Chapter 11
Bumalik kami sa University makalipas ang isang oras. Pinatawag sa discipline office si Greg at si Trew dahil sa nangyari sa cafeteria. I wanted to get inside too, but I can’t so I waited outside for Greg.
I have a class and I decided to skip it for this. Kapag nawalan ng kontrol si Greg ay siguradong may mangyayaring hindi maganda. Hindi pa ako gaano nagtatagal dito pero ang dami-dami nang nangyayari. Ni hindi ko na alam kung bakit nagkaganito. I put myself in here. I have a choice to just walk away and act like I don’t care, but I don’t want that.
Makalipas ang kalahating oras ay lumabas na rin sila. Inis ang mukha ni Trew pero kalmado lang si Greg na kaagad lumapit sa akin.
“Anong nangyari?” tanong ko pero hindi siya kaagad nakasagot dahil lumapit sa amin si Trew na galit na galit.
“Anong tinitira mo?” galit na tanong niya kay Greg na nginisian lang ni greg at inilingan.
“Hindi ako adik na kagaya mo,” sagot ni Greg pero mas tumindi lang ang panlilisik ng mga mata ni Trew.
“Hindi ako bobo, Monroe. Huwag mo nang itago na tumitira ka. What’s with the sudden strength?” sambit ni Trew saka padabog na tumalikod kaya napatingin ako kay Greg na umiiling lang.
“I guess it’s better that he thinks that I am addict instead of a werewolf,” he said before holding my waist a bit. Marahan akong napabuntong hininga saka napahilot sa noo ko.
“Sa palagay ko kailangan mong iwasan si Trew,” sabi ko habang naglalakad na kami pabalik sa building namin. Kalmado siya ngayon kumpara kanina kaya medyo gumaan ang pakiramdam ko. But he can’t lose his control anytime that he’s angry. He needs to control his abilities and his emotions because this isn’t a joke.
Nang makabalik kami sa building namin ay kaagad kami naghiwalay para pumasok sa kanya-kanyang klase. Pagkapasok ko pa lang ay pinandilatan na ako ni Ywa ng mga mata at hinila paupo sa tabi niya.
“You know that everyone in this university loves chismis, right? You and Greg kissed in the hallway! Kalat na! Mas kumalat pa ‘yon kaysa sa away nila ni Trew,” bulong niya kahit pa may nagtuturong prof sa harap.
Hindi ako sumagot kaya mas hinila niya pa ako palapit sa kanya para mas bulungan lalo.
“And where have you been? Gosh, that’s Greg. Paanong hindi ka naglulupasay?”
Napangiwi ako sa mga bulong ni Ywa at hinayaan lang siya hanggang sa matapos ang klase. At laking pasasalamat ko dahil natapos rin ang araw ng maayos at walang gulong nangyayari. Greg stayed for their practice, and I went home because I needed to cook my dinner and I needed to do some household chores.
Alam kong kaunti na lang ay masasanay na ako dito sa buhay probinsya na ito na malayo sa kabihasnan na kinalakihan ko. Kung magpapatuloy na payapa lang tulad nito ay wala na akong poproblemahin. Greg is a werewolf—that’s a lot to ponder, but I don’t really care.
I just don’t care.
Matapos kong magluto ay kumain rin ako kaagad habang nagre-reply sa mga messages ni Mommy at Daddy. I was in the middle of eating when I heard a loud growl. Nabitawan ko ang kutsara ko dahil sa lakas ng alulong na siguradong rinig na rinig sa buong Hyndos Valle.
I gasped, and I immediately dialed Greg’s number. Nakailang ring pero hindi niya sinasagot kaya mabilis akong kinabahan at napatayo na.
“Greg,” I murmured while dialing his number again. Sa ikalimang ring ng ikalawang tawag ko ay sinagot niya.
“Did you hear that?” seryosong bungad niya kaya napalunok ako.
“Hindi ikaw ‘yon?” mahinang tanong ko at napapikit ako ng mariin nang marinig ko ulit ang malakas na alulong.
“Pupuntahan kita,” mabilis na sabi ni Greg at biglang namatay ang tawag. Sobra ang kaba ko nang niligpit ko lahat ng pinagkainan ko. Hindi tumitigil ang alulong na para bang isang lobo na nagwawala.
Ang ibang tao ay iisipan na hayop lang iyon na nagwawala pero iba ang iniisip ko. I knew that it is a werewolf now that I knew that they were real. At sa naririnig ko ngayon ay siguradong hindi lang si Greg ang taong lobo sa lugar na ito. Maybe it was the werewolf who bit him.
Tumigil ang malakas na alulong makaraan ang ilang minuto kasabay ng pagkarinig ko nang paghinto ng sasakyan sa labas. I ran towards the door and when I opened it I saw Greg with his serious face.
“Saan nanggagaling?” kaagad na tanong ko at sabay kaming napatingin sa kagubatan.
“Hindi lang iisa. Marami sila,” sabi niya at kaagad na sinara ang pintuan.
“What should we do? Aren’t you affected? I’ve read somewhere that wolf growls to call their pack,” sabi ko pero dumiretso na siya sa bintana. Madilim na sa labas at wala nang kahit anong ingay.
“I don’t know. I have no idea at all. But I am sure that I am not the only one with this curse here,” sabi niya kaya napapikit ako.
Kanina lang hinihiling ko na sana magsunod-sunod na ang pagiging payapa pero hindi na iyon mangyayari. Greg being a werewolf is a big deal, at ngayon mas lalong big deal dahil parang nagsisilabasan na rin ang iba pa.
“You can’t sleep here alone. Kailan babalik ang mga magulang mo?” tanong niya kaya umiling ako.
“Hindi ko alam kung kailan matatapos ang inaayos nila Daddy. But I am fine here alone,” sabi ko at doon niya nilibot ang tingin niya sa buong unang palapag ng bahay. Our house is a mix of modern and classic styles. Ito ang bahay nila Daddy noon at pinaayos lang niya para matirhan ulit namin kaya moderno na halos lahat.
But our house is so small compared to Greg’s house. Their house was a mansion, and ours don’t even have a gate.
“Do you want to come with me?” tanong niya habang diretso ang titig sa akin. Hindi ako nakasagot kaagad at hindi ko rin minamasama ang mga sinabi niya dahil alam kong kaligtasan ko lang ang iniisip niya pero hindi ko pa rin alam ang sasabihin.
Nang hindi ako nakasagot ay huminga siya ng malalim saka bahagya niyang hinawakan ang kamay ko. His small movements made my heart raise. At tuluyan ko nang nakalimutan ang nakakatakot na alulong kanina.
“Or I can sleep here. I just need to make sure that you are safe. Unang beses may ganito sa Hyndos Valle kaya hindi natin alam kung ano ang mangyayari. I want to think that those were some random animals, but in my case, I know what those are those,” sabi niya kaya wala sa sariling napatango ako.
Our house has only two bedrooms. Kwarto ko lang at kwarto ng mga magulang ko kaya ibig sabihin kailangan naming matulog ng magkatabi. I know that it shouldn’t be a big deal because I slept with him in his room. Pero iba kasi ngayong kwarto ko na ang gagamitin namin.
Kinuha niya ang overnight bag niya sa kotse niya sa labas at sabay kaming umakyat. I was holding his hand, and when we entered my room, another loud growl came. Kapwa kaming napahinto at nagkatinginan dahil sa pagkakataong ‘to ay mas lumakas ang alulong at parang nagsabay-sabay ang mga taong lobo na tila may hinahanap.
“Sigurado kang unang beses lang ‘to dito?” tanong ko na kaagad niyang tinanguan. He’s focused, and he seems to use his super senses.
Sa muling pagkatigil ng alulong ay bigla akong napatalon dahil may malakas na bumagsak sa bubong namin. I gasped, and I held Greg’s arm. Wala akong kahit anong supernatural abilities pero nakakaramdam ako ng panganib.
“What’s that?” takot na tanong ko pero bigla ring nawala ang tunog at ang natira na lang ay mga malalakas na alulong na sinasakop na ang buong Hyndos Valle.
“They’ll eventually stop,” sabi niya saka kita kong napadako ang mga mata niya sa kama ko. My bed is large and we’ll surely fit.
“I’m ready to sleep. Are you sure na sasamahan mo ako dito?” tanong ko na marahan niyang tinanguan at sa harap ko siya mismo naghubad ng pang-itaas na damit at ng pantalon kaya bahagyang napataas ang kilay ko.
“Seriously?” tanong ko saka ako umupo sa kama ko na kaagad niya ring sinundan.
“It’s either you sleep in my house or I’ll sleep here,” sabi niya at wala sa sariling napatingin ako sa mga labi niya. We were about to kiss but his phone rang. Sabay kaming napaiwas ng tingin at napatingin sa phone niyang nakalagay sa bulsa ng pantalon niyang kakahubad lang niya.
“Answer it,” sabi ko kaya kaagad niyang sinagot iyon at namataan ko pang si Fate ang tumatawag.
“Greg, was that you? Don’t lie. Alam ko kung ano ang pinaniniwalaan ko,” rinig kong sambit ni Fate sa kabilang linya.
Greg didn’t say anything. Nakatingin lang siya sa akin na parang sinasabihan niya ako na ako na ang sumagot kaya bahagya akong tumikhim dahilan para matigilan si Fate sa kabilang linya.
“Greg is with me,” sagot ko at narinig ko ang pagak na tawa sa kabilang linya.
“Wow, what a blow,” sabi ni Fate at kaagad na namatay ang tawag kaya tinabi na rin ni Greg ang cellphone niya.
“You need to talk to her. Sa palagay ko madami siyang alam,” sabi ko pero umiling lang siya.
“Walang dapat iba na makaalam,” sabi niya kaya sinubukan kong basahin ang ekspresyon niya at nang makita niya ang matagal na pagtitig ko ay bahagyang nagsalubong ang kilay niya.
He didn’t say anything. Yumuko lang siya ng bahagya saka inabot ang mga labi ko. Lumayo ako ng kaunti dahil nag-uusap pa kami pero dahil sa ginawa ko ay biglaan akong napahiga sa kama at pumaibabaw siya sa akin.
“It’s too early for this. Hindi ngayon na maraming umaalulong sa labas,” sabi niya pero patuloy pa rin siya sa paghalik sa akin.
We continue kissing each other. He’s hungrily kissing me, and I can barely answer his kisses. At nang lumalim nang lumalim ang mga halik na binibigay niya ay kaagad kong nalaman na nawawalan na siya ng kontrol. He bit my lower lips, and I groaned in pain, but he didn’t stop.
“Greg, stop!” suway ko pero mas lumalim pa ang halik niya.
“D*mn!” mura niya kalaunan ay bigla niyang sinuntok ang unan sa tabi namin. I saw his claws growing, and before he buried his face on my neck, I saw his eyes glowing gold.
“Greg,” marahan na sambit ko saka bahagya siyang niyakap pero malakas na pintig ng puso lang niya ang naririnig ko.
“I’m sorry,” he murmured, and I could hear that he was pissed.
“Greg,” I called him again, and that’s when he fixed our position. Umalis siya sa ibabaw ko at pareho kaming napaupo pero nagsisisi siyang tumingin sa akin lalo na sa nagdurugo kong labi.
“I’m sorry. I should have stopped myself after one kiss,” he regretfully said.
“It’s fine,” I said, and he shook his head.
“No, it is not fine. It’s so ironic that I wanted to keep you safe, but I am dangerous myself,” sabi niya sabay tayo.
Sinundan ko siya ng tingin at nasaksihan ko ang frustrated niyang pagdaan ng palad niya sa mukha niya.
“Sa baba na lang ako matutulog,” sabi niya na hindi makatingin sa akin kaya dahan-dahan akong tumayo para lapitan siya. I hugged him from behind, and I felt him stiff.
Wala kaming imik habang sa ganoong posisyon hanggang sa dahan-dahan siyang humarap sa akin. He caressed my wounded lips, and after a few seconds, the wounds were all gone.
“I can definitely hurt you. I won’t forgive myself if that happens,” he said, and I smiled a bit. Nginitian ko siya at nagtagal ang titig niya sa ngiti kong ‘yon.
“You won’t hurt me, Gregory. I know, and I trust you,” sabi ko kwya napapikit siya at dahan-dahan na tumango. His adams apple moved, and he hugged me tight.
“I’m sorry,” he whispered, and the night ended with us both on my bed sleeping. Umuunan ako sa braso niya at yakap-yakap niya ako habang patuloy ang alulong sa labas. We both slept peacefully.