Hindi na napigilan ng mga luha ko ang pumatak. Saglit akong sumulyap sa kanya nang wala akong narinig na kahit isang salita. Hindi siya nakatingin sa akin. Nakayuko lang siya at parang ang lalim ng iniisip. "Mateo--" "Belle bakit?" Muli akong napayuko nang magtama ang aming mga mata. Ang sakit! Bakit ang sikip ng dibdib ko? "Kahit anong pilit kong intindihin, hindi kita maintindihan. Belle gusto kong malaman kung anong problema, kailangan kong malaman kung ano yang tumatakbo sa isip mo." Pinunasan kong muli ang mga luha na pilit pumapatak sa aking mga mata. Kung ganon lang sana kadali. Kung madali lang sanang ipaintindi sa'yo Mateo. Huminga siya nang malalim. Hinahabol ko na ang aking paghinga sa sobrang sikip ng aking dibdib habang nananatiling nakayuko lang at hindi makatingin s

