Chapter 7
I watch him swim until realized that I’m full of his blood. Dahil doon ay unti-unti akong humakbang palapit sa ilog para abutin ang tubig. I have his blood all over my top. Kailangan kong lumubog sa tubig para tuluyan iyong matanggal sa damit ko.
“Let me help you,” sabi niya at bahagya siyang umahon para ilahad sa akin ang kamay niya.
Tiningnan ko iyon ng matagal at nagdalawang-isip pa ako kung tatanggapin ko pero kalaunan ay hinawakan ko rin. Inalalayan niya akong bumaba lalo sa tubig pero namali ang pagtapak ko kaya nadulas ako at diretso akong lumubos.
“Hindi ako marunog lumangoy!” kabadong sigaw ko dahil kahit sa tabi lang ay malalim talaga ang ilog kaya mahigpit akong kumapit sa kanya.
Narinig ko ang bahagya niyang pagtawa dahil doonkaya nagsalubong ang kilay ko at bahagyang humiwalay sa kanya dahil abot ko naman ang ilalim. Bahagya akong napalunok saka nag-iwas ng tingin. I cleaned myself and I could feel him watching me.
“You are afraid of me,” he stated. Dahil doon ay binalingan ko siya kaya tiningnan ng mariin.
“Nakita ko kung paano humilom ang sugat mo. I saw how fast and strong you are. And it’s not normal. I saw supernatural abilities and what do you expect me to feel? Dapat ba mamangha ako? I have a lot of questions right now but I don’t know where to find answers,” sabi ko saka naglakad na para umahon pero hinawakan niya ako sa kamay para hilahin pabalik.
“I didn’t hurt someone. Hindi ko ginusto ‘to. And you saw what happened. I fought them because that’s what they want. Or…iniisip mo ba na ako ang may kagagawan ng mga nangyayari sa University? You think I attacked those students?” hindi makapaniwala na tanong niya kaya huminga ako ng malalim.
“Hindi ko ginusto ang pumunta dito, Greg. Actually, my parents decided for me to study here without even asking me if I want it. And the last thing I want to experience here is to see things that are far from being normal. But…uuwi na ako,” sabi ko at muli siyang tinalikuran pero muli niya akong hinila pabalik.
Sa pagkakataong ‘to ay dumikit ako sa dibdib niya. Mas lalong nagwala ang puso ko hindi sa kaba at takot kung hindi dahil sa distansya namin. Tulala akong napatingin na kulay abo niyang mga mata. And because we are too close, I could feel the tip of his nose on mine.
“Hindi ko ginusto ‘to—”
“Ano ang hindi mo ginusto? Ano ka?” tanong ko kaya napalunok siya at napailing bago ako hinawakan sa baywang.
Wala sa sariling napaawang ang mga labi ko. At nang mapadako ang mga mata niya sa mga labi ko ay bigla akong nanlamig at natuod sa posisyon namin. I am not scared at this moment. Hindi ako takot na baka may masama siyang gawin sa akin. Kalmado ako at hindi ko iniisip ang mga bagay na iyon ngayon.
“It’s been five months. I can’t control it. I don’t know how,” mahinang sambit niya kasabay ng unti-unting paglapit ng mukha niya sa mukha ko. At nang maramdaman ko ang hininga niya malapit sa labi ko ay kusa akong umiwas dahilan para huminga siya ng malalim.
Binitawan niya ang baywang ko kaya dali-dali akong umahon. Umahon rin siya sunod sa akin at kaagad may kinuha sa loob ng kotse niya.
“Isuot mo. You can’t go home like that,” sabi niya sabay bigay sa akin ng isang malaking t-shirt na mukhang hindi nawawala sa kotse niya. Kinuha ko naman iyon kaagad saka mabilis tumalikod sa kanya para mahubad na ang basa kong top at masuot ang binigay niya.
Unti-unti nang nakaka-adjust ang katawan ko sa ibang lamig dito pero hindi ko kinakaya ngayong basang-basa ako.
“Take your pants off,” sabi niya kaya magkasalubong ang kilay ko siyang nilingon.
“Ano?” tanong ko pero inabutan niya ulit ako ng isang jersey short. Kunot noo ko iyong tinanggap saka muling tumalikod sa kanya.
“I’m not watching,” sabi niya kaya wala sa sarili akong napangiti habang binababa ko ang pants ko para isuot ang shorts niya.
Matapos kong magbihis ay nakita kong bihis na bihis na rin siya. Wala nang bakas ng dugo sa aming dalawa pero hindi pa rin nabubura lahat sa alaala ko.
“You should report what happened earlier to the police,” sabi ko pero umiling lang siya.
“Trew is the Mayor’s son. Wala ring magagawa,” sabi niya kaya natahimik na lang ako hanggang sa makabalik kami sa main road.
Malapit na ako sa bahay nang makatanggap ako ng text mula kay Mommy na mamimili sila sa bayan kaya tamang-tama lang para hindi nila makita ang ayos ko ngayon. At nang huminto kami sa tapat ng bahay ay hindi ko na alam ang sasabihin.
“Ibabalik ko ang damit mo bukas,” sabi ko sabay takbo sa loob ng bahay na hindi na hinintay ang sagot niya.
I must stay away from him. I need to.
Huminga ako ng malalim saka pumunta sa kwarto ko. At nang makapasok ako sa kwarto ko ay doon ko lang naamoy ang panlalaking amoy na dumikit sa akin. I was too preoccupied earlier that I didn’t notice his manly scent all over me.
Wala sa sariling napahawak ako sa damit na suot ko bago huminga ng malalim. I need to stay away from him. Hindi ko na aalamin kung ano ang katotohanan tungkol sa kanya. I just need to stay away from him.
Nang makabalik kami sa University sa sumunod na araw ay may patay na malaking lion na pinapalibutan ng mga pulis. Halos lahat ay nanonood kaya hindi ko na rin napigilan pa ang paglapit.
“Ano po iyan?” magalang na tanong ko sa pulis na nagbabantay.
“Ito na ang nanakit sa dalawang estudyante sa gubat. Sabay na rin nagising ang dalawa at nasabi nila na lion raw ang sumugod. Nakita kaninang madaling araw,” paliwanag nito kaya napatango ako.
So, it’s not really him.
“Thanks, God! May pasok na ulit!” biglang rinig kong sambit ni Ize pero nang lumingon ako sa direksyon nila ay nakita ko si Greg na nakatingin sa lion sandaki bago bumaling sa akin kaya nagkatingin kami.
Pero naputol ang tinginan namin nang biglang sumulpot sila Trew. He’s smirking but when his eyes darted to Greg his smirk fades. Tiningnan niya ito mula ulo hanggang paa na parang may hinahanap at nang walang makita ay napaatras siya.
He shot him but it healed.
“W-What?” takang sambit ni Trew pero nilampasan lang siya ni Greg.
Umalis na rin ako para dumiretso sa classroom namin. Part of me is guilty for thinking that Greg was the one who hurted the students. Lion pala na parang ngayon lang rin nakita dito sa Hyndos Valle.
Iyon ang laman ng isip ko hanggang sa matapos lahat ng pang-umagang klase namin. Ywa is so happy on the other hand because of what happened yesterday. Close na raw siya sa mga varsity kaya parang nakatapak siya sa alapaap. I don’t want to spoil her happiness so I decided to not say anything about what happened yesterday.
I tried so hard to avoid Greg for the next few hours. Iniiwasan kong mapatingin sa kanya at ganoon rin siya sa akin. Gusto pa ngang lumapit ni Ywa pero tinanggihan ko kaya wala na siyang nagawa.
At iyon rin ang nangyari kinabukasan. I avoided him again. Hindi ko na rin nabalik ang mga damit niya dahil ayaw ko siyang lapitan at mukhang umaayon naman ang lahat dahil naging abala ang buong University.
They have this party for every tenth of July to welcome all students. At bukas na iyon kaya naghahanda na ang lahat. Excited rin halos lahat dahil full moon bukas kaya perfect para sa party.
“Maganda dapat may date! Mga seniors dapat! Dapat si Greg sa’yo!” excited na sabi ni Ywa habang naglalakad kami.
Patungo kami covered court ngayon dahil nagpapatulong ang isang professor namin para sa designs na gagamitin bukas sa party. I am also excited because this will be my first time.
Malapit na sana kami sa court nang maalala ko na hindi ko hawak ang cellphone ko.
“Teka, naiwan ko yata ang phone ko sa room. Mauna ka na sa court. Susunod na lang ako,” sabi ko saka bumalik ulit sa building namin para sa phone ko.
Wala nang katao-tao sa building namin dahil ang iba ang mga ginagawa sa labas at ang iba ay umuwi ng maaga para maghanda sa party bukas. Ako lang ang mag-isang naglalakad sa patungo sa room namin kanina at natagpuan ko naman kaagad ang phone ko.
Pabalik na ako sa covered court nang matanaw ko sa field ang mga soccer players na nagpa-practice. At bigla kong natanaw ang pagtakbo palabas ni Greg. Binato na pa ang bola at tumakbo siya paalis na parang may pinipigilan. At sa gilid ko siya dumaan kaya nakita ko ang paghaba ng kuko niya at ang pagkulay ginto ng mga mata niya.
He ran at the back of the covered court. Hindi ko alam kung ano ang pumasok sa isipan ko at sinundan ko siya. I followed him and I saw him punching the wall. Walang tao dito pero napasinghap ako sa lakas ng pagkakasuntok niya dahilan para mag-crack ang semento.
“Greg—”
“Umalis ka dito. I can’t control it!” nahihirapang sigaw niya at kahit nakatalikod siya ay kitang-kita ko ay paghaba ng mga kuko.
His claws.
Napaatras ako pero hindi ako tuluyang umalis.
“Run, please, umalis ka dito. I can’t control it. D*mn! F*ck!” sigaw niya saka muling sinuntok ang pader. I didn’t move. At hindi ko inaasahan ang sunod ng ginawa. Mabilis siyang lumapit sa akin at bigla akong napatili ng hilahin niya ako palapit sa pader. Sobrang lakas ng impact na napadaing ako sa sakit ng likuran ko.
Nanlilisik ang kulay ginto niyang mga mata at nanginig ako sa takot nang makita ko ang pangil niya.
“I told you to leave,” he said. Nag-iba ang boses niya at parang ibang tao na siya. Kumapal at mas lalong nakakatakot na para bang sinasaniban niya.
He gripped my arm. Sobrang lakas na nagkasugat ako dahil sa mga kuko niyang mahahaba. Anong nangyayari sa kanya? May takot akong nararamdaman pero sumisilip doon ang pag-aalala.
“Greg, n-nasasaktan ako,” nanginginig na sabi ko at doon siya natigilan. Biglang nawala ang mahahaba niyang kuko at nawala rin ang pangil niya. He stepped back and after a while his eyes turns back to gray.
Lahat ng pagsisisi at takot ay nakita ko sa mga mata niya lalo na nang mapatingin siya sa braso kong dumudugo.
“I hurted you. F*ck. I can’t control it. I can’t control it. It’s the moon. Malapit na ang full moon. I’m going crazy,” nanginginig na sabi niya at muling lumapit sa akin para tingnan ang braso ko.
He cursed a lot of times. Parang hindi niya alam ang gagawin sa sugat ko pero nang hawakan niya iyon ng matagal ay biglang nawala ang sugat ko na pareho naming ikinagulat.
“W-What happened?” nanginginig na tanong ko dahil nawala ang sugat ko.
“You must stay away from me. Masasaktan kita,” sabi niya sabay atras kaya napatitig ako sa kanya.
“Ano ang hindi mo makontrol?” tanong ko dahil ibang-ibang siya kanina. He’s not Greg. He looks like a monster earlier.
“Mas lalong lumalakas kapag malapit na ang full moon. I couldn’t control it. Ang hirap. I need to chain myself,” he said and he was about to leave but I stopped him. Hinawakan ko ang braso niya at doon ko naramdaman ang pawis niya.
“But you didn’t hurt me—”
“I did!”
“Nakakagaling ka ng sugat?” tanong ko at natawa siya ng mahina pero parang gulong-gulo na siya.
“I don’t know. It just happened,” he said so I sighed.
“Tara na,” sabi ko kaya nagsalubong ang kilay niya.
“I told you. You need to stay away from me—”
“Let’s get out of here,” sabi ko at ako na mismo ang nanghila sa kanya paalis.
“Elle—”
“You need to control it. Paano? Tutulungan kita,” determinado kong sabi. Hindi ko alam kung bakit sinasabi ko ‘to ngayon pero ito ang gusto ng loob ko. Nandito na ako ngayon. Hindi na ako makakabalik sa buhay ko sa Manila kaya haharapin ko na ang lahat ngayon dito sa Hyndos Valle.
“Elle, you are so hardheaded. Masasaktan kita. Kahit ako hindi ko alam kung paano,” sabi niya at nang makarating kami sa kotse niya ay bahagya niya akong sinandal at niyakap ng bahagya. Napahawak ako sa braso niya at hinayaan ko na ganoon ang posisyon naming dalawa.
“It’s like wolves? Lumalakas sa buwan?” mahinang tanong ko habang nasa ganoon kaming posisyon. Wala siyang sinabi na kahit ano. Nanatili lang siyang sa harap ko habang kinukulong ako sa gitna niya.
“Werewolves,” he murmured after a while so I gripped his arm so hard.