Chapter 10
“Greg, she knew,” gulat na sambit ko nang makalayo kami kay Fate.
Umigting ang panga ni Greg saka umiling kaya naningikit ang mga mata ko sa kanya.
“Sinabi mo sa kanya?” tanong ko na kaagad niyang ikinailing.
“I haven’t told anyone. Ikaw lang ang may alam,” sabi niya kaya napalunok ako.
“She’s observant. And she knows something about this for sure. She won’t conclude if she doesn't know something,” sabi ko saka napalunok.
“Don’t mind her,” sabi niya saka ako pinapasok sa comfort room. Sandali lang ako sa loob at paglabas ko ay nakita ko siyang naghihintay sa labas habang nakapamulsahan at tila malalim ang iniisip.
“You should talk to her,” sabi ko kaya umayos siya ng pagkakatayo at umiling.
“I don’t need to,” sabi niya kaya sandaling nagtagal ang mga titig ko sa kanya bago kami bumalik sa table namin. At habang naglakakad ay hindi ko maiwasang mapatingin kay Fate na nakaupo sa hindi kalayuan.
She’s staring at us and when she saw me staring back she avoided my gaze. Parang may alam siya na importante. I could feel it. Alam kong may alam siya na kailangan naming malaman lalo na ni Greg.
“So you two are dating?” tanong kaagad ni Ize nang makabalik kami.
I waited for Greg to answer that, but he didn’t say anything. Ako naman ay napailing lang kaya pinanliitan ako ni Ywa ng mga mata kaya bahagya ko siyang tinawanan.
“Congrats?” natatawang sambit ni Ize pero kaagad ring nakuha ng pagkain ang atensyon niya kaya tinigilan niya kami.
Nagsimula na kaming kumain pero sa gitna ng pagkain ko ay bahagya akong napatingin sa oras. I can’t go home late since I am alone in our house.
“I need to go home at nine,” sabi ko kay Ywa kaya napanguso siya.
“Let’s drink?” tanong niya na ikinailing ko.
“No, I am alone in our house. My parents are not around. Hindi ako pwedeng magpa gabi ng husto,” sabi ko kaya tumango na lang siya habang nakanguso.
“Heard that, Greg? She’s alone,” sabi ng isang lalaki sa tabi ni Ize na rinig kong tinatawag nilang Jake.
Napangiwi naman ako ay hindi na iyon pinansin. Binilisan ko lang ang pagkain at matapos ko ay tumayo ako kaagad.
“Uuwi na tayo? Bitin,” reklamo ni Ywa pero wala siyang magagawa dahil ako ang maghahatid sa kanya pauwi.
“Mauna na ako? Sasabay ka sa kanila?” tanong ko sabay tingin kay Greg na nakaupo pa rin.
“Kahiya naman,” sabi ni Ywa pero kita ko ang pagtingin niya kina Ize at sa iba pa na parang nagpaparinig kung pwede ba siyang sumabay mamaya kaso walang namansin sa kanya kaya napairap na lang at padabog na tumayo.
“I’ll convoy,” sabi ni Greg kaya doon marahas na suminghap si Ize.
“No! Hindi ka uuwi!” banta ni Ize kay Greg pero tumayo na ito at humawak sa siko ko.
“Babalik ako,” sabi ni Greg kaya bumalik sa paghalakhak si Ize at pagkwento ng kung ano-ano at kami naman ay lumabas na.
“Kaya na namin. You can just stay here,” sabi ko pero tumungo na rin siya sa kotse niya. Wala na akong nagawa kung hindi pumasok na rin sa kotse ko at nagmaneho paalis.
Hinatid ko muna si Ywa na malapit lang naman ang bahay sa bayan bago ako lumiko pauwi sa amin. Greg is following me, and it helps me a lot since the road is so dark. Walang nang dumadaan kaya hindi ako nag-panic kasi nakasunod siya.
Nang huminto kami sa tapat ng bahay ay naisipan kong tawagan siya nang maalala na nilagay niya ang number niya sa phone ko. Unang ring pa lang ay sinagot na niya kaya wala sa sariling napangiti ako. I am crazy. Kinikilig ako sa isang taong lobo.
“I’m fine, here. Thank you,” mahinang sabi ko.
“Are you sure? You’re alone here,” he stated, and I chuckled.
“I’ll lock the house. Bumalik ka na kila Ize. He’s probably pissed by now,” sabi ko at narinig ko rin ang bahagya niyang pag ngisi ng matunog.
“Kapag nakapasok ka na,” sabi niya kaya mabilis kong inayos ang pagkaka-park ng kotse ko at pumasok na ako sa bahay. Nang makapasok ako ay narinig ko kaagad ang pag-alis ng kotse niya kaya napatikhim ako.
“Ingat,” sabi ko sa tawag na hindi pa napuputol.
“Call me if something happens. Or scream, I’ll hear you,” sabi niya at doon na natapos ang pag-uusap namin dahil binaba ko na ang tawag matapos magpaalam.
The night became so peaceful, and I woke up so early the next morning for class. Tinatamad akong pumasok pero umagang-umaga ay nakatanggap ako ng tawag mula kay Mommy at nagtatanong siya kung papunta na ba akong University kaya napilitan akong maghanda sa pagpasok.
I was so lazy to cook for my breakfast so I came to school eating nothing. Mabuti lang rin dahil maaga pa kaya nagpasya akong dumiretso sa cafeteria para kumain ng agahan. And I am eating my food when someone sits across me.
“Sabihin mo kapag tapos na si Monroe sa’yo. I’ll patiently wait. Mauuna lang siya ng kaunti,” sabi ni Trew at nawalan ako kaagad ng gana.
“I am not interested—”
“Didn’t you know that I’m better than him? I can make you scream in joy. I can pleasure you in any—”
Hindi niya nagawang tapusin ang sinasabi niya dahil biglaan akong tumayo at natumba pa ang silyang inuupuan ko. He’s so pervert at hindi ko kayang pakinggan iyon.
“Ano ba? Stay away from me!” inis na sabi ko pero tumawa lang siya at akma akong hahawakan sa braso pero bigla siyang natumba at tumama sa isang lamesa sa likuran dahil sa lakas ng impact ng pagtulak ni Greg.
“F*ck!” madiin na mura ni Trew at hindi pa siya nakakabangon ay kaagad siyang hinawakan sa skwelyo ni Greg at akmang susuntukin pero mabilis akong lumapit para pigilan siya.
“Stop, you can’t lose your control. Hindi dito,” mahinang bulong ko saka nilayo ko siya kay Trew.
“Isa na lang, Samillano. I won’t forgive you the next time,” madiin na sambit ni Greg at malakas niyang sinipa si Trew pero hindi na iyon gaano kalakas dahil hinihila ko na siya palayo.
My heart is beating so fast, and I am so nervous.
“Calm down,” pagpapakalma ko nang makalabas kami sa cafeteria at nakarating sa hallway na walang tao. Umiigting ang panga niya ngayon at kita ko kung paano magkulay-ginto ang mga mata niya.
“I can kill that bastard with just a punch,” madiin na sambit niya habang nakakuyom ang kamao. Patuloy na nagiging kulay-ginto ang mga mata niya at nang maging kulay pula na ito at mapadaing siya na tila napapaso ay nilapitan ko siya ng husto ay hinawakan sa kamay.
“Gregory, look at me,” marahan na sambit ko at hinawakan ko ang magkabilang pisngi niya para iharap sa akin. His eyes quickly came back to normal, and his breathing became faster.
“D*mn,” he cursed before he closed our gap. Pinahinga niya ang noo niya sa noo ko saka ako ikinulong sa pagitan ng dalawang braso niya habang nakasandal ako sa pader.
“Control your emotions,” mariin na sambit ko at doon siya tumango ng ilang ulit habang naghahabol ng paghinga.
“What should I do if you are not here. I would lose it,” he murmured and sighed. Huminga na rin ako ng malalim saka ko ako humawak sa mga braso niyang naninigas dahil sa pagpapakawala ng pwersa kanina.
“Trew is crazy,” I said, and his jaw clenched once again.
“F*ck, I’m so angry. I can’t control it. D*mn it,” mariin na bulong niya at muling nagkulay-ginto ang mga mata niya. Lumabas na rin ang mahahabang kuko sa kamay niya at naging malalim ang boses niya habang dumadaing na parang nasasaktan kaya hinila ko siya patungo sa akin.
“Kiss me,” I said, and he stopped groaning.
“Lumayo ka sa akin. I might hurt you,” padaing na sambit niya muli pero hinawakan ko ang magkabilang pisngi niya. I tiptoed, and I gave him a smack. Natigilan siya saglit at sa muling paglapit ng mga mukha namin ay siya na ang kusang gumalaw para maabot ang mga labi ko.
His claws disappeared, and his heartbeat calmed down. He nibbled my lips, and he did not stop even when I pushed him a bit when I heard some students' footsteps.
“Greg,” I murmured in between his kisses, but he doesn’t really care.
“I’m calm,” he whispered back while still kissing me.
Rinig na rinig ko na ang tunog ng mga paa ng mga estudyanteng papasok. Greg has super senses, but he doesn’t care right now. He continued kissing me. Nang bahagya kong iniwas ang mga labi ko para makahinga ay bumaba ang mga halik niya sa panga at leeg ko.
We are making out in the middle of the hallway and I saw some students watching us. May mga humihinto sa paglalakad para panoorin kami at may ilang ring kumukuha ng videos. Iyon ang dahilan kung bakit ko tinulak si Greg nang may kalakasan kaya doon siya huminto.
“Ayaw kong mapunta sa disciplinary office,” sabi ko saka ko siya hinila palabas ng building na iyon at nagpadala naman siya sa akin.
“I’m sorry. I just couldn’t stop. I’m back with my senses now,” sabi niya habang hinihila ko siya paalis.
Mukhang hindi kami makakapasok ngayon dahil sa mga nangyari.
“Ako lang ang ipapatawag sa disciplinary office,” sabi niya nang tuluyan kaming makalabas kaya huminga ako ng malalim saka ko siya tininghala.
“Trew is crazy—”
“And I am a werewolf,” he said as if that made sense.
“Hindi mo siya kailangang patulan—”
“Fine, let’s just get out of here. Bumalik na lang tayo mamaya. Kalmado na ako,” sabi niya saka ako hinawakan sa kamay pinapasok sa kotse niya.
“I have a car,” sabi ko.
“Babalik tayo mamaya dito. Come with me to clear my anger off. I need to stop myself from punching Trew to death,” he said before driving. Wala akong naging reklamo at hinayaan ko lang siya hanggang sa pumasok kami sa kagubatan at huminto sa isang ilog kung saan kami pumunta noon.
“But seriously, Greg. You need to control yourself,” sabi ko bago bumaba.
“I am working on that. And you are helping me a lot to control myself,” sabi niya saka naghubad na ng damit at pantalon para maligo. Tinira niya ang boxer shorts niya at tumalon siya sa ilog habang ako ay nakahalukipkip lang sa gilid at nanonood sa kanya.
“Isang oras lang,” sabi ko at umupo ako sa bato sa malapit habang siya ay nagtatampisaw. Kahit hindi ako nababasa ay ramdam na ramdam ko ang lamig ng tubig habang siya ay parang wala lang.
“I kissed you,” he said, and he laughed.
“Because you couldn’t control yourself,” I pointed out.
“And it’s amazing that I did when I kissed you,” sabi niya kaya napangiwi ako.
“You can not just kiss me every time you lose your control. You will help yourself. Sa palagay ko may alam si Fate tungkol dito. Ask her,” sabi ko kaya muling kumunot ang noo niya.
“Anong kinalaman niya dito?” tanong niya sabay ahon.
Tumutulo pa ang tubig sa katawan niya nang lumapit sa sa akin kaya lumayo ako para hindi mabasa pero mas mabilis talaga siya kaya nahuli niya ako at nasandal sa isang malaking bato.
“Basa,” reklamo ko pero mas lalo lang siyang lumapit.
“Can I kiss you again? I’ll control myself, promise,” tanong niya at hindi pa ako nakakasagot ay naramdaman ko na kaagad ang mga labi niya sa mga labi ko. I couldn’t fight it, so I kissed him back, and I even encircled my arms on his wet nape just to kiss him better.
“One hour,” I murmured between the kisses.
Ilang sandali pa ay naramdaman ko ang paghawak niya sa baywang ko at ang paglalim pa lalo nang pagpapalitan namin ng halik. He kissed me with so much passion and hungriness at the same time that I couldn’t cope up with it.
“Open your mouth. Let my tongue enter,” bulong niya at sinunod ko naman.
Dikit na dikit na siya sa akin at basang-basa na ako pero tinatanggap ko rin naman lahat ng mga halik niya. He seems invested at parang hindi mapipigilan kaya hinayaan ko lang siya hanggang sa gumapang ang mga halik niya patungo sa leeg ko.
“I wish I was a vampire. I want to taste your blood,” he said, and I felt him bite my neck. Sinipsip niya pa kaya doon ko siya tinulak at sinamaan ng tingin dahil siguradong magmamarka iyon.