Chapter 6
Gabing-gabi na kami umuwi dahil napasarap ang kwentuhan nina Daddy. Ang isip ko ay parang sumama kay Greg sa pag-alis dahil tahimik na ako hanggang sa pag-uwi namin.
Hindi ko alam kung paano ipapasok sa isipan ko na posibleng may kakaiba dito. I’ve known Hyndos Valle for so long but only based on my Dad’s stories who grew up here. Ngayon lang ako nakatapak dito. And he was right about saying that this is a peaceful place but for me, it’s not as safe as what he thought at all.
I’ve never been a fan of leaving the city. Si Daddy at Mommy lang ang may gusto. I know that Dad is homesick since his parents died very young. Nakipagsapalaran sa Manila at matagal nang hindi nakabalik dito at ngayon masaya siya na dito na kami. Pero sa lahat ng nangyayari ngayon ay mukhang gugustuhin ko pang makarinig ng ingay ng traffic araw-araw. Those were common and claws aren’t.
Kinabukasan ay kumpulan kaagad ng mga estudyante ang bumungad sa akin nang makarating ako sa University. May bago na namang sugatan at natagpuan daw sa gitna ng kagubatan. Ang sabi-sabi ay wala pa ring malay ang estudyanteng dinala kahapon tapos ngayon may bago na naman ulit.
“Anong nangyayari sa Hyndos Valle? Nakakatakot na. May aswang ba dito?” rinig kong bulungan ng ilang kaya napahawak ako ng mahigpit sa bag ko.
Nakita ko si Ywa na nakikinood rin kaya nilapitan ko siya.
“Baka cancelled ulit ang klase,” sabi niya sabay nguso pero nanatili lang ang mga mata ko sa binubuhat na estudyante. Kitang-kita ang mga kalmot dito at ang mga tuyong dugo sa mga sugat.
Nakakaawa kaya at nakakabahala na rin.
Abala ako sa panonood sa ginagawa ng mga pulis at sa pasyente nang biglang sumulpot si Ize sa harap namin. Nakita niya ako kaya napangisi siya at pabirong ibabato sana sa akin ang bola ng soccer na hawak niya pero kaagad akong napaiwas sa takot kaya natawa siya lalo at lumapit ng tuluyan.
“Hello, you’re Elle, right? Have you seen Greg?” tanong niya kaya napakunot naman ang noo ko bago ako umiling.
I don’t want to draw suspensions but…anong hayop ang gumagawa nito?
“Nandito ba siya sa University?” hindi ko napigilang itanong kay Ize pero hindi na ito nakasagot dahil nakita namin ang pagdating ni Gregory. Tiningnan ko siya mula ulo hanggang paa at nakita kong mailinis siya at mukhang kadarating lang.
May ginhawa akong naramdaman ngayong napatunayan ko na hindi siya ang may kagagawan nito.
“Wal ngang pasok. May message na ang President. For everyone’s safety daw,” sabi ni Ywa kaya napatingin na rin ako sa phone ko para tingnan ang message na sinasabi niya. And I sighed when I’ve read the same message.
“Greg, wala ring practice? What should we do?” tanong ni Ize at nakipagbatian pa sila sa iba pang soccer players na mukhang uuwi na dahil sa biglang anunsyo.
“Uwi na tayo,” aya ko kay Ywa at hinawakan ko na siya para hatakin pero biglang humarang sa harap namin si Ize.
“I have a plan? Do you want barbeque? Bukas ang ihawan sa bayan,” sabi niya kaya napangiti si Ywa na mukhang excited pa pero ako ay napailing na.
“Hindi, uuwi na lang ako. Wala akong dalang kotse—”
“It’s fine. Sasabay ka sa akin—ay hindi pala. Kay Greg pwede,” sabi ni Ize kaya napatingin ako kay Gregory na kunot ang noo. Napalunok ako at umiling pero kinakadkad ako ni Ywa pasunod na parang gusto nang kunin ang atensyon ulit ni Ize.
Pagkarating sa parking lot ay sumakay kaagad si Ywa sa kotse ni Ize. May mga nakisabay ring ibang players hanggang sa mapuno ito. Naiwan ako sa labas at humalukipkip na lang.
“Pretty, kay Greg ka na. He got a nice car,” sabi ni Ize at nauna na. Si Ywa naman ay mukhang nakalimutan na siya ako dahil kasama niya ang mga soccer players.
“Alam ko ang tingin mo kanina. I didn’t do that,” biglang rinig ko sa pamilyar na boses sa likuran ko. Kaagad ko siyang nilingon at nakita ko ang pagbukas niya ng pinto ng passenger’s seat.
“Hindi ko alam ang paniniwalaan ko,” sabi ko at nagdadalawang-isip pang sumabay.
Ilang araw pa lang ako dito. Hindi ko pa alam kung sino ang dapat kong pagkatiwalaan.
“I might be different but I don’t hurt people,” sabi niya kaya naningkit ang mga mata ko.
“What kind of different?” tanong ko pero umigting lang ang panga niya at tumingin siya sa pinto ng kotseng hawak niya.
“Just get inside,” sabi niya kaya huminga ako ng malalim at pumasok na lang sa loob. His friend is right that he got a nice car. Pero biglang gusto kong lumabas kaagad dahil pagpasok na pagpasok ko ay nakita kong nakatingin sa amin si Trew at ang babae na si Fate.
Trew is clenching his jaw and Fate is raising her brow.
“Your ex is watching,” sabi ko nang makapasok si Greg at tinuro ko pa ang direksyon ng babae pero tamad lang niya iyong nilingon sandali pero wala ring naging reaksyon.
“And so as your admirer,” tukoy niya kay Trew bago niya tuluyang patakbuhin ang kotse.
I am still not very familiar here in Hyndos Valle. Maliit ito pero may pasikot-sikot na hindi ko pa talaga alam kaya sobrang focus ako nang makalabas na kami ng University.
Punong-puno ng mga puno ang gilid ng kalsada. Literal na napapalibutan ng kagubatan ang buong lugar kaya medyo malamig ang klima. Pero sa kagaya ko na hindi sanay sa ganitong lugar ay hindi ko maiwasang matakot.
“F*ck,” sabi niya bigla at napasinghap ako nang may mag-overtake sa gilid namin na isang itim na kotse.
“What’s happening?” tanong ko dahil sadya pang binangga ng isa pang kotse na nakasunod ang kotse kung nasaan kami ngayon kaya wala sa sariling napakapit ako sa braso niya. Kita ko kung paano humigpit ang pagkakahawak niya sa manibela kaya mas lalo akong nataranta.
Ang bumangga na kotse ay nag-overtake at kita ko ang pagsilip ni Trew mula doon. I gritted my teeth and I rolled my eyes before turning to Greg. His veins are showing but after a while his fast breathing calmed down.
Napabitaw rin ako sa kanya at ilang sandali lang ay napahinto rin kami. Nasa bayan na kami at nasa harap ng isang kainan at nandoon rin ang mga kotse nina Trew t ng mga kaibigan niya.
Mabilis na bumaba si Greg kahit hindi pa maayos ang pag-park niya. At pagbaba niya ay kaagad niyang kinuwelyuhan si Trew na nakangisi ng nakakaloko.
“F*ck you, Dude. You knew that I wasn't alone in the car!” galit na sigaw ni Greg at pabalang niyang binitawan si Trew. Sobrang lakas ng pwersang binitawan niya na bumalibag si Trew sa kotse niya at kita ko ang paglukot ng mukha niya sa pag-inda ng sakit.
“F*ck you, Monroe!” padaing na sigaw ni Trew at humarang pa sa akin ang ilang kaibigan niya dahil akma akong lalapit kay Greg.
“Masusundan na ba si Fate, Greg? Is she your new toy?” nakangising tanong ng isang humarang sa akin pero hindi nagtagal ay nakita kong tumapon siya bigla dahil sa pagtulak ni Greg.
“Watch your mouth, Dude. I got a very strong hearing and a very short patience now. You might regret,” nakangising sambit ni Greg saka ako hinila papasok sa loob at sa pagkakataong ‘yon ay wala nang nagtangka pang mangharang sa amin.
Nag-aalala ang mukha ni Ywa nang salubungin niya kami at parang lahat sila ay nakita kung ano ang nangyari sa labas.
“Okay lang kayo? Anong nangyari?” tanong niya na siyang ikinailing ko lang dahil sinundan ng tingin ko si Greg na padabog na umupo at halatang inis pa rin.
“Dude, binalibag mo si Trew at si Matt,” tawa ni Ize bago niya ito abutan ng isang boteng beer.
“Okay ka lang? Anong sinabi nina Trew? Ang lakas ng tama niya sa’yo. Minsan lang kasi ang fresh na face dito,” sabi ni Ywa kaya kinunutan ko siya ng noo.
“Tama na muna. Baka magsumbong pa si Daddy’s boy kay Mayor. Kain na lang tayo,” tawa ni Ize at siguradong narinig ni Trew ang sinabi niya dahil pumasok na ang mga ito at sinamaan kami ng tingin.
Huminga ako ng malalim. This isn’t a students’ fight anymore. Parang kaya na nilang magpatayan.
“Ganoon ba talaga kayo dito?” tanong ko dahil ramdam ko pa rin ang mainit na mga tingin na pinupukol sa amin ni Trew mula sa malayo.
“Hindi ganito kalala. Hindi sila magkasundo noon pero ngayon lang umabot sa ganito. This is serious now. Huling nag-away si Greg at Trew sa labas ng court ay dahil pa kay Fate. Ngayon babae na naman,” tawang-tawa na sabi ni Ize kaya napatingin ako kay Greg na tahimik lang. He’s serious now. Inis na inis pa rin ang mukha niya at panay rin ang baling niya sa direksyon nina Trew.
“I am not Fate,” inis na sabi ko na mas ikinatawa ni Ize.
“I’m not saying that you are her. Well, Fate made them both her boyfriend. Try mo rin?” asar ni Ize kaya napairap ako.
“Ano?” tanong ko na siyang ikinakindat niya.
“One at a time?”
“Uuwi na lang ako sa Manila,” sabi ko kaya nalukot ang mukha niya.
“Kung ako ang pipili ay kay Greg na lang ako. Mabait, gwapo, mayaman, magaling mag soccer, graduating na—I mean perfect,” biglang singit ni Ywa kaya napalingon ako sa kanya pero sandali lang dahil napatingin ulit ako kay Greg na umiinom pa rin ng beer.
He’s graduating.
“Program?” tanong ko habang nakatingin sa kanya kaya nilapag niya ang beer.
“Business,” sagot niya kaya napatango ako.
“Kaya kailangang bumalik na siya sa paglalaro ngayon. Last year na namin at nami-miss namin ‘to,” sabi ni Ize kaya napatango naman ako.
Mga isang oras kaming nagtagal doon para kumain at matapos kumain ay umalis na rin kami kaagad dahil nandoon pa rin ang grupo nina Trew. Sumabay ulit ako kay Greg dahil nakisabay ulit ang ilan pang players kay Ize kaya puno sila.
Iba ang dinaanan nila habang kami ni Greg ay diretso lang. Tahimik kaming dalawa at nakatingin lang ako sa labas. But in the middle of our peaceful travel two cars blocked the road. Lumabas doon sina Trew at ang mga kaibigan nila at may dala pang baseball bat.
“Huwag kang bababa,” kinakabahan na sambit ko at agaran kong hinawakan sa braso si Greg. My heart beats faster and my hands trembled out of nervous.
“Dito ka lang. Kakausapin ko,” sabi niya pero umiling ako. Hindi ko alam ang gusto nila Trew pero alam kong hindi usap iyon.
“Greg! Hindi tayo bababa!” sigaw ko pero nagpumilit siya at wala na akong nagawa nang bumaba siya. Mabilis rin akong bumaba para pigilan siya pero biglang tumakbo si Trew para paluin ng baseball bat si Greg.
“Tama na! Tatawag ako ng pulis! Ano ba!” sigaw ko pero walang nakinig.
Greg can definitely beat them all with his fast and strength but someone pointed him a gun. Mas napasigaw ako at kaasabay ng sigaw ko ang pagputok ng baril. They panicked and ran after that but Greg fell.
Namutla ako at tila nabingi sa lahat ng nangyari. I ran towards Greg. Namimilipit siya sa sakit at umaagos ang dugo mula sa sugat niya.
“Anong gagawin ko? Tatawag ako ng ambulansya! Sandali lang. Greg, wait. Oh My God,” tarantang sambit ko pero mas nanginig ako dahil napuno ng dugo niya ang mga kamay ko.
Nanlamig ako sa takot at hindi ko alam ang gagawin ko. Naging blangko na ang utak ko at wala pang sasakyan na dumadaan. Namuo ang luha sa mga mata ko at hindi nagtagal ay nahulog ang mga luha ko.
“Pull the bullet off,” namimilipit na sambit niya pero umiling ako.
“Tatawag ako ng tulong—”
“No, pull it out now. I can heal—”
“Hindi ko kaya!” I shouted but he stared at me seriously. Hinawakan niya ang kamay ko at nilagay sa sugat niya sa bawang. Nanginginig ang mga kamay kong tinaas ang damit niya. Hindi masyadong malalim ang bala pero nakakatakot pa rin.
“Pull it out, I need you to pull it out.”
Humagulgol ako sa pag-iyak saka pikit matang dinukot ang bala mula sa sugat niya. I shouted it fear when I got it out and I hugged his chest. Mabilis ang paghinga niya at kapwa kaming napatingin sa sugat niya.
Huminto bigla ang mga luha ko nang makita ko kung paano iyon humilom na tila walang nangyari.
“W-what—”
“Let’s get out of here,” sabi niya sabay tayo para patayuin na rin ako. Hindi halos ma-proseso sa utak ko ang mga nangyari.
“W-What happened? How—”
“I need you to keep this. Wala kang pagsasabihan,” sabi niya at dali-dali akong sinakay sa sasakyan. Nanginginig pa rin ako at puno pa rin ng dugo ang mga kamay ko. Hindi ko alam kung ano ang iisipin.
Hot got shot. Pero ngayon wala na ang sugat niya. This is impossible but I saw it! Nakita ko kung paano humilom!
“A-Ano ka? You are not a human,” nanginginig na sambit ko habang nakatitig sa kanya pero umigting lang ang panga niya at hindi niya nagsalita. And after awhile his car entered the forest. At huminto kami sa tapat ng isang ilog kung saan tuloy-tuloy siyang lumabas at tumalon sa tubig.
Nanginginig akong lumabas sa kotse niya para tanawin siyang naliligo sa ilog.
“Who are you? Natatakot ako,” nanginginig na sambit ko. Bumalik sa pagragasa ang mga luha ko at hindi na sila huminto ngayon.
“I’m different, you’re right. I am far different. Hindi ko rin alam kung bakit. This is a curse.”