Lilliana POV UMABOT pa ng ilang buwan ang lihim naming relasyon ni Gado. Apat na buwan na nga lang ay mag iisang taon na kami. Walang pinagbago si Gado sa nakalipas na mga buwan. Maalaga sya sa akin at maaalalahanin. Naging overprotective din sya dahil ayaw na nyang maulit ang ginawang pagtatangka sa akin ni Chloe. Nagiging tutor ko pa nga sya minsan at tinutulungan pa nya ako sa mga research ko. Hindi lang sya nobyo ko, kundi kaibigan na rin at kung minsan ay parang tatay na rin. Pero maingat pa rin kami sa mga kinikilos namin kapag kaharap sila Tito Melchor at Tita Jacinta. Minsan pasimple kaming nagdedate at ang mistula naming hide out ay ang bahay nya. May ilang mga damit na nga ako roon. Nakilala ko na rin ang tiyahin nya na si Tiyang Lupe at ang tiyuhin nyang may sakit na si Tiyong

