Chapter 18

2592 Words
Chapter 18 Wala pa akong naipapakilalang lalaki kina Mommy at Daddy. I was never interested in having a boyfriend before and now they’ve seen me naked with a man inside my room. Nakakahiya na nakakaba dahil alam kong mapapagalitan ako ni Mommy at Daddy. I don't know how to explain this. Should I say that Gregory slept with me because I was afraid? But we are very naked and we are cuddling! “You think it is better if I’ll just jump off the window?” Greg asked after we fixed ourselves. Napangiwi ako sa mga sinabi niya bago ako huminga ng malalim. He sighed too, and he let out a fake laugh before he followed me. Hinila ko siya palabas at tuloy-tuloy kaming bumaba. Sa living room nakaabang si Mommy at Daddy. Napahalukipkip si Mommy na nakatayo sa likuran ni Daddy na masama kaagad ang pinukol na tingin sa amin. “You are a Monroe,” Dad stated. “Good morning, Sir. Yes, I am. I am so sorry for this very bad introduction and meeting,” Greg said, but Dad just scoffed before turning to me. “Seriously, Elara? Nakikipagbahay-bahayan ka na nang mawala kami? You slept with him first before introducing him to us as your boyfriend? Your Mom and I want to surprise you, but we are the ones who got surprised,” inis na sabi ni Daddy kasabay ng pag-iling ni Mommy sa likuran. Napayuko ako pero si Greg ay tumikhim pa kaya sabay na napabaling si Mommy at Daddy sa kanya. “Forgive me for being disrespectful Ma’am and Sir. I just want to keep your daughter safe—” “By sleeping with her? But taking her clothes off? You kept her safe through those?” sarkastiko na pagputol ni Daddy at doon mahinang natawa si Mommy at pumagitna na. “This is enough, and I hope it won’t happen again. I don’t like surprises, especially this kind of surprise,” Mom said, and she said those words while staring directly at Greg, who immediately nodded. “I’ll take note of that, Ma’am. And I love your daughter,” Greg said before slightly caressing my waist, which angers my Dad more. Hindi ko na pinansin pa ang reaksyon ni Daddy dahil mas nagulat ako sa sinabi ni Greg. He never directly told me about this, but it made my heart jump. “I don’t think I am ready for this, Elle. Baka natanggap ko pa kung pinakilala mo muna siya sa amin. But us seeing you naked with him inside your room? No,” Dad said, and I pouted a bit. “Dad, I am twenty-one,” I said, but he just rolled his eyes at me. “And I know how to count,” sabi ni Daddy sa akin saka niya kami nilampasan para umakyat siya sa taas. “Mom,” tawag ko kay Mommy pero napailing lang rin siya at sumunod rin kay Daddy sa taas kaya nahihiya akong humarap kay Greg na bigla na lang natawa. “I’m sorry,” he said before kissing my forehead. “I’m sorry. Hindi ko alam na ngayon ang uwi nila,” sabi ko saka sumubsob ako sa dibdib niya. “Their anger is valid. They’ve seen us naked on your bed, and I’ll probably get angry too if I see our daughter soon in the same situation with his boyfriend,” sabi niya kaya bahagyang napakunot ang noo ko. “I don’t know that you are already thinking about that,” sabi ko at doon siya natawa ng mahina. “Kung alam mo lang,” he whispered, and he kissed my forehead a lot of times. At sa ganoong sitwasyon ulit kami naabutan ni Daddy na bigla-bigla na lang ulit bumaba dala ang iPad niya kaya mabilis akong lumayo kay Greg. “I’ve seen the CCTV footage, Elara. Seriously?” sabi ni Daddy at pinaharap sa amin ang Ipad. I saw Greg and I kissing while he’s carrying me towards my room. Hindi lang isa kung hindi marami dahil ilang gabi kaming natutulog dito ng magkasama noong mga araw na nasa Manila sina Daddy. “Dad, you don’t need to watch that,” sabi ko pero bumuga lang siya ng hangin na parang inis na inis. “Alternate, huh? Where were you the nights that you weren’t sleeping here?” sarkastikong tanong niya na ikinasimangot ko. Sa wakas ay tinigilan na rin kami ni Daddy kalaunan pero ramdam ko pa rin ang inis sa kanya. Mom is also angry, but she’s quieter than Dad, who always has a question. We had our breakfast together with Greg, and after that, Greg went home. Parang nanibago pa ako na umalis siya nang hindi ako kasama dahil palagi kaming magkadikit nitong mga nakaraang araw pero ngayon hindi na pwede dahil umuwi na sina Mommy at Daddy. I did not see Greg the whole weekend. Sa bahay lang ako nanatili at nagbasa sa kwarto ng libro. We just called and texted each other, so when Monday came, I was so excited to go to school. “Elle, walk slowly,” suway ni Daddy nang makita niya akong nagmamadaling bumababa sa hagdanan. “I’ll be late,” rason ko kahit maaga pa naman para makatakbo lang ako papunta sa kotse ko sa labas. Nagmadali akong nagmaneho patungo sa school at kakapark ko pa lang ay kaagad kong nakita si Greg na nakasandal sa kotse niya habang kausap si Ize. Nang makita niya ako ay kaagad siyang umayos ng tayo at ngumiti ng bahagya kaya tumakbo ako patungo sa kanya. “Parang ngayon lang kayo nagkita ah?” sambit ni Ize nang kaagad akong hinalikan ni Greg ng isang beses sa mga labi. I smiled before turning to Ize who’s boredly watching us. “By the way, I asked some people about the old guy that you mentioned. Alam ko na ang bahay niya sa bundok. Puntahan natin?” tanong niya kaya nanliit ng bahagya ang mga mata ko. “Kailan?” tanong ko pero bahagyang humigpit ang hawak ni Greg sa kamay ko na parang biglang tutol siya sa tanong ko. “Hindi ka sasama,” sabi niya kaya siya ang kinunutan ko ng noo. “Sasama ako,” giit ko dahilan para mapabuntong hininga siya at tila wala nang magawa kaya naglakad na lang kami papasok sa loob ng building namin. Ize is talking about some random things, and Greg and I are just listening. Pareho kaming hindi interesado pero masyadong giliw na giliw si Ize sa pagkukwento na hindi namin magawang putulin. Dinaan nila ako sa room ko at nakita ko sa loob na naghihintay na si Ywa. I smiled at her before sitting beside her. “How’s you and Greg? You really look good together,” sabi niya kaya napangiti lang ako at tumango. “We’re good,” sabi ko at hindi na nadagdagan ang pag-uusap namin dahil dumating na ang professor namin. And before the lunch time we decided to eat outside. I texted Greg where we are, and he said he’ll just follow after his class. We chose the usual grill place. At kakaupo pa lang namin ay namataan ko ang isang pamilyar na lalaki na nakatingin sa amin. Siya ang lalaki sa labas ng kinainan namin noon nila Greg at nagsabi sa akin na amoy na amoy ko ang isang alpha. Kaagad akong naging hindi kumportable kaya napaiwas ako ng tingin. “May gwapo doon,” bulong ni Ywa at bigla niyang tinuro ang lalaking mag-isa sa gilid. Napalunok ako at mabilis akong nag-send ng message kay Greg. Me: Where are you? Naging balisa ako dahil tumayo ang lalaki palapit sa amin. “Oh my God, he’s coming near us,” impit na bulong ni Ywa at inipit niya pa ang buhok niya sa tainga niya na parang kinikilig. Bago pa tuluyang makalapit ang lalaki ay biglang sumulpot si Greg kasunod si Ize. Napahinga ako ng malalim sabay hawak ng mahigpit sa braso ni Greg. Because of Greg’s presence, the guy changed his way. Tumalikod siya bigla at bumalik sa inuupuan niya kanina. “That’s the guy I was talking about the last time,” mahinang bulong ko kay Greg nang umupo siya sa tabi ko. Marahan siyang tumango bilang sagot sa akin habang nakatingin sa lalaki hindi na napapalingon sa direksyon namin. “He’s a werewolf,” he whispered back. “May crush yata sa’yo ang lalaki, Elle. Pero naduwag nang dumating na sila,” tawa ni Ywa kaya bahagyang napakunot ang noo ni Greg dahilan para panliitan ko ng mga mata ni Ywa. “Not really surprising. Elle is pretty. I was about to court her, but Greg comes first,” dagdag asar ni Ize kaya inis rin siyang binalingan ni Greg. “That’s not really funny,” Greg murmured, and he rested his hand on my thighs. Panay ang lingon namin sa lalaki at sa tuwing lilingon kami ay lumilingon rin siya kaya huling-huli na pinagmamasdan niya kami. And after five glances, he stood up. Bigla ring napatayo si Greg pasunod sa lalaki nang maglakad siya palabas. I followed him, and Ize followed by telling Ywa that we’ll get something from the car. “Greg,” I called Greg, who already used his speed to corner the guy. “Who are you?” he asked, and the guy struggled to breathe because Greg suddenly choked him. “I’m Liam. I am not one of them. I am from the same pack, but I am different,” sabi nito habang nakatitig kay Greg na nagkukulay ginto na ang mga mata. “Who’s this guy?” biglang singit ni Ize na walang pumansin. “Why are you following us?” galit na sambit ni Greg saka ito tinulak ng malakas. “Hey, that’s enough,” abi ko dahilan para layuan niya ang lalaki na mukhang wala namang balak na masama. “Nang mamatay ang alpha ay nagkahiwa-hiwalay na kami. I don’t know where the other’s are. Pero alam ko na may mga sumusunod sa inyo para bawiin ang kapangyarihan ng isang alpha,” sabi habang nakatitig kay Greg. Napalunok ako ng mariin at nakaramdam ako ng labis na kaba nang tumingin siya sa akin bigla. “At para mapatay ang kasalukuyang alpha ay uunahin nila siya,” seryosong sabi niya habang nakatitig sa akin. Bigla akong napaatras ng isang beses at napahawak sa dibdib ko sa labis na takot. “She’s not the alpha! And I didn’t steal your alpha’s power!” mariin na sambit ni Greg saka muling sinakal ng malakas ang lalaki at tinapon kaya napaupo ito sa lupa. “She’s your other half. Your scent is all over her. Kapag mawawala siya ay mawawala halos kalahati ng lakas mo,” sabi niya at doon mabilis na lumapiit sa akin si Greg para hawakan ako. “He’s lying,” sabi niya pero hindi maalis ang tingin ko sa lalaki na nanatili lang na nakatingin sa amin. “G-Greg—” “Kasama siya ng mga sumusunod palagi sa akin. Who knows about his real intentions,” sabi ni Greg sabay pukol ng masamang tingin sa lalaking nakatayo lang malayo sa amin. “Kapag nagpakita ka pa ulit ay hindi na kita hahayaang mabuhay pa,” Greg said before he pulled me inside the restaurant again. “D*mn, I don’t know, but what he said was familiar. Parang nabasa ko na noon,” sabi ni Ize kaya napalingon ako sa kanya. “Kailangan nating puntahan ang matanda,” sabi ko at sabay silang napatango habang naglalakad kami pabalik sa lamesa namin kung saan naghihintay si Ywa na walang kaalam-alam sa mga nangyayari. I am so nervous and scared. Hindi namin sigurado kung totoo ang sinasabi ng lalaking iyon na ako ang balak nilang patayin pero natatakot pa rin ako ng sobra. Anong gagawin namin? “Stop overthinking, walang katotohanan ang mga sinabi niya,” bulong ni Greg nang mapansin niyang wala ako sa sarili. I am Greg’s other half. His scent is all over me. Mawawala ang kalahati ng lakas niya kapag nawala ako nanganganib ang buhay ko. Paano kung totoo ang lahat ng iyan? Dahil sa mga nalaman ay kaagad kaming nagplano na puntahan ang matanda pagkatapos ng klase. I texted Dad that I needed to sleep over in my friend’s house to finish a project. Ayaw pang pumayag pero sa huli ay nakumbinsi ko rin nang sinabi ko na hindi si Greg ang kasama ko. We don’t want to waste any other time. We need to know how to make those wild werewolves stop. “Are you sure? Sasama ka?” tanong ni Greg habang hinihintay namin si Ize nag-iipon ng mga flashlights at pagkain na dadalhin namin ngayon. Gagabihin kami ngayon at mas delikado pero mas mabuti nang gumalaw kami kaagad bago kami maunahan. Nasa labas pa kami ng school at kabadong-kabado ako. We’ll leave our car in Greg’s house and we’ll just use Ize’s car later. Sa bungad kami ng bundok bababa at maglalakad na lang paakyat kagaya ng sabi nila kanina. “What if he’s telling the truth?” tanong ko pero umiling siya saka namin tiningnan si Ize na kasama na si Trew na papalapit. Kita ko ang inis sa mukha ni Ize habang si Trew ay may desididong awra na hindi ko alam kung bakit. “Where are you going? Sasama ako,” sabi niya kaya nangunot ang noo ni Greg. “Hindi mo alam ang pinapasok mo, Samillano. This is not a game,” mariin na sabi ni Greg pero umiling lang si Trew. “Sasama ako. Kung saan mo man nakuha iyang kapangyarihan mo ay kukuha rin ako. I need that. I need that kind of powers,” sambit niya. “You don’t know what you’re saying,” inis na sabi ni Greg pero sumandal na si Trew sa pick up ni Ize at sabay-sabay naming nilingon si Fate na papalapit rin sa amin na may dala pang mga libro. “Are we going to hunt werewolves?” tanong niya kaya napadaing si Ize. “Umuwi na nga kayo,” inis na sabi ni Ize pero inagaw na ni Fate ang isang flashlight mula sa kanya sabay halukipkip na parang hindi magpapapigil. “If ever that those werewolves will attack us, what will I do to protect us all?” mahina ngunit puno ng inis na tanong ni Greg pero pumasok lang sila sa loob ng pick up kaya wala nang nagawa pa si Greg kung hindi tumuloy na rin sa sarili niyang kotse at iyon rin ang ginawa ko. Nang maiwan namin ang mga kotse namin ay siksikan kami sa pick up ni Ize na tumunga sa loob ng gubat. Madilim na at tanging mga cellphones at flashlights lang ang ilaw namin. Nakakatakot dahil malapit ang sapa dito at rinig na rinig namin ang ingay ng daloy ng tubig. “Where are we going?” rinig kong tanong ni Trew kay Ize na hindi naman sinagot ni Ize. “Quiet,” sabi ni Greg at bigla niyang huminto kaya napahinto kaming lahat at biglang natahimik. Narinig ko pa ang mahinang pagmumura ni Trew at hindi nakatakas sa mga mata ko ang paghawak ni Ize sa braso ko. “Anong nangyayari. I am telling you, Monroe, it’s not the right time to die,” sambit ni Trew pero lahat kami napasinghap, maliban kay Greg, dahil biglang may tumalon na pusang ligaw sa harap namin. “Putang*na!” sigaw ni Ize at sa galit niya at binato niya ng napulot niyang bato ang pusa.
Free reading for new users
Scan code to download app
Facebookexpand_more
  • author-avatar
    Writer
  • chap_listContents
  • likeADD