Lilliana POV HINDI nakulong si Chloe dahil nadiagnose syang may schizophrenia kaya sa mental hospital ito dinala para magamot at matherapy. Somehow naaawa pa rin ako sa kanya. Hindi biro ang may pinagdaanang ganung sakit. Humingi naman ng tawad sa akin ang ama nyang si Mayor Diego. Pero ang kanyang ina ay ramdam kong may inis sa akin. Siguro ay sinisisi nya rin ako sa nangyari sa anak nya. Pero wala naman akong kasalanan. Gayunpaman ay hangad ko na lang na gumaling si Chloe at bumalik na sa normal ang kanyang pag iisip para mapanatag na ang loob ng kanyang mga magulang. Si Gado naman ay pinagpahinga muna ni Tito Melchor ng isang buwan hanggang sa tuluyang gumaling ayon na rin sa suggestion ng doctor nya. Noong una ay mapilit si Gado na kaya nyang magtrabaho pero pinagalitan sya ni tito

