Chapter 5

1985 Words
Gado POV NATIGILAN ako sa sinabi ni Senyor Melchor. Para ba akong nabingi pero malinaw na malinaw ko namang narinig ang kanyang sinabi na magiging bodyguard ako ni Lilliana. Ang makulit at ubod na pilyang pinsan ni Boss Wallace at paboritong pamangkin ng senyor at senyora. "What? Dito na mag aaral si Lilliana? Bakit parang biglaan naman yata." Tanong ni Boss Wallace at tumingin kay Sir Delfin. "Hindi ko na kasi kinakaya ang tigas ng ulo ng pinsan mo Wallace. Hindi na sya nakikinig sa akin. Puro barkada ang inaatupag nya kapag walang pasok sa school. Natututo na ring pumunta sa club at uminom. Nag aalala na rin ako sa kanya dahil baka mapahamak sya. Pero hindi naman sya nakikinig sa akin at nauuwi lang kami sa pagtatalo tuwing pagsasabihan ko sya." Mabigat na bumuntong hininga si Sir Delfin at umiling iling. Parang di ako makapaniwala sa sinabi ni Sir Delfin. Parang malayong ganun ang ugali ng dalaga. Pero ano bang malay ko? Hindi ko naman palaging nakikita at nakakasama ang dalaga kaya hindi ko rin sya kilala maliban lang sa makulit sya at ubod ng pilya. "And you think na titino sya dito sa amin tito?" Tanong pa ni Boss Wallace. "I hope so. Kay kuya at ate lang sya nakikinig. Baka sakali dito ay tumino sya. At least dito ay malayo sya sa mga barkada nya at hindi sya basta makakagala." "Hay.. sinabi ko naman kasi sayo Delfin -- " "Ate napag usapan na natin to." Putol ni Sir Delfin sa sasabihin ni Senyora Jacinta. "Oh well, wala na akong sinabi. Basta pinayuhan na kita. Sayo nga nagmana ng katigasan ng ulo si Lilliana." Pasaring ni Senyora Jacinta sa kapatid. Napailing na lang si Sir Delfin at tumingin kay Senyor Melchor na parang nagpapasaklolo. "Hayaan mo na honey. Tulungan na lang natin si Delfin. Para rin ito kay Lilliana." Ani Senyor Melchor. "Ano pa nga bang magagawa ko." Pagkikibit balikat na lang ng senyora. Bumaling si Senyor Melchor kay Sir Delfin. "Don't worry Delfin, aalagaan namin si Lilliana. Dito ay hindi nya magagawa ang mga maling bagay na nagagawa nya sa Manila. And of course may bodyguard sya tuwing lalabas ng bahay. Si Gado na ang bahala sa kanya." Tumikhim ako sa sinabi ni Senyor Melchor. Bumaling naman sa akin ang tingin nilang lahat. "Ah Senyor Melchor sa tingin ko ho hindi ho ako ang nababagay na maging bodyguard ni Lilliana." Sabi ko. "At bakit mo naman nasabi yan Gado?" Kunot noong tanong ni Senyor Melchor. Hindi ko alam ang isasagot ko pero mabilis akong nagisip. "Wala pa ho akong karanasan sa pagbabantay ng babae lalo na ho sa makulit na babae na gaya ng pamangkin nyo. Hindi ko ho alam kung paano i-handle ang mga gaya nya." Malutong na tumawa si Senyor Melchor at napangisi naman si Boss Wallace. Samantalang si Sir Delfin naman ay napailing na lang. "Mukhang hindi kakayanin ni Gado si Lilliana kuya. Knowing Lilliana magaling mang uto. Lahat ng tauhan ko sa bahay nauuto nya." Ani Sir Delfin. Muli lang humalakhak si Senyor Melchor na aliw na aliw sa kapilyahan ng paboritong pamangkin. "Nah tito, kayang kaya ni Gado si Lilliana. Hinding hindi nya kayang utuin si Gado." Nakangising sambit ni Boss Wallace at tumingin pa sa akin. Para bang may double meaning ang kanyang sinabi o baka masyado lang akong nagiisip. "My son is right Delfin. Gaya nga ng sabi ko kanina, subok na subok ko na ang katapatan ni Gado. My decision is final. Si Gado ang magiging bodyguard ni Lilliana." Napakamot ako sa ulo. Mukhang hindi ko na ito malulusutan. Kung ibang babae sana ay walang problema. Pero si Lilliana ito. "Papaano ho si Boss Wallace senyor?" Tanong ko bakasakali ay magbago ang isip ng senyor. "Don't worry about me Gado. I can take care of myself at isa pa nandyan naman ang iba pa nating bodyguards. Mas kailangan ka ni Lilliana. I know you can tame her." Wika ni Boss Wallace na may ngisi pa rin sa labi. Humimas ako sa batok. Mukhang wala na akong magagawa. Pero ngayon pa lang parang sumasakit na ang ulo ko. "Don't worry iho. I'll increase your salary." Dugtong pa ni Senyor Melchor. "Hindi na ho kailangan senyor. Sobra sobra na ho ang salary na binibigay nyo sa akin. Pumapayag na ho akong maging bodyguard ni Lilliana." Sabi ko kahit may pag aalinlangan pa sa aking dibdib. "Well that's good." "But one more thing Gado." Tumingin ako kay Sir Delfin. "Ano ho yun sir?" Bumuntong hininga si Sir Delfin. "Huwag ka sanang magpapadala sa panguuto, panunuhol at pagpapacute nya para makuha nya ang gusto." Habilin nya. Ngumisi naman ako. "Huwag kayong mag aalala sir. Hindi ako basta nakukuha sa pampabribe ng kahit sino." Tumango si Sir Delfin. "Mabuti naman kung ganun." At pinagusapan na nga namin ang tungkol kay Lilliana. Dito na nga sya mag aaral sa probinsya at nakapag enroll na sya sa kilalang unibersidad dito sa tulong ng senyor. At next week ay umpisa na ng pasok nya. Umpisa na rin ng trabaho ko bilang personal bodyguard nya at dito na rin ako sa mansion ng senyor mag i-stay in. Matapos ang pag uusap ay nagpaalam na kami ni Boss Wallace na uuwi na dahil naghihintay na si Alona. Naiwan na lang sa library ang senyor at senyora pati na si Sir Delfin na uuwi na rin maymaya ng Manila. Si Lilliana naman ay hindi ko nakaharap dahil natutulog pa raw ito. Napuyat sa mahabang byahe. Ako naman ay babalik rin dito mamaya dala ang mga gamit ko. "Omg! Daddy Gado!" Natigilan ako ng marinig ang tili ni Lilliana. Napapikit ako ng mariin. Narinig ko naman ang mahinang tawa ni Boss Wallace. "The little monster is awake." Nakangising sabi ni Boss Wallace. Lumingon ako. Tumatakbo na ngayon palabas ng bahay si Lilliana. May matamis na ngiti sa kanyang labi habang nakatingin sa akin. Nililipad ng hangin ang kanyang kulay light brown na buhok. Nakasuot sya ng maliit na damit at maiksing maong na short kaya litaw na litaw ang magandang hubog nyang katawan. Kitang kita rin ang mala-labanos nyang kutis na kapag naaarawan ay nagiging malarosas ang kulay. Magandang babae si Lilliana. Magandang maganda at walang maipipintas sa pisikal na kaanyuan. Para syang manikang buhay. Yun nga lang ay ubod ng kulit at punong puno ng kapilyahan sa katawan. Yun ang malaking dahilan kung bakit ako nag aalangan na maging bodyguard nya. "Daddy Gado!" Tiling muli ni Lilliana. Isang hakbang na lang ang agwat namin ay bigla syang tumalon sabay yakap sa aking batok at angkla ng dalawa nyang binti sa aking balakang. Para na tuloy syang tarsier na nakakapit sa akin. "Lilliana!" Bulalas ko sa gulat at hinawakan sya sa bewang. Pati si Boss Wallace at Gado ay halatang nagulat rin sa ginawa ni Lilliana. "I miss you Daddy Gado! Gosh! Akala ko matagal pa kitang hindi makikita eh. Pero ngayon nandito ka na sa harap ako. Ihh! Sobrang namiss talaga kita Daddy Gado!" Shit! Lihim kong mura habang nagsasalita sya sa harap ng mukha ko. Amoy na amoy ko ang mabango nyang hininga. Damang dama ko rin ang kalambutan ng kanyang katawan na nagbibigay ng kakaibang init sa aking loob. Lalo na ang kanyang malusog na dibdib na naiipit sa aking dibdib. Nagdudulot iyon ng kiliti sa p*********i ko. Ito na nga ba ang sinasabi ko eh. Hindi ko dapat tinanggap ang suhestiyon ng senyor na maging bodyguard nya. "Lilliana bumaba ka nga." Mariing sabi ko at binaklas ang makikinis nyang mga binti na nakapulupot sa aking balakang. Nakakahiya na ang hitsura namin sa mga nakakita lalo na kay Boss Wallace bagama't parang wala lang sa kanya at nakangisi pa. Bumaba naman si Lilliana at yumakap sa braso ko. Muntik pa akong mapamura ng dumiin ang dibdib nya sa aking braso. Tumingin ako kay Boss Wallace. Nakangisi lang sya at iiling iling habang nakatingin sa amin ng pinsan nya. Pilit ko namang tinatanggal ang braso ni Lilliana pero parang linta sya na kapit na kapit. "You know what Daddy Gado, when papa told me na dito na ako mag aaral agad na akong pumayag. Kasi makikita na kita madalas -- ay hindi lang pala madalas. Everyday na pala dahil ikaw ang magiging bodyguard ko. Yii! I'm so kilig! We are meant to be talaga! I'm so excited na tuloy pumasok sa school!" Hindi ko alam kung matutuwa ako sa mga pinagsasabi nya. Lalo na sa pagtawag nya sa akin ng daddy. Kakaiba kasi ang dating nun sa akin. Ayoko lang bigyan ng pangalan dahil para akong nagtatraidor kay Senyor Melchor at Boss Wallace. Pilit ko ng binaklas ang braso sa yakap nya. Nagtagumpay naman ako. Pinagkrus ko ang mga braso at pormal ang mukhang tumingin sa kanya. Ngumuso naman sya at namungay ang mga matang nakatingin sa akin. Mariin kong nilapat ang labi at malalim na bumuntong hininga. Hindi nya ako madadaan sa ganyang mukha. Bumuntong hininga ako. "Dahil ako ang magiging bodyguard mo simula bukas binabalaan na kita Lilliana. Hindi uubra sa akin ang katigasan ng ulo mo. " Mariing sabi ko sa maawtoridad na boses. Narinig ko namang sumipol si Boss Wallace na nakapamulsa na habang tila naaaliw na pinapanood kami ng pinsan nya. "O..kay, hindi na magiging matigas ang ulo ko. Ulo mo na lang.." Sumulyap si Lilliana sa harapan ng pantalon ko at ngumiti. "..ang patitigasin ko." Pilya nyang sabi sabay hagikgik. "What the f**k Lilliana?" Bulalas ni Boss Wallace na nagulat sa sinabi ng pilyang pinsan. "I'm just kidding kuya!" Umigting ang aking panga kasabay ng pagbilis ng t***k ng puso ko. Parang may halimaw na nagigising sa loob ko dahil sa biro nya. Hindi pa rin ako masanay sanay sa mga green jokes nya. "It's not funny Lilliana." Ani Boss Wallace sa seryosong boses. Ngumuso si Lilliana. "Joke nga lang eh. KJ naman." Napangisi na lang si Boss Wallace at umiling iling. Sa akin naman bumaling si Lilliana na may matamis ng ngiti. "Promise Daddy Gado, magbe-behave ako. Hindi ko papasakitin ang ulo mo at susundin ko ang lahat ng utos mo." Humugot ako ng malalim na hininga at tumango tango. "Mabuti naman kung ganun. Dahil kapag nagpasaway ka itatali kita." Naging pilya na naman ang kanyang ngiti. "Saan? Sa kama mo?" Pumikit ako ng mariin at umigting ang panga ko. "Sa puno ng mangga. Itatali kita patiwarik." "Ay gusto ko yan! Nakatiwarik ako." Humagikgik sya. Muli akong napapikit ng mariin at pinigilang mapamura. Pumipintig ang ugat sa sentido ko at parang pati ang ugat sa aking 'ibaba' ay pumipintig na rin. Putangina! Humagalpak naman ng tawa si Boss Wallace na parang tuwang tuwa pa sa kapilyahan ng pinsan. Magpinsan nga sila. Isang dugo ang nananalaytay sa kanilang katawan. "You're so naughty my dear cousin kaya suko na sayo si tito at tinapon ka dito sa probinsya." Nakangising saad ni Boss Wallace at pinisil ang pisngi ni Lilliana. "At least dito nya ako tinapon. Sobrang happy ko kaya. Medyo sad lang dahil hindi ko na makakasama ang mga bff's ko." "Mabuti na yun para di ka na nila maimpluwensyahan." "Hey, mababait kaya ang mga bff's ko." "O eh di ikaw ang hindi mabait. Mabuti na yung dito ka para hindi mo sila maimpluwensyahan." Ngumuso si Lilliana. "Ang sama mo kuya. Mabuti na lang paborito ako ni Tito Melchor kesa sayo. Bleh!" Tumawa si Boss Wallace at ginulo ang buhok ni Lilliana. "Just be a good girl to Gado kiddo. Huwag mo syang pahihirapan." "Ay kuya naman yung buhok ko. Saka I'm not a kiddo na no. And don't worry I'll be a good girl to Daddy Gado. I promise!" Tinaas pa ni Lilliana ang kanang kamay na parang nanunumpa at pakurap kurap pa ang mga matang tumingin sa akin. Napahimas na lang ako sa batok at napailing iling. Mukhang kailangan ko ng magsimba linggo linggo para malayo ako sa tuksong hatid ng pilyang pinsan ni Boss Wallace. *****
Free reading for new users
Scan code to download app
Facebookexpand_more
  • author-avatar
    Writer
  • chap_listContents
  • likeADD