Chapter 13
Everyone is excited for the game later. Gabi ang laro para hindi apektado ang mga classes kaya matapos ang klase ay halos lahat ng estudyante dumiretso na sa field kasama na ako at si Ywa. Ywa is wearing a blue Hyndos Valle merch and she also has a banner for the team.
Sobrang excited ng lahat na rinig na rinig ang sigawan. Nasa likuran na lang ang bakanteng bleachers kaya doon kami tumungo pero panay ang harap ko kay Greg. Nasa field na lahat ng players at nang makita ko ang mga makakalaban nila ay napakunot ang noo ko dahil malalaki iyon na para bang hindi estudyante.
“Nasaan si Greg?” bulong ko at bigla kong natanaw si Greg na nasa field dahil agaran itong napalingon na para bang narinig niya ang boses ko.
“Ang layo natin! Lapit tayo!” sabi ni Ywa pero siksikan na talaga kaya nanatili na lang kami sa pinakadulo hanggang sa magsimula na ang laro.
The game started and the team is doing great. Lamang kaagad sila una pa lang pero pansin na pansin ko na parang sinasadya ng kabilang team na mamangga at may sadya pang namumulak. We could feel the tension and the students are already cursing the other team for playing dirty but it continued.
Ang unang napikon ay si Trew na nanulak na rin ng player na galing sa kabila pero kaagad napigilan. Ang sunod na naapektuhan ay si Ize dahil sadya siyang binangga ng malaking player kaya kaagad niyang tinulak.
Akala namin ay matitigil na ang laro dahil sa gulo pero nagpatuloy pa rin. Lumabas si Trew at Ize sa laro kaya si Greg ang nagdadala ng bola. I can’t really understand the mechanics of the game but I know that the team relies everything to Greg now. He is fast and strong. Ang inaalala ko ay baka mapikon siya dahil patuloy ang pagiging pisikal ng kabilang team.
“Ang daya!” inis na sambit ni Ywa nang maagaw ng kabilang team ang bola kay Greg dahil sadya siya nitong tinulak. Bigla akong napatayo dahil kahit malayo ay kita ko ay pagkuyom ng kamao ni Greg.
Their coach is shouting at him to calm down and everyone else in the team is now angry for the unfair game. Hindi na ako nagpapigil pa at tumakbo na ako pababa at sumunod naman si Ywa na pikon na pikon na rin.
“The audacity! Ang galing nilang mandaya kahit school natin ‘to!” inis na reklamo ni Ywa pero nakatuon ang pansin ko kay Greg. Another player from another team pushed him. Wala iyon naging epekto pero alam kong nainis siya.
“Greg, calm down. You are winning,” bulong ko nang makababa kami. Greg heard that so he turned to me. Kita ko ang pagbagal ng paghinga niya at kahit on-going pa ang laro ay tumakbo siya patungo sa akin dahilan para mas sumigaw ang mga estudyante.
“I’m getting angry. I can feel my claws growing. Hindi ko na mapipigilan ‘to kung tumagal,” he whispered when he got near me.
Mabilis kong hinawakan ang kamay niya saka pinisil.
“Control yourself,” sabi ko dahilan nang pagyakap niya sa akin. I heard him groan and after that I felt him sighed.
“Monroe! Maglalaro ka pa ba?!” sigaw ng coach nila kaya bahagya kong tinulak ni Greg at tinanguan kaya tumakbo siya pabalik sa loob ng field.
Mas lalong naging desperado ang kabilang team. Naging mas pisikal ang laro nila na halos lahat na ay nakabantay kay Greg. Nakita ko pa ang isa na hinila ang damit niya at matapos ma-goal ang winning goal nila Greg ay nilingon niya ang lalaking kanina pa nanunulak at sinuntok ng malakas.
“This is the exciting yet worst game,” pasinghap na sambit ni Ywa dahil pumasok rin ang lahat ng team para sumali sa suntukan.
“Gregory,” madiin na bulong ko pero walang tigil si Greg sa loob ng field. Binalibag niya ang isang player at sa malayo iyon tumama. Everyone was shocked and almost everyone who’s watching turned to him.
“Greg,” I called again and that’s when he looked at me.
His jaw is clenching.
“Ang daya niyo!” sigaw ni Ize.
Umakyat na ako sa nakaharang at tumakbo patungo sa gitna ng field ng walang iniisip na kahit ano kung hindi mapigilan lang si Greg. He can expose himself here and we don’t want that to happen.
“Greg!” sigaw ko nang bahagyang makalapit at doon siya tumakbo para salubungin ako.
I can see his eyes now glowing in gold but everyone’s busy watching the players fight so no one noticed. Hinila ako ni Greg palayo at kapwa kaming tumakbo palabas. His claws grow but after a few minutes it disappeared.
“I can’t help it. Ang daya nila,” inis na sumbong niya at nakarating kami sa loob ng locker room nila. His eyes are still glowing. At nasuntok niya ang isang locker dahilan para mayupi iyon.
“Look at me,” sabi ko pero nanatili lang siyang nakayuko. “I said look at me,” ulit ko at sa pagkakataong ‘yon ay napatingin siya sa akin. His eyes are still gold and when he inhaled they turned back to gray.
“I’m sorry,” paos na sambit niya at kalaunan ay pinahinga niya ang noo niya sa balikat ko habang patuloy sa paghinga ng malalim.
“You did great,” I said and he hugged my waist.
“I almost lost it again,” he whispered. At nang makalma niya ang sarili niya ay kaagad niyang inayos ang mga gamit niya at inaya akong umalis bago pa pumasok ang iba pang players.
Nang lumabas kami sa locker room nila ay pareho kaming nagulat dahil nakasalubong namin si Fate.
“Greg, we need to talk. I know a lot about werewolves. Hindi ako nag-iimbento ng kwento,” sabi ni Fate pero umiwas lang si Greg habang hawak-hawak ako.
“Greg,” I called him but he didn’t stop.
“Greg, I just want to help you understand your new self!” sigaw ni Fate pero nakalayo na kami.
“Why don’t you talk to Fate? Just don’t think that you had something and just ask her about what she knew,” sabi ko nang makalabas kami ng University.
“We can’t trust her,” sabi ni kaya napakunot ang noo ko.
“Why? Paano mo nasabi? She wants to help. Baka may alam niya. We need to take a risk, Greg. You need to take risks,” sabi ko pero umiling lang siya at pinapasok na ako sa kotse niya.
“I can control it. At wala akong pakialam kung ano ‘to. This is a curse and I will never embrace this,” sabi niya at nang nasa kalsada na kami ay bigla siyang napa-preno dahil muli naming narinig ang isang malakas na alulong.
It was so loud. Para pang naramdaman kong umuga ang lupa sa lakas ng sigaw at ilang sandali pa ay may nakita akong anino ng malaking hayop na biglang tumakbo.
“Sh*t,” Greg cursed and he immediately started the engine. Pero bago kami makalayo ay kapwa kaming natanaw ang lalaking naglalakad sa gitna ng daad at sinasalubong ang kotse namin.
“Greg! Mababangga!” sigaw ko kaya napa-preno siya ulit bago pa namin mabangga ang lalaking naglalakad.
The guy smirked and when his eyes turned red I shouted. Greg cursed and he was about to drive away again but the guy kicked the car. Sobrang lakas ng pagkakasipa niya na halos umatras ang sasakyan.
“Sh*t, kahit anong mangyari huwag kang lalabas,” Greg said and I saw his eyes turned red also.
Namasa ang mga mata ko sa takot at hinawakan ko ang kamay niya para pigilan siya sa paglabas pero hindi siya nagpapigil. Lumabas siya at sa paglabas niya ay biglang tumawa ng sarkastiko ang lalaki. Their eyes were both bloody red but the other guy is so scary. He is deadly and he looks dangerous.
“I bit you. You can’t be an alpha,” sabi nito. My tears fell when the guy growled. Mabilisang nag transform ang lalaki sa isang malaking taong lobo. I’ve seen Greg transform but this guy’s transformation is massive. Mas malaki siya kumpara kay Greg at kontrolado niya ang sarili niya.
The monster growled and I closed my eyes.
“Greg! Pumasok ka! Let’s leave! Don’t fight him!” I shouted from inside.
“Leave! Drive, Elle! Drive!” he shouted but I shook my head while crying. Hindi ko siya iiwan dito. Hindi ako aalis.
The monster attack Greg. Greg didn’t transform into his full form. His eyes turned red but he didn’t turned into his massive monster-like form. Facial hair grew on his face. His claws grow. Ang tainga niya ay humaba at tumubo ang pangil niya.
“Greg!” sigaw ko nang tumama siya sa punong malaki nang ibalibag siya ng halimaw. The monster growled and I saw how scary he is. Tumutulo ang laway na parang gutom na gutom na pumatay.
Greg stook up and he used a piece of tree to stabbed the monster. Wala iyong nagawa kung hindi mas ikinagalit lang ng halimaw. I can’t watch but I can’t let Greg fight alone.
Mabilis akong naghanap ng bagay na magagamit ko para tumulong. Nakapa ko ang isang baril at nanginginig akong lumabas.
“Stop!” I shouted while pointing the gun towards the monsters who nearly killed Greg.
“No! Elle! Leave!”
The monster turned to me. Mabilis iyong nakalapit sa akin at isang hawi niya lang sa akin ay tumalsik ako at tumama sa malaking bato na ikinasigaw ko.
“No!” Greg shouted and I heard him growling.
The monster turned to him. Sinubukan kong gumapang pero muli nang lumapit ang halimaw kay Greg. Greg’s rage grew stronger and he throw a big stone toward the monster. Umepekto iyon pero sandali lang dahil kaagad ring nakabawi ang halimaw.
He chased Greg.
“G-Greg,” I murmured. He can beat the monster. I know he can.
Nahuli ng halimaw si Greg at kaagad niyang sinakal ng mahigpit. I cried but I couldn’t even lift my body.
Biglang umalulong ng malakas ang halimaw at kasabay ng pag-alulong niyang iyon ay ang pagbitaw niya kay Greg. Greg growled and he transformed into his full form. The monster is bigger but Greg is faster. Nanlabo ang mga mata ko. Hindi ko masyadong maaninag pero kita ko ang pagputol sa isang puno at pagtarak nito sa puso ng halimaw.
The monster growled.
Unti-unting pumikit ang talukap ng mga mata ko pero nakita ko pa ang pagsubok ng halimaw na tumayo pero muli itong sinaksak ni Greg sa mga mata. And after that, I saw Greg shifted to his human form and before my vision turned black, I saw the fire he made to burn the monster to death.
“It’s all done.”
The monster is dead. Greg killed it. I remember it so well. I saw how he stabbed it with a tree. I saw how it burned. Hindi mawala sa isip ko at nagbibigay iyon ng malaking takot sa akin.
Kaya nang magising ako sa sumunod na araw ay napasigaw ako sa takot.
“No! No!” I shouted in fear and Greg hugged me tight.
“It’s fine, it’s all done. Wala na,” he whispered and that’s when I calmed down.
“A-Anong nangyari?” nanginginig na tanong ko pero isang yakap lang ang sinagot niya sa akin.
We hugged each other for so long and after that we decided to fix ourselves. Hindi pa rin ako maka-get over sa nangyari pero kailangan na naming malamang ang mga nangyari sa labas.
“Your car is broken. Kunin natin ang kotse ko sa bahay,” sabi ko nang makita ang yuping harap ng kotse niya dahil sa nangyari kagabi.
“It’s fine, we’ll just use my other car. Let’s forget what happened last night. Hindi na mangyayari ‘yon,” sabi niya sabay halik sa noo ko kaya napapikit naman ako bago tumango.
Natatakot pa rin ako at alam kong ramdam niya iyon ngayon.
Nagmaneho kami patungo sa University at nang mapadaan kami sa lugar kung saan nangyari ang paglalaban ni Greg at ng isa pang taong lobo kagabi ay bahagya kaming huminto. May mga pulis na nag-iimbestiga dahil sa abogang nagkalat. Halos kalahati ng gubat ay nasunog at alam kong nasa gabundok na abo humalo ang abo ng halimaw kagabi.
“Everything’s fine? You’re afraid of me?” Greg asked when he noticed my silence.
“No, hindi lang ako makapaniwala sa mga nangyari,” sagot ko dahil iyon naman talaga ang totoo. Hindi pa rin ma-sink in sa utak ko ang lahat. Greg killed the werewolf who bit him.
“But he mentioned last night about me being an alpha,” he said so I looked at him. Napatango ako dahil naalala ko rin iyon.
“Sa mga nabasa ko ay alpha ang namumuno sa pack ng werewolves. What does it mean? You are an alpha?” I asked and he shook his head. We both had no ideas so we shrugged our shoulders.
“The important thing is that we are both fine. I’ll kill myself if something bad happens to you. I’ll lose my humanity,” he said and he brought my hand to his lips to kiss the back of my palm causing me to smile.
“Thank you.”