Lilliana POV PAKANTA kanta ako habang sinusuot ang roba. Alas nuebe na ng gabi pero maalinsangan pa rin kaya trip kong magswimming ngayon. Dinampot ko ang tuwalya at lumabas na ng kwarto. Nasa gawing likod ng mansion ang liver shape pool. Isipin ko pa lang ang lamig ng tubig ay nae-excite na akong tumalon sa pool. Medyo napagod ako sa buong maghapon pero enjoy naman dahil masayang kasama ang mga bago kong kaibigan. Pero minsan namimiss ko rin ang mga kaibigan ko sa Manila lalo na si Mitch, Lory at Carla. Sa sabado ay pupunta dito sa mansion sina Roxanne, Faye at Rafael. Pinagpaalam ko na yun kanina kay Tito Melchor at Tita Jacinta at pumayag naman sila. Sobrang excited na ang tatlo. Pagbaba ko ng hagdan ay napatingin ako sa katabing pinto kung saan ang kwarto ni Gado. Tulog na kaya sy

