig ko. Jusko! Tabang! HAHHA! "Lhorain!" Napatingin ako kay Jaime ng pwersahan niya akong pinatayo, nagtaka ako sa ginawa niya lalo na nang nilibot ko ang paningin ko at lahat nang nasa canteen tahim lang walang nagsalita. "May dumaan bang anghel?" Biro ko kay Jaime at humagukhik. Natigil lang ako sa pagtawa ng hindi man lang siya tumawa sa joke ko. Bentang benta 'yun sa amin eh! Kapag tatahimik bigla tapos may magsasabing "may dumaan bang anghel?" Joke kaya 'yun pero hindi man lang sila natawa. Waley! "Good afternoon, Sir..." Sabay na bati ng lahat pagkatapos ng mahabang katahimikan. Lumingon ako sa pintuan ng canteen at nakita doon ang isang gwapo at katangkad na lalaking hindi man lang ngumiti. Tama nga may dumating ngang anghel kaya natahimik ang lahat. "Lhorain, bumati ka," bulong ni Jaime sa akin at halatang kabado. Bumaling ako sa kanya, "bakit sino ba siya?" Taka kong tanong. Muntik na akong matiris ni Jaime ng buhay dahil sa tanong ko 'yun ata ang pinaka bobong tanong na narinig niya. "Siya ang CEO at president ng kompanya—" "Ha?! Jusko maryusep! Ba't hindi mo agad sinabi?!" Mabilis akong humarap sa lalaking CEO at president daw ng kompanya. I expected na gurang na siya na nasa 60 na siya pero...sheyt! Ang gwapo! Biglang nawalan ng garter ang panty ko. "G-good afternoon...Sir." Mahina kong bati. Nagkatitigan kami. Ako ang unang umiwas ng tingin. Hindi natagalan ang pagtitig sa kanya. Nakakatakot. Nanginginig ang mga tuhod ko parang anong oras na lang bibigay na to. Fuck! CEO and President ng kopanyang pinagtatrabahoan ko hindi ko man lang kilala?! Tsaka ang gwapo niya! Lalandiin ko na ba?!
Free reading for new users
Scan code to download app
Facebookexpand_more
  • author-avatar
    Writer
  • chap_listContents
  • likeADD