"Ate nagpunta ka nanaman ba ro'n?" Napakunot ang noo ko nang matanaw si tiya Imelda at ina na nag-uusap. Napagpasyahan ko ng umuwi ng aming tahanan nang mapagtantong wala naman akong tiyak na patutunguhan. Umuwi ako nang maaga o hindi, ganon pa rin naman ang sitwasyon ko sa bahay. Papasok palang ako sa loob ng bahay. Bahagyang nakabukas ang pinto kaya natanaw ko sila. "Natatakot na 'ko Imelda. Malapit na ang kaarawan ni Isabella." Nang marinig kong tungkol sa akin ang usapan, dahan-dahan akong gumilid sa may pinto upang hindi nila ako mapansin. Lalo akong nagtaka. Bakit siya natatakot dahil lang sa malapit na ang aking kaarawan? Pilit akong patagong sumisilip sa pintong bahagyang nakabukas. Nakita ko ang pagbuntong hininga ni tiya. "Hanggang ngayon ba naniniwala ka pa rin sa kwen

