Lilliana POV
"YES baby! Shake your ass! Wuhoo!"
"Damn! She's so f*****g hot man!"
Mga komentong naririnig ko sa paligid habang ako'y walang pakialam na magaslaw na sumasayaw sa saliw ng maharot na musika. Pero wala akong pakialam sa kanila basta heaven ang pakiramdam ko ngayong gabi kahit nahihilo na ako. Para akong nakalutang sa ere dahil sa limang bote ng beer na nainom ko.
Naramdaman ko ang dalawang kamay na humawak sa aking balakang mula sa likuran. Nilingon ko ito at nakita ko ang isang lalaking may hitsura naman ngunit may manyak na ngiti sa labi. Lumayo ako sa kanya pero sumunod naman sya sa akin at dikit ng dikit habang senswal na umiindak. Binubunggo pa nga nya ang kanyang harapan sa aking puwitan. Sa inis ko sa manyak na lalaki ay hinarap ko sya at tinulak sabay sampal sa kanyang pisngi.
"Stay away from me manyak!" Asik ko sa lalaki sabay irap. Himas himas na nya ang pisnging sinampal ko
"Tss! Pakipot. Feeling virgin. Dyan ka na nga. Arte!" Sambit ng lalaki at tumalikod na.
Tila umuusok na ang ilong ko sa galit sa manyak na lalaki dahil sa sinambit.
"Virgin pa ko gago!" Sigaw ko sa lalaki. Pero hindi na nya ako nilingon at lumapit sa mga kasama na tatawa tawa. Hindi ko alam kung narinig nya ako dahil sa lakas ng tugtog.
Nakatingin sa akin ang ilang mga tao sa loob ng club. Lalo na ang mga lalaki na may malalagkit na tingin sa akin. Umikot ang mata ko at hinawi ang kulay brown kong buhok. Bumalik na lang ako sa mesa namin ng mga kaibigan ko. Muntik pa akong matumba dahil sa hilo.
"Girl sino naman yung lalaking sinampal mo?" Tanong ni Carla.
"I don't know him. Manyak sya dapat nga binayagan ko pa eh." Inis pa ring sabi ko.
Tumawa naman ang mga kaibigan ko.
"O magpalamig ka muna." Nilapag ni Lory sa harapan ko ang bagong bukas na light beer.
"Thanks!" Agad kong dinampot ang boteng nagpapawis pa sa lamig at tinungga. Para akong narecharge ng humagod sa lalamunan ko ang malamig na light beer.
"Paano kang hindi mababastos eh kung makasayaw ka kanina para kang nag aaya." Saad ni Mitch na syang pinaka best friend ko talaga at nakakaalam ng lahat ng struggles ko sa buhay lalo na sa pamilya.
"Whatever! Let's not talk about that manyak na. Nasisira lang ang gabi ko." Sabi ko at nilapag ang bote ng beer sa salaming mesa.
"Right!" Sabay sabay na sabi pa ng tatlo. Mga kaklase ko sila at parehas kami ng kursong kinuha. Nasa ikalawang taon na kami ngayon ng kolehiyo.
"Girl, nakita namin si Benson na kapapasok lang kasama ang mga tropa nya. Hayun sila o." Nginuso ni Carla ang grupo nila Benson na nasa mesang malapit sa bar counter. Schoolmate namin si Benson at super sikat sya dahil gwapo at mayaman pero ubod naman ng babaero.
"So what?" Walang pakialam na sabi ko at tinungga ang bote.
Tiningnan naman ako ng tatlo na parang may mali sa sinabi ko.
"Anong so what? Girl, ito na ang chance mo na mapansin ka nya." Udyok sa akin ni Lory.
Tumaas ang kilay ko. "Napapansin naman nya ako pa-hard to get lang sya. Feeling naman nya super gwapo sya eh wala nga syang abs at masakit sa ilong ang pabango nya."
Umawang ang labi ng tatlo. Para bang hindi sila makapaniwala sa mga salitang lumabas sa aking bibig.
"Wow. Lait na lait mo sya ngayon ha?" Sarkastikong sabi ni Mitch.
Ngumiti ako ng matamis sa kanila. "Oh well, I'm just telling the truth. Narealize ko rin na hindi pala ang gaya nya ang type ko."
"Oh really? At ano pala talaga ang type mo sa isang guy?" Curious na tanong naman ni Carla.
Pinagkrus ko ang mga legs at mabagal na inikot ikot sa ere ang hawak na bote. "Well my type.. syempre gwapo. Pero yung gwapong lalaking lalaki. And may abs, malalaki ang mga biceps. Yung hindi takot sa dumi. At higit sa lahat kung tumingin ay para kang tinutunaw." Nangingiting sabi ko habang naglalaro sa isip ko ang imahe ng seryosong mukha ng gwapong bodyguard ng pinsan kong si Kuya Wallace. It's been five months na pala mula ng huli ko syang makita. At sobrang namimiss ko na sya lalo na ang pagsusungit nya sa akin.
"At sino naman ang guy yan?" Tanong ni Lory.
"Secret! Basta he's better than Benson. Ten times better." Inikot ko ang mata habang nangingiti.
Kapag naiisip ko talaga si Gado kinikilig ako. Ruggedly handsome talaga sya at super hot pa lalo na kapag nagsusungit sya sa akin. Hay, kelan kaya kami uuwi ulit ni daddy sa province para makita ko ulit sya.
"Uy Lili, yung driver nyo nandyan. Mukhang sinusundo ka na." Untag sa akin ni Carla.
"Ha?"
"Ma'am Lilliana, pinapasundo na po kayo ni ser. Umuwi na raw po kayo."
Nilingon ko ang driver namin na si Kuya Bogs. Nginitian ko sya ng pagkatamis tamis. Heto na ang sisira ng gabi ko.
"Hi Kuya Bogs! Halika upo ka. Join ka sa amin. Waiter!" Tawag ko sa waiter.
"Ma'am hindi na po. Umuwi na po tayo." Tanggi ni Kuya Bogs.
Ngumuso ako. "Kuya Bogs naman maaga pa o."
"Alas onse pasado na po ma'am. At ang paalam nyo po kay ser ay hanggang alas nuebe lang kayo at sa bahay ng kaklase nyo kayo pupunta. Eh pinuntahan ko po kayo doon wala naman kayo. At tama nga ako na nandito kayo."
Sumimangot ako at sa sinabi ni Kuya Bogs. Humagikgik naman ang tatlo kong kaibigan.
"Kabisadong kabisado ka na ni kuyang driver girl." Pang aasar ni Lory.
Kunwaring inirapan ko ang kaibigan at muling hinarap si Kuya Bogs na may matamis na ngiti. Nagpuppy eyes pa ako sa kanya.
"Kuya Bogs thirty minutes pa please."
"Naku Ma'am Lilliana hindi talaga pwede. Kailangan nyo talagang umuwi dahil siguradong nagagalit na ang papa nyo." Pamimilit pa ni Kuya Bogs na kakamot kamot na sa ulo.
Pinatulis ko ang nguso at nagpacute. "Ang hina ko naman sayo Kuya Bogs. Ang pogi pogi mo pa naman ngayon. Bagay na bagay sayo ang bagong gupit mo o! Parang lalo kang naging bagets. Di ba girls?" Banalingan ko ang mga kaibigan pero nginisihan lang nila ako.
Umikot ang mata ko at muling binalingan si Kuya Bogs. "You know what Kuya Bogs? Hindi ba naghahanap ka ng girlfriend? Look at them." Tinuro ko ang ilang mga grupo ng mga babae. "Ang gaganda nila no. If you want ipapakilala kita sa kanila. And maybe isa sa kanila ang para sayo." Pang uuto ko sa driver. Pero mukhang wa epek.
"Naku Ma'am Lilliana, di nyo na ako mabobola at mauuto. Noong huling nauto nyo ako muntik na akong mawalan ng trabaho. Kaya tara na po."
Umingos ako ng humagalpak ng tawa ang tatlo kong kaibigan. Mukhang hindi ko na talaga madadala sa pang uuto at pambobola si Kuya Bogs.
"Sige na Lili. Umuwi ka na. Kawawa naman si kuyang driver baka mawalan pa ng trabaho. Saka uuwi na rin kami." Wika ni Mitch.
"Oo nga girl. Uuwi na rin kami."
Bumuga ako ng malalim na hininga at umikot ang mata. Ano pa nga ba?
"Fine. Uuwi na." Hinablot ko ang sling bag ko at tumayo. "Bye girls. See you all on thursday na lang." Paalam ko sa mga kaibigan.
"Bye Lili. Ingat sa pag uwi."
"Keep safe babe."
Wala sa mood na tumango na lang sa kanila. Gusto ko pang manatili sa club pero siguradong hindi ako tatantanan ni Kuya Bogs at baka tuluyan pa syang mawalan ng trabaho dahil sa akin. Kawawa naman.
Nauna na kong lumabas ng club at dumiretso ng sakay sa likod ng sasakyan. Agad ding sumakay sa driver seat si Kuya Bogs.
"Kasi naman Kuya Bogs ayoko pang umuwi. Wala naman kaming pasok bukas eh." Parang batang nagmamaktol na sabi ko at pinadyak padyak ko pa ang paa.
"Eh ma'am wala po tayong magagawa. Kilala nyo naman ang papa nyo. At saka binigyan na nya ako ng warning. Kapag nagpauto pa ako sa inyo ay tanggal na ko sa trabaho. Naku ma'am, ayoko pong mawalan ng trabaho. Sa akin lang po umaasa ang tatay kong matanda na at may sakit." Litanya ni Kuya Bogs.
Napakagat labi ako. Medyo naguilty ako. Dahil sa pagiging selfish ko baka mawalan ng trabaho si Kuya Bogs.
"Oo na kuya sige na. Uwi na tayo." Pagsuko ko na lang at umayos ng upo.
Nag thumps up naman si Kuya Bogs at binuhay na ang makina ng sasakyan.
Sinandal ko ang ulo sa headrest ng backseat. Nakaramdam na ako ng antok. Gusto kong humilata agad sa kama ko pag uwi. Pero siguradong sermon agad ni daddy ang sasalubong sa akin.
Umingos ako ng maalala si papa. Siguradong galit na galit sya ngayon dahil gabing gabi na ako umuwi at amoy alak pa. Pagsasabihan na naman nya akong nagrerebelde. Hindi nya kasi ako naiintindihan. Palibhasa ang kabit lang nya at ang anak anakan lang nya ang magaling para sa kanya.
Dati naman ay sobrang close kami ni daddy. Papa's girl ako mula ng maliit pa at nabubuhay pa si mama. Pero nagbago ang lahat ng iuwi nya ang kabit nya sa bahay kasama pa ang anak nito. Lagi na kaming nag tatalo at hindi magkasundo. Paano ba naman mas lagi nyang pinapaboran ang mag inang yun. Ang mga ito na lang ang magaling para sa kanya at ako naman ay kontrabida.
Namimiss ko na ang bonding naming dalawa ni papa. Pero mas gusto na nyang kabonding ngayon ang kabit nya at anak anakan nya. Parang saling pusa na nga lang ako sa bahay eh. Kaya minsan ayoko ng umuwi doon. Mas gusto kong bumukod na lang pero ayaw naman ni papa. Baka kung anong kalokohan lang daw ang gawin ko at mapariwara ang buhay ko.
Tss.
Humugot ako ng malalim na hininga at pumikit. Bumabangon ang bigat sa dibdib ko. Ganito ang lagi kong nararamdaman sa tuwing uuwi sa bahay.
"Talaga bang inuubos mo ang pasensya ko Lilliana?" Nakapamewang na bungad sa akin ni papa pagpasok ko ng main door. Nakapantulog na sya at seryosong seryoso ang mukha ngunit mababakas naman ang pinipigil na galit.
Umikot ang mata ko at binagsak ang balikat. "Pa, I'm tired. Can we just talk tomorrow. I'm so sleepy na."
"Are you tired? Saan? Sa pag inom? Hindi ka ba nahihiya kadalaga mong tao at ang bata bata mo pa lasenggera ka na."
Pagak akong tumawa. "Lasenggera? Oh wow! Nakainom ako pa pero hindi ako lasing. And fyi bibihira lang ako uminom."
"Bibihira ka nga uminom pero layas ka naman at puro barkada."
"Tss. Whatever." Bubulong bulong na sabi ko.
Tumiim bagang si papa at tumalim ang tingin sa akin. Pumikit sya at humugot ng malalim na hininga. Pagdilat ng kanyang mga mata ay rumehistro ang pagod sa kanyang mukha. Umiling iling sya na parang sumusuko na.
"I'm so tired of you too Lilliana. Suko na ko sa katigasan ng ulo mo. Hindi ka na nakikinig sa akin."
"Hindi ka rin naman nakikinig sa akin papa eh so it's a tie -- ." Napahinto ako sa pagsasalita ng itaas nya ang isang kamay.
"Stop talking. Go to your room and sleep. Bukas na bukas mag uusap tayo ng masinsinan." Aniya sa malamig na boses at tumalikod na.
Naiwan naman akong mabigat ang dibdib. Lalo pa nga itong bumigat pagkatapos naming magusap ni papa. Masakit na palagi kaming ganito pero nasanay na ako.
Bumuntong hininga ako at naglakad na paakyat ng hagdan. Mabuti pang itulog ko na lang ito.
Pero bago pa ako makapasok sa kwarto ko ay may nakasalubong pa akong lalong nagpasira ng gabi ko.
"Oh hi! Sabi na eh nakauwi ka na dahil dinig na dinig ko ang boses ni tito sa baba na sinesermonan ka. Yan kasi gabing gabi nasa landian ka pa." Nakangising turan ni Madel ang anak ng kabet ni papa. Nakapantulog na rin sya ng manipis na damit.
Matanda sa akin ng isang taon si Madel. At gusto pa ni papa na tawagin ko syang ate. No! Never!
Inikutan ko lang ng mata si Madel at nilampasan. Wala ako sa mood makipagbardagulan sa kanya ngayon. Bukas na lang.
"Hoy bastos! Kinakausap pa kita."
"Sorry I don't talk to stranger."
"Anong stranger? Hindi ako stranger no!"
Binuksan ko ang pinto ng kwarto ko at hinarap sya.
"Stranger ka naman talaga dahil hindi ka namin kaano ano. Anak ka lang ng kabit ni papa. Sampid!" Sabi ko sabay irap sa kanya at pasok sa kwarto.
Nilock ko ang pinto para hindi makapasok si Madel. Tatawa tawa ako habang kinakalampag nya ang pinto at nagbubunganga.
Bahala syang mamaos dyan.
*****