"Sa paglubog ng araw, saka mo ako tignan, at sabihing m-mahal mo ako." Muli kong naramdaman ang mainit niyang mga kamay sa aking pisnge. "Belle ano bang sinasabi mo? Mahal kita, may araw o wala, mahal na mahal kita." Muli akong napapikit habang dinadama ang himas niya sa aking mukha. Hindi ko na alam kung bakit ganito ang tumatakbo sa aking isipan. Siguro nga dapat niya ring masaksihan ang katotohanan. Hinawakan ko ang kamay niyang hindi tinitigilan ang aking pisnge. "Mateo?" Halos pabulong kong sambit, habang nananatiling nakapikit. "Belle?" Dinama ko ang pakiramdam ng kanyang mga palad, ang hawak ko sa malamlambot niyang kamay. Muli akong huminga nang malalim habang hindi pa rin dumidilat. "M-maaari bang... m-makahingi sa'yo ng isang.. halik?" Sobrang bilis na nang kabog ng ak

