Gado POV "GADO, si Ma'am Lilliana nandyan." Untag sa akin ni Nito, isa sa mga tauhan sa hacienda. Kunot noong lumingon ako. Nakita ko si Lilliana na nakatayo sa labas ng bakod ng kwadra. Sinasalipadpad ng hangin ang kanyang mahabang light brown na buhok. Nagliliwanag ang maputi nyang balat na kita sa suot nyang maiksing maong na short at maliit na damit na hanggang sikmura lang. Napalunok ako. Dalawang gabi akong hindi nakatulog sa kakaisip sa kanya. Kumaway si Lilliana at matamis na ngumiti pero kasabay niyon ang malutong kong mura ng aksidente kong napukpok ng martilyo ang aking daliri. "Ayos ka lang Gado?" Tanong ni Nito. Sinamaan ko sya ng tingin habang winawagwag ang daliring napukpok. Nakita na nga nyang napukpok ko ang daliri ko itatanong pa nya kung ayos lang ako. N

