Lilliana POV HUMIHIKAB na pumasok ako ng kusina. Alas nuebe na ako nagising. Eh kasi naman anong oras na ako nakabalik sa kwarto kagabi. Mga alas tres na. Wala naman kaming ginawa ni Gado kagabi kundi maglambingan lang habang magkatabi sa kama at nagkukwentuhan. Kinwento ko sa kanya ang conflict sa pagitan namin ni Tita Blesilda at Madel. Para hindi na sya magulat kapag nakita nya kaming nagbabardagulan. "Good morning everyone." Masiglang bati ko sa mga kasambahay na abala sa kusina. Nagpeprepare na sila ng lulutuin sa pananghalian. "Good morning iha. Tinanghali ka ng gising ah." Bati ni Manang Ditas. "Napasarap po kasi ang tulog ko eh." Sabi ko na lang at nag iwas ng tingin. Kunwaring tiningnan ang ginagawa nila. "Mukha nga. Di ka na nga pinagising para sumalo sa almusal. Hala,

