Chapter 19

2143 Words
Chapter 19 Nagpatuloy kami sa paglalakad at mas lalo nang dumilim. Ang sinusundan lang namin sa direksyon ay si Ize dahil siya ang nagtanong-tanong tungkol dito. Hindi namin sigurado kung tama itong tinatahak namin pero ang sabi ay sa bundok raw. “Are you sure about this, Ize?” hindi na napigilang itanong ni Fate. “Hindi namin kayo pinilit na sumama dito,” inis na sabi ni Ize. “Of course, I want to help! I still care about Greg! At sabi ko sa inyo na may alam ako sa werewolves!” sabi ni Fate kaya bahagya ko siyang nilingon at nakita niya iyon kaya bahagya siyang napairap. “The guy, I mean the other werewolf, said that if I get killed, Greg will lose half of his strength. Do you know something about that?” mahina kong tanong na siyang ikinakunot ng noo niya? “What? Why you? I haven’t read anything like that from my grandfather’s book. That werewolf must be lying,” sabi ni Fate kaya napatango naman ako ng mahina bago tumingin kay Greg na nakatingin lang rin sa akin. “Nasa tuktok na tayo ng bundok pero parang naliligaw na tayo. Baka hindi na taong lobo ang nakatira dito kung hindi aswang na,” sabi ni Trew at inagaw na niyw ang tubig kay Ize. “I can see some light. Sa itaas,” sabi ni Greg kaya napatingin kaming lahat sa itaas pero wala naman. “Stars?” tanong ni Ize dahil flashlights lang talaga namin ang maliwanag dito. “Let’s just keep going. We’re here,” sabi ni Greg kaya nagpatuloy kami sa paglalakad. At halos isang oras na kaming naglalakad ay hindi pa rin namin nakita ang ilaw na sinasabi ni Greg. At halos lahat kami pagod na maliban sa kanya kaya nang hindi ko na kinaya ay napaupo na ako sa putol na punong nadaanan namin. “F*ck, this is a wrong idea. I am probably in my bed right now. This is crazy,” sambit ni Trew pero bigla kaming pinatahimik ni Greg. Natahimik kaming lahat at nagkatinginan at ilang saglit lang ay narinig namin ang alulong ng isang taong lobo. Galit na galit ang alulong niya na tila nagwawala. It’s far from us, but it covers the whole Hyndos Valle. “Malayo sa atin,” sabi ni Greg pero hindi nawala ang kaba ko. Parang pakiramdam ko ano mang sandali ay may susugod sa amin dito. “Malapit na ba tayo?” tanong ni Ize kay Greg at isang tango lang ang sinagot niya. At makalipas nga ang ilang minuto ay natanaw namin ang maliit na ilaw na nanggagaling sa maliit na bahay. “Iyan na ba?” tanong ko kay Greg ipinagkibit niya ng balikat. “We’ll know,” sabi niya at nang makalapit kami ay kaagad siyang kumatok sa pinto. Nakalimang katok si Greg pero walang nagbubukas ng pinto. Buong akala namin ay wala talaga pero sa pang-anim na katok ay bigla itong bumukas. Bumungad sa amin ang pamilyar na matanda. He looks familiar, but he seems different. Luma ngunit malinis ang damit na suot niya at wala rin siyang dumi sa mukha. He looks really neat and formal right now. “Anong ginagawa niyo dito?” tanong niya matapos kaming tingnan isa-isa at huli siyang napatitig kay Greg. “May mga itatanong lang po kami,” sabi ko kaya bumalik ang tingin niya sa mga kasama namin at doon kumunot ang noo niya. “Hindi kayo mga taong lobo. Anong ginagawa niyo dito?” tanong niya kaya napatikhim si Ize at bahagyang nagtaas ng kamay. “Moral support po,” sagot siya na kaya napangiwi ako ng bahagya. “Alam niyo bang mas ligtas na ang kabundukan ngayon kumpara sa bayan dahil bumaba na lahat ng mga taong lobo? Kung kaya’t bumalik na ako dito dahil ang banta ay nasa bayan na,” sabi niya saka nilakihan ng bahagya ang pinto para papasukin kami. The house is very small and old but it looks clean. Naging mas masikip nga lang dahil lima kaming pumasok. “Is he a werewolf, too? Can you turn me into one?” diretsong tanong ni Trew na siyang ikinangiti ng matanda. “Hindi mo alam ang sinasabi mo,” sagot nito. “We have a lot of questions,” sabi ni Greg na ikinatango ng matanda. “Naniniwala na kayo sa akin? Naniniwala na kayo na may alam ako sa mga taong lobo?” tanong nito na ikinatango namin ni Greg ng bahagya. “A werewolf named Liam said that the other wolves want me dead. Dahil kapag namatay ako ay kalahati ng lakas ni Greg ang mawawala. At gusto nilang kunin ang kapangyarihan ng alpha kay Greg,” sabi ko kaya napatitig sa amin ang matanda. “That’s a lie, right? My grandfather researched about werewolves, and I know that he had seen some in real life. Wala siyang sinulat tungkol doon,” sabi ni Fate sa inis na tono kaya napatingin rin sa kanya ang matanda. “Dahil ayon sa aking naaalala at ayon sa aking amain ay marami nang nalipatan ng kapangyarihan ng isang alpha at wala ni isang may naging kabiyak,” sabi ng matanda kaya napalunok ako. What does it mean? “Amain?” I murmured at Greg, and that’s when he held my trembling hand. “Isa akong batang pakalat-kalat sa bundok dahil namatay ang mga magulang ko sa pagmimina. Mag-isa akong nabubuhay sa ilalim ng mga puno at palipat-lipat hanggang sa narating ko ang lugar malapit sa kung saan naglalagi ang mga taong lobo. At ang pinuno nila ay may ginuntuang puso na kipkipin ako at itago sa kaalaman ng iba pa niyang kalahi. Sa kanya nanggaling lahat ng mga nalalaman ko bago siya bawian ng buhay ng isang lobo upang makuha ng kapangyarihan ng alpha mula sa kanya,” sabi ni matanda kaya napakurap ako at napahawak lalo sa kamay ni Greg. Napagtatagpi-tagpi ko na ang mga sinabi niya. “At totoong may isang babae na mamahalin ang isang pinuno ng wagas. At kapag nag-isa ang kanilang katawan ay magiging konektado ang kanilang puso ng lubusan. Kapag namatay ang kabiyak ng alpha ay mawawala sa kanya ang kalahati ng kanyang lakas na sumisimbolo sa kanyang minamahal. At ang huling alpha na mayroong nagkaroon ng kabiyak ay ilang siglo na ang nakakaraan,” dagdag niya. “Pero hindi naging alpha si Greg dahil sa pagpatay niya sa alpha. Nakita ko na siyang naging alpha bago iyon,” mahinang sabi ko at doon napatingin ang matanda kay Greg ng mariin bago marahang tumango. “Naniniwala ako dahil ilang siglo na rin ang nakakaraan nang magkaroon ng isang alpha na hindi kinailangang pumatay ng isa pang alpha para makuha ang kapangyarihan. Biyaya ng buwan at isa sa bawat isang libong taon lang ang nakakatanggap. Ang kapangyarihan ng pinagpalang alpha ay doble kumpara sa lakas ng isang ordinaryong alpha. Ngunit sa tagal ng panahon na hindi na nagkaroon ng isang pinagpalang alpha ay naging isang kwento na lang ito sa mga taong lobo ngunit ayon sa aking amain ay walang halong kasinungalingan ang lahat tungkol sa isang pinagpala at totoong pinuno ng mga taong lobo,” he said while looking at Greg. “Anong gagawin ko para matigil sila?” tanong ni Greg na ikinailing ng matanda at kaagad ko nang naintindihan ang ibig sabihin ng mahinang pag iling na iyon. Killing is the only way. “Siya ang lakas at kahinaan mo,” sabi ng matanda sabay tingin sa akin kaya napatingin kami ni Greg sa isa’t-isa. Walang nagsalita sa amin matapos iyon hanggang sa napatingin ng bahagya ang matanda sa bintana. “Malalim na ang gabi. Delikado pang bumaba kayo. Dumito na muna kayo,” sabi niya at tinuro sa amin ang maliit niyang sofa na gawa sa kawayan. “Pag kasyahin niyo na lang ang mga sarili mo sa munti kong kubo. Hindi ko kayo mabibigyan ng komportableng higaan,” sabi niya. “May alam ka bang kahinaan ng mga taong lobo?” tanong ni Greg at doon unti-unting tumango ang matanda. “Bukas ko sasabihin ang lahat-lahat,” sabi niya kaya nagkatinginan kaming lima pero si Trew ay biglang lumapit sa matanda at mayabang niya itong hinarap. “Can you turn me into one? I want to be like Gregory,” sambit ni Trew na ikinatawa ng matanda saka siya umiling ng ilang beses. “Tanging ang alpha lang ang may kakayahan na gawing taong lobo ang isang tao,” sagot nito kaya nilingon ni Trew si Greg. “Gawin niyong kumportable ang mga sarili niyo. Malalim na ang gabi at ligtas kayo dito sa loob. Walang taong lobo ang lalapit dito,” sabi niya saka na siya pumasok sa isang kwarto at naiwan kaming lima sa maliit na sana na tanging sofa na gawa sa kawayan lang ang upuan at hindi kami magkakasyang lima. “Now this is so great,” inis at sarkastiko na sambit ni Trew. “This house looks nice even though it’s small. Bakit siya naging pulubi sa bayan ng ilang taon? Are you sure that he’s telling the truth? Baka baliw lang iyon at gumagawa ng kwento?” mahinang sambit ni Ize. “We don’t know. But I don’t have any other choice now,” sabi ni Greg saka marahan na nilibot ang tingin dito sa bahay na parang nag-iisip kung paano kami makakatulog ngayon. “Kung sa ibang pagkakataon ay gugustuhin kong matulog sa labas pero hindi ngayon dahil baka bukas ay wala na akong ulo,” sabi ni Ize sabay ngiwi at tinulak si Trew para siya ang unang maupo sa maliit na sofa. “I’m really sorry,” Greg faced me. At sa pagbuntong hininga niya ay alam ko kaagad na sobra-sobra ang pagsisisi niya na hindi ko alam kung bakit kaya tininghala ko siya na may nagtatanong na ekspresyon. He sighed once again, and he closed his eyes tightly for a few seconds. “Your life is in danger because of me,” sabi niya at marahan akong niyakap at sinubsob sa dibdib niya. Alam kong delikado na ang ginagalawan namin ngayon pero ramdam na ramdam ko na safe ako. I trust him so much that all of my negative feelings were overpowered. “Do you seriously believe that old man, Greg? And this True Alpha something. We are not living in fiction,” biglang sambit ni Fate na nakahalukipkip sa gilid. She’s watching us seriously. “I told you, I don’t have any choice. I know what I’m doing, Fate,” sabi ni Greg na ikinailing ni Fate. “It is possible that the werewolf you talked was lying. Baka nililinlang ka lang nila para mapatay ka. And you’ll risk it? For what? For her?” sabi ni Fate at tinuro niya ako bigla. “Give up, Fate. It’s your fault. You left him for me,” tawa bigla ni Trew na mukhang nalilibang sa mga nakikita niya kaya sinamaan siya ng tingin ni Trew. “Let’s not talk about this. Sa labas na muna kami,” sabi ni Greg saka hinila ako palabas at doon ko naramdaman ang halik ng malamig na hangin sa balat ko. “Naiisip mo ba na baka tama si Fate?” mahinang tanong ko nang tinuro niya ang maliit na duyan sa malapit. “Alpha or not, I would really lost not just half but everything in me if something bad happens to you,” sabi niya saka niya marahang hinubad ang jacket na suot para ikumot sa amin nang mapagkasya namin ang mga sarili namin sa duyan. Ang lamig ng gabi pero nagbibigay ng kakaibang init ang katawan niya sa akin kaya hindi ko na gaanong nararamdaman iyon. “Do you regret now that you came here?” mahinang tanong niya at doon ako natawa ng bahagya. “I should be, right? Pero hindi? Walang pagsisisi,” sabi ko dahil kahit mahigit isang buwan pa lang ako rito ay ramdam ko na ang kakaibang saya na hindi naibigay sa akin ng maingay at malaking siyudad. “Please don’t. I’ll keep us safe always. Maybe they are really right, we are meant for each other, and I only meant to love you. Alpha o werewolf man ako o hindi,” mahinang bulong niya bago ko naramdaman ang marahan niyang paghalik sa noo ko. We were silent until I felt really sleepy, so I let myself drown to it. Kampantae ako sa pagtulog dahil kasama o siya kahit pa nasa labas kami ngayon. Tanging buwan lang ang ilaw at naga tuktok kami ng bundok na napapaligiran ng maraming mga punong matataas. This place is so creepy, but I am with him, so I don’t feel scared at all. I am hoping that tomorrow we’ll get the answers that we need for us to get back to our normal lives.
Free reading for new users
Scan code to download app
Facebookexpand_more
  • author-avatar
    Writer
  • chap_listContents
  • likeADD