Lilliana POV "CONGRATULATIONS iha." Ngumiti ako ng batiin ako ni Tita Jacinta. Tila nga naiiyak pa sya. Katatapos lang ng kasal namin ni Gado. Ang judge na nagkasal sa amin ay kausap pa ni Tito Melchor, Gado at papa. "Salamat po tita." Yumakap ako sa kanya. Hinaplos haplos nya ang aking likod. "Noong una ay nag aalala ako sa agaran mong pagpapakasal dahil parang napakabata mo pa. Pero sa tuwing nakikita kong nakangiti ka at parang masaya ay napapawi ang pag aalala ko." "Masayang masaya po talaga ako tita. Wala po akong pinagsisisihan sa mga desisyon ko. Ito po ang gusto ko." Ngumiti si Tita Jacinta at hinaplos ang aking pisngi. "Mahal na mahal mo talaga si Gado." "Opo tita, sobra.." Para nga sa akin ay ito na ang pinaka masayang araw ko sa buong buhay ko. Tumango tango sya. "Ba

