Lilliana POV PUNONG puno ng tawanan ang komedor dahil sa biruan nila Rafael, Faye at Roxane. Sumasali pa minsan sa biruan si Tito Melchor na tuwang tuwa kay Rafael. Kaya ang siste napagtutulungan si Rafael. Tawa naman kami ng tawa ni Tita Jacinta. "Just feel at home mga iha at iho. Marami kayong pwedeng gawin dito sa hacienda. Siguradong mag e-enjoy kayo." Ani Tito Melchor sa gitna ng aming pagkain. "Salamat po gov. Pangarap ko po noon pa na makapasok dito sa hacienda nyo." Masiglang wika ni Rafael na syang pinaka madaldal sa amim. All ears din sya sa pakikinig kay Tito Melchor. Interesado sya sa anumang sinasabi ni tito. Halata ang paghanga nya rito. "Ang dami mo namang pangarap iho. Nakakatuwa ka." Natatawang sabi ni Tita Jacinta. Kumamot sa ulo si Rafael na tila biglang nahiya.

