Chapter 12
Isang hindi magandang balita ang sumalubong sa amin kinabukasan. Sabay kaming bumaba ni Greg sa kotse nang may pinagkakaguluhan sa gitna ng daan. Pupunta kami sa University pero hindi makadaan ang mga sasakyan dahil sa harang na pinagkakaguluhan.
May mga pulis at ambulansya kaya kaagad akong nakaramdam ng kuryusidad.
“Anong nangyayari?” tanong ko at nang lumapit si Greg ay sumunod na rin ako. We saw some dead bodies and a broken car. Sira ang pinto ng kotse at ang mga lalaking patay ay nakakalat sa kalsada. May mga bote rin ng beer sa paligid na humahalo sa mga dugo na nagkalat.
I gasped. Hindi ko na sila nakita pa ng malinaw dahil biglang hinarang ni Greg ang katawan niya sa harap ko at hinila na niya ako pabalik sa kotse niya.
“Who are they?” kabadong tanong ko pero mabilis lang na nangmaneho si Greg paikot para maghanap ng iba pang daan patungo sa University.
“Mga lasenggero sila na palaging tambay sa isang inuman sa bayan. We don’t know what really happened,” he said so I gasped again.
“But they’re dead! At ang sirang kotse. Anong may gawa?” sunod-sunod na tanong ko at napatakip ako sa bibig ko nang maalala ang mga nakakatakot na ingay kagabi na halos pumuno sa buong Hyndos Valle.
“We don’t know anything. May mga pulis para doon,” sabi niya nang makarating kami sa University. Lumalabas na ang mga estudyante na mukhang pauwi kaya alam ko na kaagad ang nangyayari pero lumabas pa rin ako nang makita ko si Ywa na naglalakad palabas.
“Anong nangyari?” tanong ko at kita ko ang takot sa mga mata niya.
“Wala daw munang pasok. Nakita niyo ba ang nangyari sa daan? Nakakatakot na dito,” sabi niya kaya napalunok ako pero kaagad nakuha nang tumatawa na si Ize ang atensyon ko.
“Dude! Have you heard the growl last night? It was cool, right? I bet they were werewolves! I knew it! Alam kong totoo sila!” malakas na sigaw ni Ize kaya nagtinginan kami ni Greg.
Ang mga kasama nilang varisties ay natawa na lang kay Ize at may nambatok pa.
“Hindi ko alam kung magpapasalamat ba ako na palaging walang pasok dahil may mga aksidente ngayon. Noon hayop ang nananakit pero ngayon parang aswang na. Let’s go,” sabi ng isa nilang kasama at akmang aalis na pero hinili ni Ize pabalik at tinuro si Greg.
“Tambay tayo sa mansyon ni Monroe,” sabi ni Ize saka siya lumapit sa akin. Nagulat pa ako nang bigla niya akong inakbayan at kinindatan kaya mabilis akong lumayo at tumingin kay Greg na kunot na ang noo.
“Tambay tayo, Elle. We have no class, and I can’t let our college days become boring because of this. Tara,” aya ni Ize saka hinila na ang mga kasamahan nila papasok sa isang kotse at nauna na silang umalis.
“Let’s go,” sabi ni Greg pero napatingin ako kay Ywa na hindi ko alam kung aayain ko ba o hindi dahil hindi naman ako ang may-ari ng bahay. Sa huli ay kinawayan ko na lang si Ywa at bumalik na sa loob ng kotse ni Greg para sumunod kina Ize.
After a few minutes of driving, we stopped at the convenience store. Bumaba rin sila Ize at naunang pumasok habang ako ang pinakahuli sa lahat dahil nag-text si Daddy at pinag-iingat na ako dahil umabot na sa kanila ang nangyari.
“Let’s go,” lingon sa akin ni Greg at tumango ako habang nasa cellphone ko pa rin ang mga tingin ko. I was so busy typing when I bumped on someone. Muntik na akong mapaupo pero mabuti na lang at nabalanse ko ang katawan ko kaya mabilis kong binalingan ang matanda na nakabangga ko.
“Sorry po. Hindi ko sinasadya. Pasensya na po talaga,” hinging paumanhin ko sa matanda pero hindi siya sa akin tumingin kung hindi kay Greg na mabilis na nakalapit sa akin at humawak sa baywang ko.
Kita ko ang takot sa mukha ng matanda at napaatras pa siya. Nabitawan niya ang sira-sirang plastik na bitbit niya at nagkalat ang mga gamit niya sa semento. Nakatitig siya kay Greg na puno ng takot ngunit kalaunan ay ngumisi siya na walang halong biro.
“Let’s go,” sabi ni Greg pero hinawakan siya bigla ng matanda.
“Isa ka sa kanila,” sabi nito kaya nagsalubong ang kilay ko.
“Pasensya na po sa nangyari. Mauuna na po kami—”
“Tapos na silang manahimik. Nagpaparamdam na sila. Pinapaalam na nila sa mga tao na totoo sila. At isa ka sa kanila,” sabi nito habang diretso ang titig kay Greg. I gasped when I understood what he meant, but Greg shook his head. Mabilis niyang kinuha ang braso niya sa pagkakahawak nito at nilayo niya ako ng bahagya.
“Ano pong ibig niyong sabihin?” tanong ko dahil alam kong may gusto siyang sabihin.
“Ang mga taong lobo. Nagpaparamdam na sila. Tapos na sila sa pagtatago. At isa siya sa kanila. Naaamoy ko ang lobo sa katauhan niya,” sambit ng matanda at hindi na ako nakasagot pa dahil hindi ako ni Greg papasok sa convenience store.
“May alam siya,” giit ko nang pumasok na sa akin lahat ng mga narinig ko.
“He’s crazy,” bulong niya pero umiling ako.
“No, may alam siya,” giit ko pero umiling lang siya at tinawag na sina Ize para makaalis na kami.
Hila ako ni Greg pabalik sa kotse niya pero napalingon ako sa matandang nakatitig sa amin. Kay Greg nagtagal ang titig niya at seryoso siya pero nang mapansin niya ang mga titig ko ay lumipat sa akin ang tingin niya. His stares creep me out, and I know that he is not lying. Pero mukhang wala lang iyon kay Greg kaya hindi ko na ulit binanggit pa hanggang sa makarating kami sa bahay nila.
We were five. Ize and there two friends, and me and Greg. May mga binili silang inumin at dumiretso sa likuran ng bahay kung saan may billiard’s table saka malaking swimming pool.
“By the way, Elle. They are not yet introduced to you. This is Jake and Fin,” sabi ni Ize dahil bigla akong natulala sa mga iniisip at wala sa sariling napatitig ako sa mga kasama nila.
Bumalik ako sa sarili saka marahan na tumango at kumaway.
“Okay, you two can go upstairs and do your thing now. We can just call the maids, so don’t worry about us,” sabi ni Ize habang natatawa kaya napalingon ako kay Greg nasa tabi ko.
“Let’s talk,” sabi ko at marahan niya akong hinawakan sa kamay at dinala sa loob ng bahay.
“Wow! I missed Greg with a woman! No hard feelings, Elle!” sigaw pa ng pinakilala nilang si Fin.
Lilingon pa sana ako sa kanila pero mabilis ang mga hakbang ni Greg at nadala na niya ako sa kwarto niya sa taas.
“That old man knew something. We’ll ask if. Baka alam niya kung paano mawawala,” sabi ko pero umiling siya.
“Wala tayong tatanungin. We don’t know him. I just knew that he was crazy and he slept everywhere. Baka nag-iimbento lang ‘yon,” sabi niya at tamad siyang umupo sa kama.
“But we need to try—”
“I don’t know what’s going on! May mga namamatay na hindi naman nangyayari noon. At sumabay lahat ng kamalasan nang maging ganito ako!” malakas na sambit niya at kita ko ang pag-igting ng panga niya.
“Are you shouting at me?” I asked. Bigla akong nagulat sa pagtaas ng boses niya at dahil sa tanong ko ay para siyang natauhan at napatingin sa akin ng diretso.
“No, no, I am not. Come here. I’m so sorry. I just don’t know what to do. Hindi ko kasalanan ang mga nangyayari pero parang dikit sa akin,” he whispered. Sabay kaming huminga ng malalim at nagpadala ako nang abutin niya ng marahan ang kamay ko para hinahin ako palapit sa kanya.
He made me sit on his lap, and he intertwined our fingers.
“I just know that I need to know how to control this curse,” he whispered.
“Kailangan nating malaman kung sino ang may gawa nito sa’yo. Kung nasaan pa ang iba at kung ilan sila,” sabi ko pero wala na akong narinig mula sa kanya.
Tahimik lang siya na parang kinakalma niya ang sarili niya sa ganoong posisyon namin. I chose to just calm myself too, and after that, we decided to go downstairs. Naabutan naming nag-iinuman na ang tatlo at nagtatawanan pa.
“Oh, you’re done? Ang bilis naman yata,” tawa ni Ize nang makita kami kaya binato lang siya ni Greg ng bola ng billards. Napalakas pa ang pagkakabato niya at kung hindi umiwas kaagad si Ize ay siguradong dudugo ang ulo niya.
“Shut up,” sabi ni Greg pero nakahawak na si Ize sa dibdib niya habang nanlalaki ang mga mata.
“F*ck you, Monroe! Papatayin mo ba ako?” gulat na sabi niya pero umupo lang si Greg na parang walang pakialam saka ako pinaupo sa tabi niya. He also got himself a beer and he gave me a juice.
“Come on, I am from the city. Umiinom ako,” sabi ko pero ngumisi lang siya at umiling at sinadya pa talagang uminom ng beer habang tumitingin sa akin na para bang iniinggit ako. Hindi ko na naiwasan pang mapairap kaya natawa siya at bumaling na kina Ize.
They began talking about soccer. Nakinig lang rin ako kahit wala rin naman akong naiintindihan. At mukhang wala silang balak umuwi kaya inantok na ako sa pakikinig sa kung saan-saan pumupunta na usapan nila at hindi ko na napigilan ang mapahikab.
“Wow, she’s silent. I suddenly remember, Fate. Palaging sumasabat sa usapan. Hindi nagpapahuli kahit wala namang naiintindihan,” sabi bigla ni Jake kaya agaran ko siyang nilingon.
“Why are you comparing me to her?” kaagad na tanong ko kaya biglang napaubo si Ize at napaupo ng maayos si Greg.
“She is Greg’s last ex. I mean yes, they lasted for three months?” sagot nito kaya napakunot ang noo ko.
“Come on, Jake. Hindi lang naman si Fate ang ex ni Greg. Sige, isiwalat mo,” tawang-tawa na sabi ni Ize pero biglang binagsak ni Greg ang can ng beer na hawak niya sa lamesa kaya lumikha iyon ng malakas na tunog dahilan para manahimik sila.
“You can sleep upstairs if you’re sleepy. I’ll wake you up later to eat lunch,” bulong niya kaya muli akong napahikap.
“Can I?” tanong ko na tinanguan niya kaya napatayo naman ako at marahang nagpaalam bago sila iniwan doon at bumalik sa kwarto ni Greg para matulog. I was so bored so I needed to sleep. I can’t relate with their soccer problems.
I somehow expected that the next morning, we'd see other dead bodies again, but nothing. Biglang parang bumalik sa normal ang lahat at nagkaroon na rin ng pasok. I just heard that the police stopped the investigations of those dead bodies because they speculated that the wild animal did it again.
Hindi ko alam kung mas maayos ba iyon pero nag-aalala pa rin ako. At ilang araw man ang dumaan matapos iyon ay hindi ko pa rin nakalimutan ang sinabi ng matanda sa labas ng convenience store. I just know that he is not lying. Kapag napapadaan kami ni Greg doon ay kitang-kita ko ang mga tingin niya.
I wanted to ask him some questions, but Greg won’t let me, so I didn’t try. At medyo napapanatag na rin ako dahil nakokontrol na niya ang mga emosyon niya. He can now control his senses, and he is not that careless anymore.
Naging parang normal na ang college life ko dito. Hyndos Valle became peaceful, and every student was excited for the first soccer tournament that will happen this week. May mga players galing sa ibang bayan ang pupunta para makalaban nila Greg. I am also excited, but I am nervous about Greg.
Magiging unang pormal na laro niya iyon mula nang maging ganoon siya. I’ve seen him practice, and I know he can, but his emotions could be triggered easily. At hindi ako mapakali sa biglang payapa ng lahat.
Pakiramdam ko may paparating at magsasabay-sabay ang problema.
And now, I am watching Greg play soccer. Trew stopped bothering us, but I could see him watching Greg. Parang inaalam niya pa rin kung may droga na ginagamit si Greg pero maliban doon ay wala ng problema. They are all taking the game seriously, and I don’t see any reason to be nervous or to get scared.
“Gosh, ang gwapo ni Greg. Tingnan mo siyang tumakbo. His moves are very calculated. And galing niya,” sabi ni Ywa habang parehong hindi umaalis ang mga mata namin sa field.
Nilingon ko iya bigla at kaagad nanlaki ang mga mata niya na parang may biglang naalala. Natawa na lang ako kalaunan dahil alam ko namang gusto niya si Greg.
“I’m sorry, Elle. I am really a fan. Hindi ko naman alam na si Elara Hansley pala ang magiging girlfriend niya ngayon. Kung hindi ka dumating sa palagay mo may pag-asa kami?” dagdag niya kaya natawa ako ng kaunti. I can’t take it seriously the reason why she frowned.
“I’m sorry,” sabi ko dahil sa pagtawa kaya humalukipkip siya at pinaningkitan niya ako ng mga mata.
“Sweet ba siya kapag kayong dalawa lang? Ang sabi nila hindi daw iyan sweet. I mean, mabait siya at tahimik lang palagi kaya parang hindi sweet. Anong pinag-uusapan niyong dalawa kapag kayo lang? Tahimik ka at tahimik rin siya, nagtitinginan lang ba kayo? Hindi ba boring ‘yon?” dagdag niya na mas lalo kong ikinatawa.
I can’t believe that she is saying this right now.
“Or maybe! You’ll just kiss and have s*x?” she asked, which made me cough.
“We haven’t—”
“Ano?! Hindi ako naniniwala! Look at Greg’s muscles. Siguradong kaya ka niyang ikulong sa ilalim niya!” she insisted, but I shook my head.
Hindi na nadagdagan pa iyon ni Ywa dahil natapos na ang laro at kita ko ang pagtakbo ni Greg patungo sa akin at mabilis akong dinala sa locker area nila na wala pang tao dahil nasa field pa ang mga kasamahan niya.
“I heard you two talking about me,” he said, and he laughed when he closed the door. Binigyan niya pa ako ng isang halik sa labi bago siya naghubad ng damit sa harap ko para magbihis.
Who said that he isn’t sweet?
“Stop eavesdropping,” sabi ko sabay halukipkip.
“I can’t help it. You were laughing earlier,” sabi niya at nang matapos na siyang magbihis ay akma niya akong hahalikan pero biglang sumabog ang pinto at pumasok lahat ng mga players na gulat pa dahil nasa loob ako.
“Elle! Privacy!” pabirong sigaw ni Ize kaya mabilis naman akong lumabas habang nakasunod si Greg na hawak naman ang kamay ko.
Sana nga magtuloy-tuloy na ang pagiging payapa. I want my college here to be memorable.