Kanina pa kami nakaupo ni Mateo rito sa aming mahabang upuan. Kung ano-ano na ang napag-uusapan namin ngunit hindi pa rin bumabalik si ina. "Ano na nga palang balita kay Anastasha?" Nag-iwas bigla ng tingin sa akin si Mateo, yumuko rin ako. Hindi ko pa rin talaga maiwasang malungkot para sa kanya. Nawala siya nang hindi man lang kami nagkakaayos. "Iyon, ayon kay Kriselda nakaburol siya ngayon sa kanilang tahanan." Tinignan ko siya, alam ko namang kahit sinasabi niya sa akin na wala akong kasalanan sa nangyari, paminsan naiisip din netong kasalanan niya. Hindi lang sinasabi sa'kin ni Mateo pero alam kong may parte rin sa puso niya na iniisip niyang siya ang may kasalanan. Hinawakan ko ang kanyang malambot na kamay na nakapatong sa kanyang binti. Tinignan niya ako at saka ko siya bini

