Sunod-sunod ang aking mga luha habang marahas niya akong binaboy. Sukang-suka na 'ko. Hindi ko na kaya. Nakita ko ang tuwa sa kanyang emosyon nang siya'y labasan at saka ako binitawan. "Magaling. Lumabas ka na." Pag-kasabing pag-kasabi niya non ay walang pag-alinlangang lumabas agad ako. Pumunta agad ako sa aming palikuran at mabilis kinandado ang pinto. Napaluhod ako sa harap ng kubeta at doon ko pilit na isinuka lahat. Diring-diri ako. Nakakadiri. Naupo ako sa malamig na sahig sabay yakap sa aking mga binti. Iyak lang ako nang iyak. Hanggang kailan? Hanggang kailan ako magtitiis? "Jusko po Isabella anong ginagawa mo riyan?" Dahan-dahang akong dumilat at nasilaw sa liwanag na nagmumula sa bintana; narinig ko ang boses ni tiya Imelda. Nilibot ko ang aking paningin. Nasaan ako? M

