Kabanata 7

2623 Words

Patuloy ko pa ring pinupunasan ang mga luha ko kasabay ng paghampas ng malalakas na hangin sa aking balat. Nandito ako ngayon sa dalampasigan. Mabuti na lang at walang gaanong tao dito ngayon. Tahimik. Nakaupo ako sa buhangin. May nakita akong isang maliit na bato. Pinulot ko ito at marahas na ibinato sa dagat. Hanggang kailan ba 'ko magiging ganito. Muli kong pinunasan ang tumulong luha sa'king mata. "Sabi na ikaw 'yan eh." Napaangat ang aking ulo nang marinig ang napakakisig na boses na iyon. Mabilis rin akong umiwas nang tingin nang makumpirmang si Mateo nga ito. Naramdaman ko ang pag-upo niya sa aking tabi. Hindi ako nagsalita. Hindi ko alam kung bakit nandito siya pero ang tanging gusto ko lang ngayon ay mapag-isa. "May problema ka nanaman, tama ba?" Nakatingin lang ako sa kaw

Free reading for new users
Scan code to download app
Facebookexpand_more
  • author-avatar
    Writer
  • chap_listContents
  • likeADD