Lilliana POV PAGKATAPOS ng makapigil hiningang komosyon ay nagtipon tipon kaming lahat sa living area para pagusapan ang tungkol sa pagbubuntis ko at sa aming dalawa ni Gado. Kahit hating gabi na ay buhay na buhay ang mansion at gising ang lahat ng tao. "What happened?" Napatingin kaming lahat sa bagong dating na si Kuya Wallace. Nakasuot sya ng gray na pajama at puting t-shirt. Halatang bagong gising dahil gulo gulo pa ang buhok. Nakakunot rin ang kanyang noo. "Maupo ka anak. May pag uusapan tayong lahat." Sabi ni Tito Melchor at minuwestra ang bakanteng espasyo sa tabi ni Tita Jacinta. Pero hindi agad tumalima si Kuya Wallace at nilibot ang tingin sa aming lahat. Mas nagtagal ang tingin nya sa aming dalawa ni Gado na magkatabing nakaupo sa mahabang couch at magkahawak kamay pa. K

