"Jusmeyo, anak!" Dahan-dahan akong nagmulat; ang bigat ng talukap ng aking mga mata. "Hindi ito maaari." Napatingin ako kay ina na hindi maipaliwanag ang itsura. Dahan-dahan akong naupo. Nilibot ko ang aking paningin, habang unti-unting inaalala ang mga nangyari kanina. Nasa banyo ako? Oo tama! Nakatulog ako? Panaginip lang ba iyon? Pero... nasa banyo talaga ako! . "Anak, patawarin mo ako." Bumuhos ang sunod-sunod kong mga luha nang tignan ko ang aking katawan at punong-puno pa rin ito ng mga balahibo. Muli nanaman akong nanghina at lalong nanlambot. Niyakap ako ni ina at tila hindi ako makagalaw. Paano? Paano niya 'ko nagagawang yakapin sa kabila ng aking itsura? Alam kong ramdam niya ang kapal ng balahibo ko sa pagyakap niya sa'kin. "Ina.. pakiusap, gisingin niyo 'ko sa bangun

