Lilliana POV SINIPAT sipat ko ang sarili sa life size mirror. Nakasuot ako ng uniporme ko. Blouse na puti na short sleeves na may red scarf. Nakatuck in ito sa gray na pencil skirt na above the knee. Ang sapatos ko naman ay black leather na close shoes na may two inches na takong. Wala naman pinagkaiba ang uniform ko dito sa province sa uniform ko sa Manila. Magkaiba lang sila ng kulay. Ngayong araw na ang start ng pasok ko sa, pinakasikat, pinakamalaki at lumang university dito sa province. Panibagong pakikibaka na naman. Panibagong pakikisama. Humugot ako ng malalim na hininga at sinuklay ng daliri ang nakalugay na buhok. Manipis lang na make up ang in-apply ko sa mukha para fresh. Tumalikod na ako at dinampot ang branded shoulder bag at sinukbit na ito sa balikat. Lumabas na ako n

