Chapter 9
We went in his room, and I decided to text Dad that I can’t go home. Umaga na kaya sinabi ko sa kanya na sa bahay ako ng kaibigan ko matutulog na totoo naman. I didn’t provide him the truth that I’ll be sleeping here in Greg’s house, and he’s a guy.
“The other rooms are dirty. Hindi ko napalinisan. We can just share a bed?” hindi siguradong sabi niya nang makalabas siya mula sa banyo. He’s all fresh now while I probably look like a disaster right now.
“I already texted Dad that I can’t go home. After what happened, I don’t think I still can go home and sleep soundly,” sabi ko sabay tawa at hubad ng sapatos ko.
“I’m sorry for dragging you into this,” sabi niya saka siya umupo sa tabi ko. Inangat niya pa ang mga paa ko ipatong sa mga hita niya at mahina iyong minasahe.
“Why didn’t you tell Ize about this?” I asked, and he chuckled.
“He won’t believe me. Werewolves were all fiction—”
“Pero hindi,” sabi ko pero umiling lang siya.
“I want to think that it was all just a nightmare,” he answered, so I sighed.
“After seeing you turned into that thing, I started to think that there are still a lot of creatures out there that we all think don’t exist but they do,” sabi ko at napakibit siya ng balikat.
“I was bitten. Hindi ko alam kung ano. I just knew that I was bitten and after that everything turned bad. It’s all weird, and I hated myself,” he said with his clenching jaw.
Natahimik ako. Hindi ko alam ang sasabihin at doon siya muling napatingin sa akin.
“Are you afraid of me?” he asked, and I smiled a bit.
“Oo, natakot ako. But iyon lang. Natakot lang ako pero buo ang tiwala ko na hindi mo ako sasaktan,” sabi ko at doon rin siya napangiti ng mahina.
“What if I turned into a beast again and hurt you?” he asked, so I raised my brow.
“You said that you like me. Gagawin mo ‘yon?” I asked. Napangiwi siya at bahagya niyang nilapit ang mukha niya sa akin na para bang nang-aasar.
“I can hurt you,” sabi niya at mas lumapit pa siya hanggang sa magdikit ang mga ilong namin. I smiled, and I waited for his next move but suddenly moved away. Natawa ako doon saka napatayo na lang dahil sa biglaan niyang paglayo.
“Can I just borrow a shirt?” tanong ko at nakangisi niya namang tinuro ang isang pintuan kung saan siya galing kanina kaya pumasok na rin ako doon. It was his walk-in closet connected to his bathroom, so I decided to wash my body first before borrowing his shirt and his shorts.
Sobrang luwag pa ng shorts niya sa akin na nagmukha akong tomboy ng masuot ko iyon pero wala na akong pagpipilian pa.
Nang matapos ako ay muli akong lumabas at nakita ko siyang nakaupo na sa kama. His room is big and I can just take the couch here to sleep but I know that I’d be more comfortable in the bed.
“Ihahatid kita bukas ng umaga. Are you sure that it’s fine o you to sleep here?” tanong niya saka bahagyang umusog para bigyan ako ng espasyo.
“I didn’t receive a reply. My parents are probably sleeping by now,” I said before making myself comfortable next to him.
It will be my first time sleeping next to a guy except for my Dad. I have guy friends in Manila, but every time we decided to sleep over, I was always with my girl friends. At kahit may mga manliligaw ako noon ay hindi ako nakaisip man lang na tumabi sa kanya.
The trust that I feel towards Greg is too much that I am starting to feel foreign about myself.
“Thank you for staying,” he said, and he sighed deeply.
Binuka niya ang braso niya at bahagya iyong tinapik gamit ang isa niyang kamay para ayain akong doon umunan at iyon nga ang ginawa ko. And when I inhaled his natural scent, I feel even more peaceful and contented.
“I didn’t expect it to be like that. I was always experiencing the urge of strength every full moon, but this time was different. It wasn’t like that. What happened earlier was far different. Palagi kong kinakadena ang sarili ko pero hindi ko pa iyon nasisira. Ngayon lang. And I was completely a monster. It wasn’t like that,” paliwanag niya na may pagtataka.
“A werewolf,” I murmured, and he chuckled sarcastically.
“Kapag nakita ko ang gumawa nito sa akin ay hindi ako magdadalawang isip na patayin siya. I’ll use the curse he gave to me to kill him,” he gritted his teeth.
“Gaano na katagal?” I asked. Bahagya siyang nag-isip saka huminga ng malalim.
“Five months. I have been experiencing his hell for five months now,” he said. Bahagya akong umayos sa pagkakahiga kaya umayos rin siya at siya ang naglagay ng kumot sa aming dalawa.
Everything in this room smells like him. His scent is addicting.
Natahimik na kami matapos iyon at wala sa sarili akong napapikit. And a few more seconds after that, I felt the sleepiness eating me to I let myself get drowned in that position. Hindi ko alam kung nakatulog rin siya kagaya ko pero sa kabila ng mga nangyari ngayong gabi ay nagawa kong makatulog ng maayos at mahimbing sa malambot na higaan katabi niya.
In the morning, I woke up because of the familiar ringtone. Antok ko iyong kinapa at nang may maramdaman akong paggalaw sa tabi ko ay dahan-dahan akong tumalikod at sinagot iyon.
“Elle, where are you? Saan ka natulog?” kaagad na bungad ni Mommy kaya binuksan ko ang mga mata ko at kaagad akong bumangon bago napatingin kay Greg na kakabukas lang rin ng mga mata niya.
“I’m with a friend, Mom. Uuwi na ako maya-maya,” sabi ko at nakarinig ako ng pagbuntong hininga mula sa kanya.
“Yes please because we have something to tell you,” sabi niya.
“Okay, I’ll be there in a minute,” sabi ko saka ko pinatay ang tawag at tiningnan ang oras. Alas sais pa lang ng umaga kaya muli akong bumalik sa pagkakahiga. I am still sleepy, and I know that Greg, too, since he buried his face on his pillow.
“Morning,” he murmured, but I just smiled.
I need to get up. Kailangan ko pang mag-isip ng idadahilan kay Mommy mamaya kung saan ako natulog. She’ll interview me like a lawyer to her clients. Walang problema kay Daddy dahil hindi siya strikto sa ganitong mga bagay. Sadyang si Mommy lang ang kailangan ng paliwanag sa lahat.
“I need to go home,” sabi ko at naramdaman ko ang bahagya niyang paghalik sa braso ko kaya hinarap ko siya. He’s handsome, but he’s even more handsome with his sleepy face and his bed hair.
“Thank you again for last night,” he murmured, and we both smiled. Unti-unting lumapit ang mukha niya sa akin at sa pagtagpo ng mga ilong namin ay muntik na akong mapapikit para hayaan ang mga susunod na mangyayari kaso biglang bumukas ang pintuan ng kwarto at pareho kaming napatingin doon na gulat na gulat.
“Greg, I called you a lot of times last night and—Elle!” gulat na sigaw ni Ize na biglang napahinto at mukhang hindi na alam ang gagawin.
“Paano ka nakapasok?” Greg asked, and that’s when Ize suddenly turned his back on us. Bahagya akong natawa dahil doon saka umupo ng maayos sa kama habang nakatingin sa mukha niya.
“Manang opened the door for me. And your room is open. Hindi ko kasalanan kung hindi kayo nagla-lock ng pinto,” sabi niya saka dali-daling lumabas kaya doon na rin ako tumayo at umalis sa kama.
Greg stayed, and he sighed.
“I need to change. I can’t wear this,” sabi ko at tumango lang siya ng marahan kaya pumasok ako sa walk in closet niya kung nasaan ang mga damit ko kagabi na kailangan ko ulit suotin ngayon.
Nang makalabas ako ay naabutan ko silang nag-uusap ni Ize. Nakaupo si Ize sa couch pero nang lumabas ako ay tumayo siya at ngumisi habang nakapamaywang.
“Anong nangyayari dito? Seriously? Ang bilis ah?” nakangising sambit niya na parang nanunukso.
“Ihahatid ko siya. Wait for me here,” sabi niya Greg at mabilis siyang pumasok sa banyo niya. Hindi nagtagal ay lumabas rin siya kaagad at hinila na ako palabas habang si Ize ay naiwan sa loob ng kwarto niya.
Ngayon ko lang nakita ang kabuuan ng bahay. His house is so huge. Marami ring mga painting at mga banga na mamahalin. But it’s so empty.
“Where are your parents? May maid dito?” tanong ko dahil wala talagang katao-tao.
“They are in States, and the maids have quarters at the back. Hindi ko pinapayagang pumasok dito kapag hindi ko kailangan,” sabi niya kaya napatango na lang ako at nagpatuloy sa pagmamasid sa bawat sulok hanggang sa makalabas kami.
He drove me home, and I didn’t let him stay any longer because I don’t want my mother to know that I was with a guy last night. Pumasok na rin ako kaagad at naabutan ko ang dalawang malalaking bags sa sala namin at si Mommy at Daddy na bihis na bihis.
“Where are you going?” tanong ko habang kunot ang noo.
“We need to go back—”
“What? No, hindi ako babalik sa Manila,” sabi ko habang kunot ang noo kaya tinaasan naman ako ng kilay ni Mommy at tinawanan ako ni Daddy.
“Don’t worry, Elle. You’ll stay here and us, we need to go back because we need to fix something. Nagkaproblema sa isang case at kailangang nandoon kami para asikasuhon iyon,” paliwanag ni Daddy kaya napatango naman ako.
“Are you sure she’ll be okay here?” tanong naman ni Mommy kay Daddy at sabay kami ni Daddy na tumango.
“Until when?” I asked, and that’s when they shrugged their shoulders.
“We’re not sure yet, but we’ll call. You’ll be safe here,” Dad said, and I nodded.
“I will,” sabi ko naman at ilang sandali pa ay tinanaw ko na ang kotse nila paalis pabalik sa Manila.
It’s so ironic that I am so eager to go back to Manila last time, but my mind changed a lot right now. Dito na ako kaya bakit pa ako babalik? I don’t miss the pollution. Baka ang lamig at katahimikan pa ang ma-miss ko kapag bumalik ako doon.
I stayed at home for the weekend. Nang lumabas ako ay linggo na ng gabi dahil nag-aya si Ywa na uminom sa isang restaurant at bar sa bayan. At dahil sobra akong bored sa bahay ay hindi na ako tumanggi pa.
“I can’t still believe that we’ll have a class tomorrow. Ayaw ko nang pumasok,” sabi niya matapos ko siyang sunduin sa kanila.
Nakinig lang ako sa mga reklamo niya sa buhay hanggang sa makarating kami sa bar and restaurant na tinutukoy niya. Hyndos Valle is small, but the establishments are complete.
“Nasa loob pala sina Greg,” sabi bigla ni Ywa dahil nakita kami sa glass na pinto sina Greg na nakaharap sa isang billiard table. At natawa na lang ako dahil parang bigla akong naamoy ni Greg at kaagad siyang napatingin sa pintuan nang pumasok kami.
“At sila Trew,” sabi ko dahil sa kabilang billiard table ay sila Trew naman. They are with their set of friends, but I saw Ize pointing me to Greg so every player with them turned to me.
“May something sa inyo ni Greg?” tanong ni Ywa nang mapansin ang saglit na titigan namin ni Greg na ikinailing ko lang. Nagdududa lang niya akong tiningnan bago siya tumango at tinuro ako sa isang bakanteng lamesa.
“Alright! Enough for tonight! Kain muna tayo! Nakakagutom!” biglang sigaw ni Ize na rinig sa bawat sulok nitong lugar. Hindi namin sila nilingon pero ilang sandali pa ay naramdaman ko ang pag-akbay sa balikat ko at nakita ko ang nakangising si Ize nang lingunin ko ‘yon.
Inalis ko ang pagkakaakbay niya sa akin at isa-isa silang umupo ng mga kasama nila sa table namin. They are five, including him and Greg.
Natatawang lumipat sa upuan sa tabi ni Ywa si Ize at si Greg ang umupo sa tabi ko. Mabilis ko siyang nilingon at nginitian at nang ngumiti siya pabalik ay bahagya akong nagtaas ng kilay.
“Greg, libre mo muna kami ni Jake. Wala kaming pera,” biglang sabi ni Ize at nauna na siyang nag-order.
“Look at our new Captain. Nakatingin na lang,” sabi ng isang lalaki at tinuro si Trew. Wala sa sariling napabaling rin ako sa tinuro niya at nakita ko si Trew na nakatingin nga lang sa amin at mukhang wala namang gagawing masama.
“Excuse me. I need to go to the comfort room,” sabi ko at hinawakan si Greg para hilahin patayo at samahan ako. Maganda ang awra niya ngayon. Dahil siguro tapos na ang full moon kaya medyo kalmado na siya.
Habang naglalakad patungo sa comfort room ay bahagya niyang inabot ang balikat ko para halikan. At sa ganoong ayos kami nang pareho kaming huminto dahil sa biglang humarang sa amin. I saw a very familiar girl, and she directed her stares to Greg.
“I know what you are, Greg,” sabi ng babae kaya nangunot ang noo ko.
“What are you talking about, Fate?” Greg asked, and the woman smirked.
“Nakita ko kung gaano mo kalakas na tinulak ang lalaki sa party. It was too strong, and you are not that strong. It’s the full moon, right?” tanong nito kaya nanlaki ang mga mata ko.
Napasinghap ako at ang reaksyon ko ang dahilan kung bakit napabaling siya sa akin.
“So you knew?” she asked, but Greg dragged me away from her.