Chapter 14

2132 Words
Chapter 14 Naging usap-usapan ang nangyaring pagkasunong ng mga puno sa gilid ng kalsada. I was just silent, and when Ywa asked me about my opinions, I just shrugged my shoulders like I don’t really care. Pero sa loob-loob ko ay sobrang kabado na ako dahil ako mismo ay kitang-kita ko ang mga nangyari. And the peacefulness stayed for so long that I managed to forget what really happened. Ang inaalala ko na lang ngayon ay baka biglang sumulpot si Mommy at Daddy at maabutan akong kasama si Greg sa bahay. He’s been sleeping with me because he is so paranoid. Kung hindi kami sa bahay ay sa bahay naman nila kami. Mom and Dad have been out for almost a month. Hindi ko rin namalayan ang mga araw at bigla na lang bumilis matapos lahat ng nangyari. Soccer na lang ngayon ang inaalala ng mga estudyante sa University dahil nalalapit na rin ang next match at inaabangan ng lahat kung may suntukan ulit. “Mom said that they might go home any days from now,” sabi ko kay Greg matapos kong ibaba ang katatapos lang na tawag ni Mommy. “We’re doomed?” tanong niya habang kumportableng nakahiga sa kama ko. Napangiwi naman ako saka napailing rin bago tumabi na kanya. I am so afraid that I can’t sleep without him because I got used to his presence beside me. Inaayos ko ang kumot sa katawan namin nang bigla akong natigilan sa malakas na alulong. Greg and I stared at each other with our shocked faces. Mula nang mapatay ang alpha ay ngayon lang ulit kami nakarinig ng alulong. And this time, it is very obvious they are a lot. “A-akala ko—” Hindi ko magawang tapusin ang gusto kong sabihin dahil lumakas ng lumakas ang alulong na parang nagwawala sila. “That’s nothing,” sabi niya at kaagad akong hinila para mahiga ng tuluyan. Hindi tumigil ang alulong at kitang-kita ni Greg ang takot sa mukha ko kaya sadya niyang tinakpan ang dalawang tainga ko. “Greg—” “Shh, let’s sleep now,” sabi niya pero bigla akong nanigas sa takot nang parang biglang may tumalon sa bubong. Ang lakas-lakas ng tunog na parang nasira ang bubong namin. It was so creepy, and I held Greg’s arm for support. Ramdam ko ang biglang paging alerto niya habang pareho kaming nakikiramdam. “What’s happening?” nanginginig na tanong ko pero tinakpan niya bigla ng daliri niya ang bibig ko kaya natigil ako sa kakatanong. “I could smell something. I don’t know, I can’t explain it,” he murmured. Naging mas alerto siya at nang makarinig ulit kami ng paglagabog sa bubungan ay doon siya biglang bumangon mula sa kama para tumingin sa bintana. “Greg!” takot na tawag ko dahil baka biglang mabasag ang bintana at may pumasok. I don’t have super senses, but I could feel something. Parang may nagmamatyag sa amin. Ramdam na ramdam ko ang mga matang nakatingin. “Shh, it’s fine. Whoever they are, they won’t enter,” sabi niya saka bumalik sa tabi ko. I shook my head because I didn’t feel the relief right after they said those words. Mas lalo lang akong natakot dahil kinumpirma niya na may mga nasa labas. “Sinong sila?” mahinang tanong ko na marahan niyang inilingan. “Sleep now, babantayan kita,” sabi niya at pinaunan ako sa dibdib niy. Ramdam na ramdam ko ang pagiging alerto niya. Gusto ko ring makiramdam sa mga nangyayari pero bigla akong tinamaan ng antok kahit ramdam na ramdam ko na parang hindi kami ligtas. I slept on Greg's chest, and I know that he stayed awake for the whole night to make sure that we are safe. At kinabukasan ay kaagad naming nilibot ang bahay. At nanigas ako nang makita ko ang mga balahibo na makakapal na nagkalat sa gilid ng bahay kaya nakumpirma ko kung ano ang nagmamatyag sa amin kagabi. I am now sure that they are after Greg. We’ve read so much about this. Hindi kami tumitigil sa pagsaliksik tungkol dito. And we are sure that Greg killed the alpha. At dumating na ang kinatatakutan ko. I know that it only happens in the movie, but this isn’t all fiction now because I saw it with my own eyes. The pack of the alpha is after Greg. Aligaga ako sa araw na iyon. Wala kaming pasok dahil linggo at nang mag-aya sila Ize kay Greg na iinom sa bayan ay sumama na lang rin ako. Greg won’t let me stay in one place without him, and I am also afraid to be alone. Takot na takot ako dahil baka pakalat-kalat lang sila. Bandang alas siyete nang makarating kami sa barbeque house at nandoon na sina Ize. Puno na ang lamesa nila ng beer at kaagad naman kaming lumapit. Ako lang ang babae pero mukhang sanay na naman sila sa amin dahil palagi akong dikit kay Greg kaya hindi na iyon big deal pa. While the boys are drinking, I am busy checking the place. Malawak ang lugar at maraming mga umiinom. Para rin itong mini-bar at may mga nagsasayaw pa dahil sa magandang music. Pero biglang nagtagal ang tingin ko sa isang taong nahuli ng mga mata kong nakatitig sa amin. His stares give me creep. At ang biglaan niyang pagngisi ay nagbigay sa akin ng kaba. Mahaba ang buhok niya at mahaba rin ang mga balbas. Makapal ang jacket niya at nakabonnet kaya mas lalo siyang nakakatakot. Greg noticed my tension, so he looked at the guy I was staring. Nagkatinginan sila at mas lumakas pa ang tensyon. “Who are you? What do you need?” Greg murmured, and the guy smirked even more. Lumapit ito patungo sa amin at biglaang napatayo si Greg. Sobrang lasing na ng mga kasama namin para mapansin pa ang kakaibang nangyayari kaya nakalapit sa amin ang lalaki. “Amoy na amoy ko ang dugo ng isang lobo,” bulong ng lalaki kay Greg. “Anong kailangan mo?” matigas na tanong ni Greg at lalaki at ngumisi ang lalaki at kalaunan ay biglang naging kulay ginto ang mga mata niya kasabay ng paglabas ng mga pangil niya. “Humanda ka. Pinatay mo ang pinuno,” sabi nito saka umalis. Isang iglap lang ay nawala na siya dahil sa bilis niya at kahit sino ay walang nakapansin sa kanya. “Greg,” nanginginig na sambit ko. “We’ll stay in our house for tonight. We’ll figure this out,” sambit niya saka ginising na sina Ize na kaagad naalimpungatan kahit wala pa sa sarili sa sobrang kalasingan. Hindi nawala ang kaba ko kaya kinabukasan ay kinumbinsi ko si Greg na balikan namin ang matandang pulubi sa labas ng convenience store. Mukhang may alam siya tungkol dito at alam kong hindi maibibigay ng mga libro at online articles and mga kailangan naming malaman ngayon. “He’s crazy, Elle. Hindi tayo sigurado kung totoo ang mga sinasabi niya o gumagawa lang siya ng kwento,” sabi niya pero nauna na akong bumaba para lapitan ang lalaking nakaupo sa semento sa labas ng convenience store. “Pwede po ba kaming magtanong?” magalang na tanong ko pero kaagad na dumiretso ang titig niya kay Greg na nakasunod sa akin. “Tama nga ang hinala ko. Napatay mo ang alpha,” sabi nito at unti-unting sumilay ang ngisi sa kanya. “Lolo, ano po ang alam niyo tungkol dito?” tanong ko. We need answers. “Sigurado ako na babawiin ng pack ang kapangyarihang naipasa sa’yo nang mapatay mo ang alpha. Ang sunod-sunod na alulong kagabi ay hudyat na gagalaw na sila. Tapos na silang magtago sa gubat. Tapos na silang manahimik,” sabi niya kaya napalunok ako at napatingin kay Greg na kunot ang noong nakatingin sa matanda. “Paano kami makakasiguradong nagsasabi ka ng totoo?” Greg asked, and the old man laughed. Unti-unti siyang tumayo at lumapit kay Greg. “Dahil minsan ko nang nakita ng sarili kong mga mata ang mga taong lobo. Minsan ko na silang naamoy. Alam ko ang galaw nila. Alam ko ang kakayahan nila,” sagot nito kaya mas lalo akong napakunot ng noo. “You are also a wolf?” hindi ko mapigilang itanong kaya napatingin sa akin ang matanda at unti-unti niyang nilihis ng bahagya ang damit niya at nakita ko ang sugat sa leeg niya. “Minsan na akong namuhay kasama ang isang pinuno ng mga lobo. Minsan ko nang nakita kung paano sila magpalit anyo. Magmula noon ay nagsaliksik ako at nalaman ko ang totoo at kung saan ang kuta nila na nasa pinakatuktok ng pinakamataas na bundok ng Hyndos Valle. Saulado ko ang mga amoy nila. Saulado ko lahat,” sambit nito habang diretso ang tingin sa akin kaya napahawak ako sa kamay ni Greg na biglang kumuyom. “He’s lying,” Greg said, and the old man shook his head. “Minsan na akong kinupkop ng isang taong lobo na may ginintuang puso. Alam ko ang lahat,” dagdag niya kaya mariin kong tiningnan si Greg. I could feel that he was telling the truth. “Bakit ngayon lang sila lumabas?” tanong ni Greg at wala sa sariling napatingin ang matanda sa tuktok ng isang bundok na nakakalbo na. Kitang-kita mula dito sa kinatatayuan namin kung gaano na iyon kasira. “Bumababa na sila dahil sa kagagawan ng mga taong sakim sa pera,” sabi nito. “I killed their alpha, but I didn’t steal his powers,” sambit ni Greg na kaagad kong tinanguan. I understand now the difference between an alpha and a werewolf. At bago pa man mapatay ni Greg ang alpha ay alpha na siya. Bago pa ako makapagtanong ulit sa matanda ay hinila na ako ni Greg pabalik sa kotse niya. “He knew something,” giit ko pero inilingan niya. “We won’t waste our time with this. You will attend your classes because that is what you suppose to do,” sabi niya at wala na akong nagawa kung hindi pumayag na bumalik kami sa University. Nang makarating kami doon ay bigla kaming nilapitan ni Trew. He looks so desperate when he held Greg’s collar. “Sabihin mo sa akin kung ano ang tinitira mo. The next match is coming. I need to prove to everyone that I am the captain! Huwag mo akong lokohin, Monroe! Hindi ka ganito kabilis at kalakas dati! You are probably hitting something! Tell me!” sigaw ni Trew sa mariin na boses. “I am not an addict,” inis na sambit ni Greg at mahinang tulak lang niya kay Trew ay kaagad itong tumilapon. Why did I forget that aside from the sudden werewolves, Trew is still a problem. Hinatid ako ni Greg sa room ko ngunit hindi pa rin ako makapag-focus ng maayos dahil sa dami ng mga laman ng isip ko. Mga tatlong beses pa akong natawag ng professor sa isang recitation at hindi ko nasagot ‘yon dahil hindi talaga halos magamit ang utak ko ngayon. Naguguluhan ako at hindi ko alam ang gagawin. My head is filled with werewolves and alpha. After my classes, I received a call from Mom that they might go home next week. Parang gusto kong sabihin na doon muna sila sa Manila pero alam kong hindi pwede. “My nights will be cold next week, then,” Greg said when I mentioned it to him. Wala sa sariling napairap ako sabay tawa. “Let’s escape for a while. Don’t answer any calls. You’ll only focus on me now,” sabi niya at nagtaka naman ako. Akala ko kung ano ang gusto niyang gawin dahil parang kakaiba kaya natawa na kang ako nang malaman ko na manonood lang pala kami ng movie sa kwarto niya. I expected something and I find it funny when I’ve seen some popcorn on his bed. “Wow,” sabi ko sabay tawa kaya natawa na lang rin siya. “I really love your laughters,” he murmured. Napatinghala naman ako sa kanya at wala sa sariling pinulupot ko ang mga braso ko sa batok niya habang kapwa kaming nakangiti. “I love your claws,” I whispered playfully. Hindi ko inaasahan ang biglang pagkulay ginto ng mga mata niya kaya napasinghap ako. I am now used to this, so instead of getting scared, I laughed a bit, and I tiptoed to give him a peck. “Elara Hansley, can I?” he asked while staring at my lips. Bigla akong napabasa sa mga labi ko bago ako dahan-dahan na napatango. “I’ll always permit you to do so,” I murmured, and after that, I felt his lips on mine. He sucked my lips, and I could feel the passion and care with his kisses.
Free reading for new users
Scan code to download app
Facebookexpand_more
  • author-avatar
    Writer
  • chap_listContents
  • likeADD